Chapter 7

3019 Words
Nang matapos kaming tatlo kumain ng hapunan, ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan. Though, ayaw naman akong pakilusin ng mga tao sa bahay. Pinilit ko pa rin sila. Kung pwede nga lang ay sa akin nalang nila i-atas ang paglilinis ng buong bahay. Besides, bukod sa hindi naman ako marunong sa gawaing pagluluto, o ano pa man na may patungkol sa gawain sa kusina, bukod lang sa paghuhugas. Wala rin akong kasanayan noon para matuto ng mga iyon. 'Buong buhay ko, inilaan ko sa pagiging isang ganap na doctor.' I haven't seen my parents since I was born. Totoo iyon. Ngunit hindi naman nawala ang tenga ko sa mga pakikinig ng balita patungkol sa kanila. Kahit naman iniwan na nila kami sa tiyahin namin, hindi ako kailanman nagalit sa kanila. Because they're still my parents. Kung magalit man ako sa kanila, lamang ang lukso ng dugo namin, na mahal ko sila. Ang sa tingin kong huli na balitang narinig ko, isa na raw international designer ang nanay ko. Napakaraming humahanga sa husay niyang magdisenyo. Maski nga raw sa mga artista ng ibang bansa ay humahanga na sa kaniya. She also meet my Idol, Jason Derulo. One time I saw my idol's i********: post. My mom is his designer. While my father is living out of the country with his second family. Marangya ang buhay nilang pamilya roon. May kasikatan kasi sa industriya ang mga kapatid ko sa ama. Halos lahat ata sila ay nag-t-theatro? Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ng malaman kong nasa karangyaan naman silang dalawa. Sa tingin ko rin ay masaya na sa kani-kanilang buhay. Ngunit ang tanging mahihiling ko lang, sana hindi sila iwan ng mga taong mahal nila, kagaya kung paano nila kami iwan matapos akong isilang. They're rich as I couldn't wish before. Lahat siguro ng luho ng pamilya nila ay naibibigay at nasusunod nila? Kaya kung kasama pa namin sila ni Kuya Yaki, baka ay hindi na kinakailangan pang manilbihan ng tiyahin ko sa pamilya Akhiyo. At baka siguro ay masiguro kong maliligtas ako ng mga doctor na gagamot sa akin. Sa huling operasiyon. 'But I always know that god has so many reasons for it. He's giving me a challenge that he'll know I could succedded with.' "After we cleaned this, go to your room, and sleep. Get it?" Mahinang sabi ng kapatid ko. Siya kasi ang naglalagay sa lagayan ng mga nahugasan kong pinggan. "Hindi ko magugustuhan kung palagi ay kulang ka sa tulog, Hershey. Masiyadong mahirap ang tinatahak nating pangarap. Dapat ay alam mo kung paano ang dapat na gagawin, sa hindi." Patuloy nito. Itinigil ko sandali ang ginagawang pagbabanlaw ng hugasan. Saka nakapamewang na hinarap ito. Pinagkakunutan ko siya ng noo. Nang taasan niya ako ng isang kilay. "I could sleep 8 hours or more, kuya. Iba ang oras ng Duty ko sa School, at sa MDH. Hindi katulad ng sa'yo." I gave him a serious look. "Ikaw nga itong nangangayayat kakapuyat eh! Huwag mobg ilipat sa akin ang dapat na pangaral mo sa sarili mo. Dahil kaya ko namang alagaan ang kalusugan ko. Dapat ay ikaw din." Nag-aalala ang tinig kong sabi. Bumuntong hininga ito,"I have so many things to finish at MDH-' "That's it!" I scolded, "You can't completing at sleep 8 hours, because when you're at home, you're always do finishing some things outside in our house is your doing. Paano ka makakapagpahinga kung palagi mong inuuwi sa bahay ang dapat na sa Eskwela At Hospital lang. " "Those are very important things, Ishi."giit niya. "And your health is more important for us too."muli ko na namang sabi, "I just have Tiya Nilda, Sammantha, and you, in my life. I couldn't awaken, if you'll leave me too..like what are parents did, just to save their lives