15 years after.....
Nagising si Maya dahil sa lakas ng tonug ng alarm clock niya.
"Hay ano bayan. Apat na oras lang tulog ko." Sabi niya sa sarili dahil sa inumaga na siya na tapos sa kanyang gawain sa apartment niya bumokod na si Maya mula,nung nagka trabaho na siya sa Manila. Solo na niya ang gawain sa Bahay.
Dali dali siyang umahon mula sa higaan niya at naligo.
Pagkatapos ng isang oras, nakalabas na siya gate ng apartment niya.
Nilakad lang niya mula sa bahay niya patungong office.
Hanggang sa nakarating siya, pinagbuksan siya ng guard sabay bati " Good morning Ma'am Maya" sabay ngiti sa kanya.
Habang siya naman ay mabilis niyang tinugunan ang bati ng guard, "Good morning po manong Carlito".
Sabay papasok sa Elevator, pasado alas 7:00 na sa umaga. Marami din syang nakasabay sa elevator.
Dinig na dinig din nya ang bulong bulongan ng kapwa ka katrabaho niya.
Girl number 1, " Balita dzai nandito nadaw yung anak ni sir, Kakagaling lang ng Amerika at don nag aral."
Girl number 2, " diba sabi nila estrikto daw yon?
Girl number 3, " ay oo dzai balita ko nga e.. Pero ang gwapo ng Papa niyo.. "
Sabay nag titilian ang tatlo.
Habang siya naman nakasandal lang sa gilid. Di nalang niya pinansin ang chismis ng mga katrabaho nya..
Naka uwi na pala ang anak ni boss?
Sabi niya sa sarili.. Ni minsan di niya nakita kung ano hitsura ng anak ng boss niya.. Dahil di naman siya interisado nito.
Pag bukas ng elevator agad agad siyang pumwesto sa upoan niya.
Habang nag aayos siya ng mga folders. At may tumawag sa kabilang linya ng telepono. " Yes Sir? Sagot niya. "Ms, Virrauel, pumasok ka ngayon sa opesina, may sasabihin ako sayo."
Sabi sa kabilang Linya na si Mr. Villafuerte. " sige po sir ".
Nang kapasok siya sa opisina agad niyang nakita ang Presidente ng kompanya. At nahagip niya sa kanyang mga mata ang nakapaka gwapo nitong mukha, matulis ang ilong. Napaka amo nitong mga mata. At napaka pula nitong mga labi. At ang katawan nito ay napaka matipuno.. "Its him"
Sabi niya sa sarili pera agad siyang pumwesto.
"Ms Verrauel. Meet my son Axues Villafuerte." sabi ng amo niya.
"Hello Ms. Verrauel. Its nice to meet you." in cold tone..Ani ng binata sa kanya.
Agad naman siyang sumagot " Hi its nice to meet you too."
Nagpanggap siya na di niya ako kilala? sabi niya sa sarili..
"So, Ms. Verrauel ang anak ko muna ang mag mamahala dito sa kompanya ng tatlong buwan" sabi ng amo niya.
Napa kurap,kurap siya dahil sa titig na titig sila ng kaharap niya.
"Sir? "
"Mag bakasyon muna kami ng asawa ko, ngayon lang to. Lubos lubosin nalang namin." sabay tawa ng boss niya. "Ang anak ko lang muna ang mag mamahala dito sa kompanya habang wala ako dito." Wag kang mag alala mag kasundo kayo ng anak ko. Sabay pilyong ngiti ng Amo niya.
" Oh sige alis muna ako.. Hijo, ikaw na bahala dito" sabay tayo ang matanda.
" Yes Dad." Sagot ng Lalaki na nakatayo lang habang titig na titig ito sa kaharap niya.
Sabay talikod ang matanda at isinirado ang pinto.
Habang si Maya naman halos ma tulos na siya , nanginginig ang mga tuhod niya. Tumikhim siya pagkatapos ay tumayo na.
" Nasa labas lang ako Sir, tawagan mo lang ako sa linya kung may kailangan ka. Sabay talikod papuntang pintuan , at bago pa bumokas ang pinto.
" So? its a small world Maya. Sino ba mag aakala na dito ka lang pala sa kompanya namin nag tratrabaho.?" In cold tone.
