Anya’s POV Napaluha ako habang nakatingin sa anak ko na mahimbing na natutulog sa aking kamay. Nanganak na ako kanina at tapos na siyang dumede sa akin at ngayoy mahimbing na natutulog. Babae ang anak namin ni Fael at ang pangalan na binigay ko ay Francesca dahil narinig ko ito sa palabas sa TV noong nandoon pa ako sa Spain. Sobra ang galit na naramdaman ni ina at ama dahil nag iisa lang ako na bumalik rito. Sinabi ko sa kanila na kinumbense ko si Fael na bumalik ako rito at hindi ko sinabi sa kanila na wala na kami ni Fael dahil ayaw ko na mas masaktan sila. Napangiti habang pinagmasdan ulit ang anak ko. Walang nakuha sa akin ang anak ko, mayroon siyang dilaw na buhok at berdeng mga mata at maputi ang kanyang kulay. Lahat ng mukha sa ama niya ay nakuha niya. Hinaplo ko ang kanyang map