in pain." Pahina nang pahina ang boses kong sabi. Kasi they should at least wrote us a letter na iiwan nila kaming magkapatid. Dahil kapag kahit iyon lang ay mas maiintindihan ko pa sila. Hindi katulad ng basta ka nalang iwan matapos maipanganak. Maraming tanong ang nabubuo sa isipan ko simula ng nagkaroon ako ng muwang. Batid kong nagulat ang kapatid ko sa narinig. Katulad ko, halata rin ang pangungulila sa mata niya. Pilit akong ngumiti. At iniabot ang huli at natitirang baso sa kaniya. Kinuha niya naman ito nang hindi inaalis sa akin ang paningin. Tila ay napako na sa akin. Napanguso ako at pinunasan ang aking kamay gamit ang hand towel na nakasabit sa may hawakan ng refrigerator. Bago ay muling lumingon sa aking kapatid. "Did I said something wrong?" Nagtataka kong tanong. Umiling ito at bumuntong hininga, "Simula nang maisilang ka ni Mama, inisip ko na kaagad ang maging isang responsable bilang kapatid mo. To the point that I need to go home early, as long as I can see you." Kinurot nito ang pisngi ko, na siyang ikinadaing, at ikinahaba pa lalo ng nguso ko. "I won't ever--never leave your side..you were the only girl I wanted to take care with. Before Aunthie Nilda and Sammantha come in our lives. P-Protektahan ko kayong tatlo sa mga taong sasaktan, at paiiyakin kayo. Lalong-lalo na ikaw. At mas lalong hindi ko gagawin, kung ano ang ginawa sa atin ng magulang natin..hindi kita iiwan." Bigla ay may kung anong saya ang aking naramdaman ng marinig ang napakagandang pahayag na iyon mula sa aking kapatid. Oo, marahil sila at siya ang aking pamilya na kinagisnan. At ang katotohanan na hindi ko na kailangan pang mag-asam ng higit sa ganito kasimple na pamilya. Sobrang swerte ko sa aking kapatid. Masasabi kong strikto siya sa akin 'pag dating sa mga bagay-bagay na wala namang kinalaman sa akin. Gayunpaman ay sobrang maalaga niyang tao. Higit na mas inuuna niya pa ang iba, kaysa ang sa sarili niya. Gayunpaman ay nasunod ang ninanais ng aking kapatid. Matapos kasi namin na malinis ang kusina, talagang hindi niya ako iniwan, hanggang sa marating ko ang aking silid. Bagaman hindi pa inaantok, kinakailangan ay sundin ko ang habilin sa akin ng nakatatanda kong kapatid. Kaya ay pabagsak akong nahiga sa aking kama. At hinayaan na lamunin ng kaantokan. "May partner ka na sa sabado, 'shi?" Nang sumunod na araw ay naroon lang ako sa PUP station. Inaasikaso ang mga kakailanganin sa JS prom this coming saturday. "If I were you kasi, hahanap ako ng makakadate ko sa gabing 'yon. Girl, huling semester na natin 'to bilang isang estudyante. At baka roon ay mahanap mo na nga ang lalaking makakapagpaharot sa'yo." Mahabang suhestiyon ng aking kaibigan, tila ay nangangasar. Habang tinatahak namin ang daan patungo sa Cafeteria. "Tumatanda ang mga tao, Hershey Faith. Kaygandang pangalan, ngunit wala namang alam sa mga in-love-an. Hays." "Tsk! Kung crush nga ay pahirapan pang makahanap ako, magiging nobyo pa kaya?" Umismid ako at inilingan ito. "Paminsan-minsan kasi ay gumora ka naman sa mga kaharutan. Hindi iyong inilulunod mo ang sarili diyan sa mga pangarap mo sa buhay." Pangaral niya. Nag-kibit balikat ako, "I don't think so?"natatawa kong tanong. Nang makarating kami sa Cafeteria ay deretsong tumungo kami sa may dalawang bakanteng mesa, at naupo roon. Inilapag ko sa may gilid ng mesa ang aking logbook. At itinungkod ang braso sa mesa. Habang ang kaibigan ko ay basta nalang naupo sa aking harapan. "May kwenta na naman ang buhay ko kahit hindi ako magkaroon ng nobyo. Tamang trabaho lang sa MDH. Kung minsan ay siguro mag-o-out of town? Ganu'n lang." "Hay nako! Masiyado kang bitter sa usaping ganito. Uso