Ano yun pagkatapos siyang saktan nito at iwan siya pa may gana magsalita ng ganyan? Sabi niya sa sarili.
Tumikhim muna siya bago sumagot at humarap siya nito.
" Di ko rin naman kasi alam na anak ka pala ni Sir Arnolfo Villafuerte." kung may kailangan ka na sa labas lang ako."
" Ipag timpla mo ako ng kape." sabi ng binata..
"Right away Sir."sagot nya sabay sarado ng pintuan..
Nang pakatapos nilang mag usap mula kanina ni Axues. Di na siya nito inabala pa.
Pasado alas sais na ng gabi na natapos si Maya sa kanyang trabaho.
Nang pakalabas na siya sa opisina Dali dali siya pumara ng taxi, pero may humarang dito.
At alam niya itong mamahalin ang sasakyan, ng bago pa siya maka pag,salita lumabas at driver sa sasakyan, namilog ang mata niya ng makita kung sino ang namamaniho nito..
Axues? Sabi niya sa sarili..
"Anong kailangan mo? Tanong niya nito sa binata.. Pinandidilatan niya ito ng mga mata niya..
" Hinihintay ka. Saan ba ang bahay mo ihahatid na kita"? Tanong ni Axues sa kanya..
"Ahm- ahh . nasa malapit lang..wag na mag aabang lang ako ng taxi." Tanggi niya sa binata..
"Common Ms. Virrauel ihatid na kita I insist". Di naman ako mangangagat e". Sabay tingin ito sa mga labi ng dalaga.
"Ahm. May dadaanan pa kasi ako e, sa Grocery store. May bibilhin ako wala na kasing laman yun ref ko ." Alibi nya sa binata.
" Edi samahan na kita". Sagot nito sa kanya.
"Habang si Maya naman nakatingin sa mukha ng binata.. " Ano, ganon lang naging mabait ka sa akin na parang walang nangyari? Pagkatapos ng labing limang taon? Ganun lang?"
Pero di niya sinabi ito sa binata. Tumikhim mona siya bago sumagot..
"Sige. Ituro ko lang sayo ang daan".
Tugon niya nito.
Pagkatapos non tulamalikod yung binata sabay buksan yung pintuan ng sasakyan niya..
"Hop. Ani ng binata sa kanya.
"So komusta kana Maya"? Tanong nito
"Talagang okay ka lang ba?" inis nyang tanong sa sarili..
"Im okay as you can see". Sagot niya nito..
At naging tahimik lang ang kanilang byahe. Nang pagkatapos niya mamili sa meat store sabay tulak niya sa cart pa puntang counter.
"Let me help you.". Ani ng binata sabay papuntang counter.
Habang siya naman nakasunod lang at naka titig na titig sa likod ng binata.
"Promise di kita iiwan, mahal na mahal kita. Iiwasan ko lahat ng mga babaing gustong lapitan ako.Sayo lang ako"
Napapailing si Maya ng maalala niya ang mga sinabi ni Axues sa kanya nong Highschool pa sila.
"Ano ba Maya, that was 15 years ago."
Saway niya nito sa sarili.
Di namalayan ni Maya na panay na pala tawag ni Axues sa kanyang pangalan.
Nagpakurap kurap siya nga kanyang mga mata.
" Hey, ito lang ba ang bibilhin mo?" Pwedi ba ako magdagdag ng wine?
Tanong ng binata sa kanya.
"Ano naman ang gagawin ko sa wine mo? Di naman ako umiinom.Ano lang pang display lang sa bahay?. Sabi nya sa binata sabay snab,nito sa kanya..
" Oh you're not even change" puna ng binata. "Sige kung ayaw mo ok lang naman.. Ito lang ba lahat ang bibilhin natin?" Ani ng binata. Sabay turo sa laman ng cart.
Anak ng putik, talagang umaasta talaga siyang walang nangyari?
Natin? Huhh.. Ang kapal...
Tiningnan muna niya ang binata na matalim bago niya ito sinagot.
"Yan lang muna sa ngayon, yan lang kasi ang kakailanganin don sa bahay e." Bago siya nag abut ng pera sa counter. Pero mabilis pa sa alas kwatro ang binata may bit bit na pala itong dalawang libo at inabot niya sa cashier. At akmang bitbitin na niya yung mga supot na pinabili niya.. Naunahan na naman siya nito..
