Alessia Nang matapos naming magpalit ng aming damit ay nagpahatid kami kay Sir Manuel sa bahay namin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakararamdam ng kaba at takot habang papalapit na kami sa aming bahay. Saktong pagdating namin doon ay mabilis akong lumapit sa aming gate at agad kong nakita si Papa roon na nagdidilig ng mga halaman. Nang makita niya ako ay mabilis niyang binuksan ang gate at sinalubong ako ng yakap. “Iha, buti na lang at nakarating ka. Nasa loob ang Mama mo at abala siyang nagluluto ng almusal nang malaman niya na pupunta ka rito.” Napangiti naman ako kaya mabilis akong pumanhik sa loob at agad ko ngang naabutan ang aking ina na abalang nagluluto. Agad ko siyang linapitan at agad na binigyan siya ng halik sa kanyang mga pisngi. Napalingon naman siya at gano’n na