move on, girl." Ngumiwi ako, "It was a years ago, since I have already moved on from him, Faye. I accepted that he is inlove with someone." "Weh?" Hindi makapaniwalang pinagkatitigan ako nito. "People who is really in-love can't move on easily as they can do, 'shi. And your case, you're mentally in-love with that jerk ex of yours. Huwag mo akong niloloko." "What? Ofcourse, not!" Natatawang sagot ko. Ngunit inirapan lang ako nito, "Fool everyone who can trusted you easily, not me, your dereast friend. Dahil hindi mo ako kailanman maloloko." "Oh, nevermind." Hindi na ako nag-abala pang makipagtalo sa kaibigan kong ito. Dahil hindi naman ako mananalo sa kaniya. Kahit kailan ay hindi inisip na magpatalo. Kumain lang kami ng egg sandwich, at uminom ng tubig. Matapos niyon ay bumalik na muli kami sa aming gawain. Siya kasi ang naka-asign sa pag-aayos ng mga pangalan, at nagkakaparehang estudyate sa JS prom. Habang ako naman ay inaasikaso ang mga kakailanganin namin, at ang performance ng ilang banda, at mga dancers. "Hey, President!" Sa kalagitnaan ng paglilista ko ng mga pangalan, umalingawngaw ang tinig mula sa may labas ng Council Office, ang boses ni Lorde. Nang masulyapan ko ito ay nakadungaw sa may pinto, at itinaas pa ang hawak niyang paperbag. Nginitian ko ito, "Come inside,"pag-anyaya ko sa kaniya. "Alright," tinanguan niya ako bago tuluyang pumasok sa may loob. "What are you doing today? Busy ka ba?" Inilapag nito sa may Vanity table ang dala niya, at naupo sa may sofa. Umiling naman ako kaagad, at isinara ang logbook na hawak ko. "Para ito sa JS prom. Tinatapos ko lang ilista ang mga kakailanganin." "Is that so?"tumango ako, "I brought you this," Tumayo ako at naglakad patungo sa may pwesto niya. Habang siya naman ay tinatanggal sa may balot ang dala niya. Kaagad na nakaamoy ako ng mabango, at mukhang masarap na pag-kain. Nang maupo ako sa may katapat niyang sofa. "I cooked all of that because I want you to taste my first baked cupcakes." Aniya nang mailabas na halos lahat ng dala niya. Tumango ako at nag-baba ng tingin sa may Vanity table. Kaagad na dumagundong ang pagkamangha sa aking mukha, nang masilayan ang sobrang bango, at pinaghirapang disenyo na niluto raw nitong kaibigan kong si Lorde. "I'm not gay. Tinuruan lang ako ng kaibigan kong taga laguna na mag-bake." Kaagad na depensa nito nang mag-angat akong muli ng tingin sa kaniya. Umarko pataray ang kilay ko, "Mukha ba na aasarin kita kapag tuluyan ay natikman ko na nga 'yang mga cupcakes mo?" Pinagkrus ko ang aking braso. Lumabi ito,"My brother were laughing at me while I am baking that cupcakes." Malungkot, nahihiyang aniya. Napabuntong hininga ako saka ay pinagkrus din ang aking hita. 'Saka ay kumuha ako ng dala niyang deserts. Noong una ay nagtataka pa ako kung talaga ba ay siya nga ang nag-bake niyon. Pero sa tuwing mapapalingon naman ako sa kaniya, parang feeling ko ay kailangan kong ipagpasalamat na dinalhan niya pa ako ng mga iyon. Lorde is a shy type of person here in PUP. I've now already know that he is an Akhiyo. Nag-research pa ako noong mga nakaraan lang. He's the second born. While Tayshaun is in last. Ang ate nila ay bibihirang manalagi rito sa Mariveles. Dahil ay sa Mamahaling paaralan ito nag-aaral. "It taste delicious, huh? Hindi halatang ikaw nga ang nag-bake." Natatawang komento ko nang matapos ay makakain ng kalahati sa cupcakes. "Minsan nga ay turuan mo rin ako?" Kaagad na nag-liwanag kaniyang mata at nabaling sa akin. "Oo naman!" Magiliw niyang sabi. Ngumiwi ako saka nilunok ang kanina ko pa nginunguya. "Charot lang." I said. "Tsk." Hindi na ako umimik pa nang tikman ko na ang dala niyang mga