"Ako na. Mabigat to, baka mapagud kapa." Ani ng binata sabay dritso sa sasakyan na nasa labas ng groceries store
At siya naman naka sunod lang..
"Still gentleman?" Puna niya nito.
At ng makapasok na siya sasakyan. Nag tanong ang binata sa kanya kung nasan ang bahay nito.. Kahit alam na niya kung nasan ang dalaga nakatira. Kahit nasa ibang bansa siya , pinagsubaybayan parin nya ito ang dalaga.
At nang naka bugad na sila sa apartment ng dalaga.
"Dito nalang Mr. Villafuerte." sabi nya sa binata.
Hininto ni Axues ang sasakyan at pinatay nito ang makina.
"Di mo man lang ba ako iimbitahan sa loob bahay mo? Tanong nito.
"Gabi na kasi." Ikli niyang sagot.
"Di mo man lang ba ako yayain kumain sa loob?"
Tumikhim muna siya bago niya ito sinagot. " sige pasok ka muna , magluluto lang ako..
Dali dali si na inilibas ang sa cellophane yung mga binili niya at hinugasan ito at ipinasok niya ito sa ref.
Ilang minuto na nakalipas..
Nakapag handa na siya , niluto niya lang ay ,adobo pork at chicken..para madali..
Habang ang binata ay, sabay inspection sa bahay niya, mula sala at kusina..
She clear her throat, bago siya nag salita.. " Ano ba ang hinanap mo?
Tumayo ang binata ng matuwid, at namulsa ito.. " Really? Ito ang apartment mo?
" Bakit may problima ba? Ano naman masama kung maliit lang ang apartment ko. Ako lang naman mag isa dito..Sagut niya sa binata, bago niya tiningnan,ulit yung niluto niya.
"Seriously, wala ka ng ibang kasama dito sa apartment mo"? lihim itong nakangiti ang binata..
At pinaikot ang kanyang mga mata sa kabuoab ng bahay.
Tiningnan naman ni Maya ang binata ng masama..
Sa dina naka tiis si Maya, dahil sa inis niya sa binata..
"Ikaw Axues ah.. Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? 15 years Axues, 15 years.. Nakapag move on na ako sayo." Kaya pwedi ba, ano ba talaga ang pakay mo sakin? Hah..!! Sabay kagat ng ibabang labi niya.
And then Axues chuckled. " Really Maya? Nakalimutan muna ako? Bakit may iba kana ba? Akala ko ba pinaghahawakan mo yung mga pangako natin sa isat-isa? Na ako lang?"
At di mapigilan ni Maya na tumaas ang boses.
"Wow! Really Axues? Ako pa talaga ang tinanong mo ng ganyan? Sino ba sa atin ang nakalimot ha? Axues ang tagal kung nag hintay sayo? Pero sa tagal na yon marami na akong natutunan." kaya please lang kung ano man ang balak mo. Wag mo nang ituloy.. "
At ang binata naman ay di napigilang lumapit sa kanya.
At yumakap ito at may binolung sa dalaga.
"Mahal kita Maya, mahal na mahal." Di lang ako nakapag paramdam sayo noon dahil ayaw kung,magpakita sayo na wala akong mapapatunayan, pero ngayon Maya nag balik,na ako di na kita iiwan".
And then he slowly kiss at Maya's temple. Then he leaves.
At ang dalaga naman ay napa kurap kurap sa kanyang mga mata. At na pahawak siya sa kanyang dibdib na halos kumuwala na sa subrang kaba at agad siya pumunta ng kusina, nag kuha ng malamig sa tubig ref at uminom ito.
At maya maya nang pagkatapos niyang kumain, dumiritso siya sa kwarto at naligo. Ilang minuto pagkatapos niyang maligo itinapat niya ang hair dryer sa buhok niya.
Nang natapos siya sa kanyang ginagawa. Dahan dahan siyang humiga sa kama.
Habang tumatakbo sa utak niya ang mga nangyari sa kanya ngayong araw.
"Leave with Axues, niloloko ka lang niya. At katunayan niyan parte ka lang sa mga babaeng koleksyon niya. He doesn't love you. You know what, me and Axues live in States both parents decided this. So leave.. Naawa na ako sayo. You don't deserve this. You don't deserve to be broken, cuz I know you're kind as a person."
Nagising si Maya dahil sa alarm clock niya. At dali daling pumasok sa banyo para maligo.At ipinihit niya ang kanyang mga mata. "Bad dreams". Ani niya.
Dali dali naligo si Maya at ng natapos siya, agad naman siyang namili ng damit sa closet niya. At ng natapos siyang mag bihis. Agad siyang dumiritso sa kusina at nag timpla ng gatas.
Nang nakapasok si Maya sa opisina.
Agad naman niyang ina asikaso ang mga papilis na dapat papirmahan ng anak ng Boss niya.
Then she knock the door, agad naman sumagot ang nasa loob. "Come in".
Inayos muna niya ang kanyang suot na damit, naka Polo siya na silk kulay baby pink at pinarisan niya ito ng skirt at sapatos, habang ang mga buhok niya ay kanya lamang inilugay.
Bago siya pumasok.
At ipinuwisto niya ang mga papilis sa mesa. " Good morning sir". Ito na po lahat ang mga papilis na dapat pipirmahan mo. Pati nadin po sa ibang department."
Habang ang lalaki naman ay di man lang nag angat ng tingin. "Good morning too Ms. Villaruel. Ilagay muna lang lahat diyan sa mesa. " ani ng binata. " At paki tawag ng meeting sa kanila". Dagdag nito sa kanya.
"Yes sir." Sagot niya bago siya tumalikod. At bumalik siya sa kanyang mesa. At tinawagan niya ang board para sa meeting.
Pasado alas dos na ng hapon di pa nakapag tanghalian si Maya. Komulo na ang kanyang tiyan.
Dali dali siya pumunta sa canteen parte ng opisina nila.
Umorder lang siya ng isang sandwich at isang mansanas at tubig.
Napansin niya na may nakatingin sa kanya habang siya ay kumakain. Pero hindi niya iyon binigyan nang atensyon, matapos siyang kumain dali dali siya bumalik sa kanyang pwesto.
Pero bago pa siya nakaupo may tumatawag sa kanya kabilang linya. Agad naman niya dinampot ang telepono.
"Yes, Hello! Bati niya sa kabilang linya.
Sumagot ito sa kabila " Bakit kaba nagpapalipas ng gotum Maya? ani ng binata.
Tumikhim muna si Maya bago sumagot sa linya ng telepono. " Nakalimotan ko lang kasi yung oras Boss." May kailangan ka?
" Yes" We leave in few minutes so prepare yourself." Ani ng binata
Nagtaka si Maya kung bakit, wala naman sa schedule nila na may Meeting sa labas. " Bakit boss? May emergency ba? Sagut niya nito.
"Do what I say". In a cold tone sagot ni Axues. Bago ito binaba ang telepono.
Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan siya.
Pagkatapos ng tatlong tonug sinagot ito ang kanyang tawag.
"Hey bud, akala ko nakakalimutan muna ako? Ako na bestfriend mo"? Maktul ni Andrues.
"Sorry I got busy, si Daddy kasi na sa ibang bansa sila ni Mom. Ako ang naatasan na magmamahala sa kompanya". Sagot niya nito.
"Anyway ihanda mo ako ng reservation good for two table I'm in 30 minutes."
"Wait, what? Bulyaw ni Andrues. "Kailan ba ako naging utusan mo ha"?
"May ka date ka? Udyok niya nito sa binata.
" Its a plain lunch, not date."sagot ni Axues sa kanya. "Prepare my favorite foods".
At di pa nakasagot ang binata sa kabilang linya, pinatayan na niya ito ng tawag.
At bago pa niya ito mailagay sa bulsa niya, nag beep ito.
Text from Andrues:
"f**k you .
Ngumiti nalang si Axues kahit ganun ang bestfriend niya lahat naman pinapagawa niya ay ginagawa ito. Kahit noong nasa Amerika pa siya. Siya itong palaging nag rereport sa mga ginagawa ni Maya. Kahit ilang ulit narin itong nagagalit sa kanya dahil panay buntot ito sa dalaga.
Few minutes later, his cellphone beep again.
Text from Andrues:
" Ready na, .
Napangiti siya habang nakatitig sa cellphone niya.
" Thanks bud".
Reply sent!
Agad siyang lumabas sa opisina, at dumiritso siya sa dalaga.
