"T-thank you. I g-guess it's time for me to go to my room now," nauutal kong saad. Tumalikod na ako para pumunta ng guestroom. Pinilit kong maglakad ng matuwid kahit hindi nakikisama ang katawan at paningin ko. Shit, Fiona, get it together if you don’t want to end up kissing the floor.! Dali-dali akong humakbang papunta ng kwarto, ngunit dahil sa pagkahilo at panlalabo ng mata ko ay bumangga sa saradong pinto ang noo ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Lalo tuloy akong nahilo. Napaungol ako sa sakit. "What the hell?!" I cursed under my breath, rubbing my throbbing forehead and the bridge of my nose. Hinimas ko ang medyo masakit kong noo at ilong habang nakaupo pa rin sa sahig. Makaraan ang ilang sandali ay sinubukan kong tumayo pero bago ko pa man iyon magawa ay maramdaman kong may