cupcakes. Habang siya naman ay prente lang na nakaupo sa may sofa. At tila ay kampante na sa lasa niyon. "Masarap." Magiliw kong saad nang makaubos ng isa. "Hindi halatang lalaki ang nag-bake." "Just finish eating all of those." Mabilis na nawala sa mood niyang tugon. Nginiwian ko ito at ipinagpatuloy nalang sa pag-ubos ng dala niya ang ginawa ko. Paminsan-minsan ay nililingon ko ito. Nahuhuli ko pa ngang sa akin nakatingin. Ngunit iiwas din. Mas lalo tuloy akong natatawa sa inaasta niya. May iba't-ibang klase ng cupcakes siyang ipinakain sa akin. I likes Mocha Flavor. At mabuti na nga lang ay mayroon siyang bi-nake na gano'ng klaseng flavor. Halos lahat ay masasarap. Sakto lang sa timpla ng mga batid kong sangkap kung tawagin sa pagluluto. Hindi nagkulang sa ilang ingredients. Talagang sakto lang. "Grabe! Nabusog ako sa mga dala mo!" Napadighay kong sabi. Trenta minutos nang matapos niya akong samahang kumain sa Office. Ngumiwi siya at ipinasok sa bulsa Ng slack pants ang kamay. "Masarap ba talaga?" "Lah? Sinabi ko na kanina, ah?" Nagtataka kong tanong nang sabayan ko itong maglakad patungo sa labas ng PUP. Tumango ito. "Yeah, But I still confused why my brother hates eating food that I cooked." May lungkot sa boses nitong iniwas ang paningin niya. "Brother? It means, may kapatid ka nga talaga?" "Yup! I also have Oldest sister too. And my brother is the youngest." "Wow! So, pangalawa ka? Pero bakit parang hindi ko naman ata nakikita ang mga kapatid mo rito sa college campus? Oh, 'yong bunso ba ay highschool pa lang?" Sunod-sunod kong tanong na minsan ay nililingon Ito. "Kaagad siyang umiling. Natatawa."Nah. We're both in college. Parehong medicine ang kinuhang kurso." Nanlaki ang aking mata sa sobrang pagkamangha. "Wow! As in..Wow!" Naiusal ko nalang. "Bakit?" Napailing ako at hindi na nagsalita nang makalabas na kami ng tuluyan sa PUP. Sinabi niya na rin kanina na wala siyang dala na kotse. Hiniram daw ng kapatid. Kaya ay magkasama nalang muna kaming mag-aabang ng masasakyang trycicle. O maski dyip. Naupo ako sa may waiting shed area habang si Lorde naman ay nakapamulsang nakatayo. Naghihintay ng hihintong sasakyan sa aming harapan. Nag-angat ako Ng tingin dito. At pinaningkit ang aking mga mata. "Makikilala ko ba 'yang kapatid mong maarte sa mga luto mo?" Pagbibiro kong tanong sa kaniya. "Baka naman kasi ay spoiled sa parents niyo?" Natigil ito sa paglinga-linga at bumaling sa akin. "Naroon na siguro 'yon sa MDH. Ipakilala ba kita?" Aniya. Agad na napatango ako. "Oo, but, it's up to you. Baka mamaya ay magalit pa 'yon." "Hindi. Friendly naman 'yun si Shaun. Palagi niya ngang kinukwento ang girlfriend niya raw sa PUP." "Ay, weh? Himala at nagkaroon pa Ng girlfriend 'yon?" Nagkibit-balikat siya. "Malakas ang kamandag." Proud nitong sabi. Ilang sandali lang din ay may huminto ng trycicle sa may bungad ng waiting shed. Inalalayan muna ako papasok sa loob nitong kasama ko, bago siya pumasok, at tumabi ng upo saakin. Nang magtanong ang driver kung saan kami tutungo. Sinabi kong sa Mariveles District Hospital. Wala na akong gagawin ngayong buong tanghali. Sa PUP kasi talaga Ang shift ko. Pero dahil nga nag-text sa akin ang pinsan kong naroon na naka-room sa MDH. Nagpasiya na akong pumunta roon. Tahimik lang itong katabi ko habang ako naman ay parang nakakaramdam ng kakaiba, na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay bumibilis ang t***k ng puso ko nang bumaling ako sa kaniya. He looks so cute. Napakabait niya sa akin noon pa man na tumungtong ako sa PUP upang mag-aral. Siya halos ang kauna-unahang lalaki na umamin nanatitipuhan nga ako. Hindi naman masama kung mag-kagusto