Pero habang papalapit siya sa mesa ng dalaga tiningnan niya ito, mula ulo, braso, dib dib, at puwet. Lihim siyang ngumiti " Sexy ass! Sa isip niya. At ang mga mata niya ay bumalik sa mukha ng dalaga. Dahan dahan niya itong tiningnan mula sa mga mata, at ang napaka amo nitong tingnan na parang nangungusap, at ang ilong nito na pointed nose, at napatigil siya sa labi ng dalaga na natural lang ang pagkapula. Na ngungudyok na halikan siya. Habang di mapigilan ni Axues ang kanyang sarili na halikan ang dalaga.
Napapikit siya " Hey buddy. Relax lang ok? Sabi niya sa kanyang alaga na pagitnaan ng kanyang mga hita.
Nag angat tingin si Maya na may taong papalapit sa kanya. Na ang tingin niya ay kanina pa siya nito minamasdan. At nag tama ang kanilang mga mata. Titig na titig siya sa binata at di mapigilang uminit ang mga tainga niya. Dahil sa nagka sabay sila ng tinginan.
Siya ang bumasag sa kanilang dalawa. At tumikhim siya bago mag salita. " Aalis na ba tayo? Saan ba talaga ang punta natin, wala naman sa schedule ah".
Kumuwala ang binata sa pagka titig sa kanya bago ito naka sagot." Lets go! Ikli nitong sagot at hinablot ng binata ang kanyang kanang pulsohan at hinatak niya ito papuntang elavator.
Nang nasa loob na sila ng elevator parang mabingi silang dalawa sa dulot ng katahimikan. Nakasandal si Maya sa gilid samantalang naka pamulsa naman ang binata.
Di maiwasan na pagmasdan ni Axues si Maya na tahimik lang nakatayo at nakapikit ang mga mata nito.
Nauudyok siyang halikan ito, pero sa di malamang ang dahilan kusang kumakbang ang kanyang mga paa palapit sa dalaga.
Ang mga maninipis nitong mga labi at natural na mapula. At dumampi at kanyang mga labi sa labi ng dalaga.
Iminulat ni Maya ang kanyang mga mata ng maramdaman niyang may dumampi sa labi niya. Nagulat man siya pero hindi niya magawang itulak ang binata. Pero hindi rin naman niya ito sinagot ang pag halik ng binata. Hanggang sa kusa ng kumawala ang labi ni Axues.
"Ano ang ginagawa mo? Batid niyang hinalikan siya ni Axues pero gusto niyang tanungin ito. Habang pigil niyang hindi kumawala ang puso niya sa kaba.
"I miss you Maya." Ani ng binata."Subrang Miss lang kita at di ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka." Pag amin niya sa nito.
Pina hupa muna ni Maya ang kanyang sarili bago niya sinagot si Axues. " Kung totoo man ang iyong sinabi sana gumawa ka man lang ng paraan dati. Di ka man lang nagparamdam." Pag amin niya nito.
Bago pa makasagot ang binata, at tumonug ang bell ng elevator bago ito bumukas.
Sumunod naman sa kanya ang dalaga, habang naglalakad sila hallway pinagtitinginan silang dalawa ng boss niya ng kapwa katrabaho ni Maya. Yomoku lang si Maya hanggang sa nakaabot siya sa labas at iginiya siya ng binata papasok ng sasakyan.
At ng makapasok siya sa sasakyan amoy na amoy niya ang sa loob ng sasakyan napakabango nito.
Tinitigan niya ang binata ng nakapwesto sa monabela, bago pa siya nag salita.
" Saan ba tayo Axues? Alam mo bang napakarami ko pang gagawin? Ani niya.
"At bakit ako ba wala? Nagugutom ako kaya samahan mo ako." sagot niya nito sa dalaga. At binuhay ang sasakyan papunta sa isang kilalang Restaurant.
Napanganga si Maya ng makita kung saan siya dinala ng boss niya. At binuksan ng binata ang sasakyan. Habang ang mga mata ni Maya ay di parin kumowala sa harapan niya.
"Ohh! Sa buong buhay ko akala ko lang sa Magazine ko lang to makikita." Totoo ngang napakalaki nitong gusali at halatang puro mayayaman lang ang nakakapunta dito. Ani niya nito sa isip niya.
Nagulat si Maya na may humawak sa siko niya. At nginitian lang siya nito papunta sa loob ng Restaurant. Ng nakapasok na sila sa loob may bumati sa kanilang lalaki, wari niyang isa din itong pinagpipilahan ng mga babae. Sa napaka gwapo nitong mukha, masculine na pangangatawan matulis na ilong at manipis na mga labi.
At lumapit sa kanila ang lalaki. At iginaya silang dalawa sa mesa.
"May utang kapa sa akin Villafuerte ha." Sabi ng binata na nakakusot pa ang nuo at sinamahan sila nito patungo sa mesa.
At tumawa lang loko na kasama niya.
"Oh iwan ko na kayong dalawa dito ha.",abisuhan ko lang yung chef na nandito na kayong dalawa nakahanda na din yung ino order mo kanina."
" Babayaran lang kita nito sa account mo bud." Thank you. Ani ni Axues.
"Sigi bud, e text ko lang sayo lahat kung ilan na utang mo. Matagal tagal na din kasi yung utang mo Axues."
"Really? Andrues sisingilin mo ako sa harap pa mismo ng ka date ko? Sagot ni Axues.
Napakagat si Maya ng kanyang ibabang labi.
"Will I have to go, see you around Ms. Villafuerte". Sabay kindat niya sa dalaga.
"Hey, bud. Singhal ni Axues. "Don't do that again."
"About what? ani naman ni Andrues.
"Don't you dare to wink my woman again! Or else. Natatagis bagang ni Axues kay Andues.
"Okay fine." Bye enjoy you too.. Sabay talikod ng binata sa kanila.
Habang si Maya ay naguguluhan sa kanila. Napa iling nalang ang dalaga.
Habang kumakain sila. Hindi nakatiis si Maya, siya na ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
Tumikhim siya muna bago mag salita.
"Boss?
"Hmmm? Ani ni Axues
"Ahmmm. Kailangan ba ganun yung sasabihin mo don sa kaibigan mo kanina? ani ng dalaga.
Tiningnan siya ni Axues na Patanong..
"I mean..Bakit sabihin mo pa sa kanya na ka date mo ako?
Tumigil muna si Axues sa pagsubo ng pagkain at uminom ng juice bago niya ito sinagot.
"Bakit Maya hindi pa ba?
Si Maya naman ay nagulat. Namumula yung kabilangang taenga niya.
At pinatuloy ni Axues sa kakasubo ng pagkain.
Si Maya naman ay nauna ng natapos sa kanya kumain dahil bosug naman talaga siya.
Habang kumakain pa si Axues, di maiwasang nakatitig siya rito.
Bumabalik sa kanya lahat na ala ala nilang dalawa noong mag syuta pa sila.
"Say Ahhh..
Ahhh. Ani ni Maya.. At sinubo ni Axues ang pagkain na nasa kutsara niya.
Di naman naiilang si Maya sa ginagawa ng binata sa kanya dahil sa hindi naman unang beses ito na nangyari na sinusubuan siya ng binata gamit ang kutsara nito..
"Masarap ba? Tanong ni Axues
"Oo ang sarap. Tugon niya rito.
"Buti naman nagustuhan mo. Maaga kasi ako gumising talaga kanina para makapagbaon at dalhan kita".
"Really Axues? Ikaw ang nag luto ng mga ito? tanong ni Maya
"Oo ako. Ayaw ko naman ipag luto kita ni Yaya. Walang effort yun.. Mas gusto ko na ako mismo mag luto para sayo."
Natutuwa naman ako at nagustuhan mo. Sabay ngiti sa kanya.
"Salamat Axues ah.. Nag abala kapa sa akin di naman kailangan na dalhan mo ako ng baon araw araw.
"Maya, gusto ko mapanatag yung kalooban ko. Yung ganito araw araw kitang kasama at nakikita.
"E palagi naman talaga tayo mag sama ah."
"Oo nga pero gusto ko rin na kasabay kang kumakain." ngiti ni Axues sa kanya. "Gusto kita Maya at Mahal kita. Sana naman napatunayan ko na yan sayo.
"Gusto naman kita e. Mahal din naman kita.. " nginitian niya ang binata.
Habang nag lalakbay ang isip ni Maya.. Napapikit nalang siya ng kanyang mga mata na,maaalala niya ang mga iyon.