ako sa kaniya. Hindi ko naman balak na maging kasintahan siya. Dahil wala iyon sa plano ko sa buhay. Ngunit parang paunti-unti Kasi ay nagiging kampante na akong nakakasama ko siya. Idagdag pang mahusay siyang mag-bake. Hindi nakakapagtakang walang mag-kagusto sa kaniya. Napangiti nalang ako sa sariling naisip. At nakagat ang pang-ibabang labi na bumaling ako sa may harapan. Tama ang bestfriend ko. Dapat ay pantay kong nagagawa ang tungkulin ko. At pansariling pangangailangan. At iyon na nga ang matutong buksan ang aking puso sa katulad ni Lorde. 'Sana kung totong nahuhulog na Ang damdamin ko sa kaniya, sana ako pa rin ang gusto niya. Hehe!' Nang makarating kami sa MDH ay nauna itong lumabas upang muli ay maalalayan akong makalabas. Patago naman akong nangiti at pinanood siyang makipag-ngitian sa driver. Bago kami iwan nito. Nawala lang ang ngiti ko ng balingan niya ako. "Sabay na tayong pumasok sa loob?" Pagtutuloy niya sa Entrance ng MDH. Malawak ang ngiti na tumango ako sa kaniya. "Tara na!" Sabay hawak ko sa kaniyang kamay. At hilain ito patungo sa Entrance. Kagat ang pang-ibabang labi na nangiti ako habang patuloy na binibilisan ang mga hakbang patungo sa entrance. Sobrang lambot ng palad niya. Tila hindi pinagtatrabaho sa bahay nila. Gayunpaman ay masarap sa pakiramdam na muling nakahawak ako ng kamay ng aking natitipuhan. "Good afternoon, Doctors!" Pagbati sa amin ng guard nang makapasok na kami sa loob. Tumunghay naman ako rito at nangiti. "Same to you, Manong Guard!" Hindi ko na hinintay pang magsalita itong muli. Dahil basta nalang hinila ko si Lorde paalis doon. Dumiretso kami sa elevator at pumasok sa loob. Doon ay saka ko pa lang binitawan ang kamay niya. At pinindot ang close button. Mag-krus ang mga brasong bumaling ako rito. "So, saan floor natin makikita ang kapatid mo?" Kunwaring interesado akong makita ang kapatid nito. " Malawak ang MDH." "He's in the E.R. Tinatapos lang ang last patient niya." Aniya. "Ah..Nice." tumango nalang ako natahimik na. Ewan ko ba. Kinakabahan talaga ako na hindi ko maintindihan. Kung kanina ay dahil baka nagkakagusto na nga ako kay Lorde. Ngayon naman ay mas matinding kaba na ang bumalot sa buo kong katawan. Hindi naman ako sigurado sa aking naiisip. Dahil kung ipagkukumpara naman sila ay sobrang layo ng ugali. At kailanman ay hindi ko matatanggap kung makapatid nga sila. Isang demonyo at isang Angel? Impossible! Kaya ay napabuntong hiningang nag-kibit ako ng aking balikat. Nang tumunog at bumukas ang elevator. Nakasunod lang ako kay Lorde habang siya ay naglalakad na sa pasilyo patungo sa Station ng mga doctors. Ngingiti-ngiti pa nga ako kapag may dumadaan na mga tao. Tapos sasabihin nilang bagay kaming maging mag-kasintahan na dalawa. Siyempre naman ay sobrang nakakasaya iyon ng damdamin. Hanggang sa makarating kami sa Labas ng Doctors Station. Napakunot ang noo ko nang bumali upang matignan kung kaninong mga pwesto iyon. Ang sa akin, kaibigan ko, at kay Bubwit. Napaawang ang labi kong pinanliit pa ang aking mga mata. "Oh, Kuya?" Kaagad na napigil ko ang aking paghinga. Napako sa aking kinatatayuan na nanlaki ang mga mata ko. That..that voice is familiar.. Mariin akong napapikit. At dahan-dahan na bumaling paharap.. "Anong ginagawa mo rito--Hershey?" "Ikaw?" Halos sabay pa ang boses naming gulat na naiusal nang tuluyan ay mapaharap ako sa kaniya. Panay Ang pagkurap at paglunok ang ginawa ko nag matalim niya akong tinignan. Bago ang kapatid. 'oh my gosh! Paanong..nangyare Ito? Bakit naman sinalubong ako kaagad ng karma?' "Bakit kasama mo papunta rito ang girlfriend ko, kuya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD