Alessia Pagpasok naming dalawa ay agad na dumiretso si Vincent sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig doon. Nanatili naman akong nakatayo sa may kusina habang nakatingin sa kanya. “Vincent? Can we please talk?” tanong ko at napatingin siya sa akin. “About what? About your relationship with Vaughn? Why? Are you going to break up with me?” galit niyang tugon at agad na kumunot ang aking noo sa kanyang sinasabi. “What? No! Hindi ako makikipag-break sa iyo! Vincent hindi mo ba narinig kung ano iyong sinabi ni Vaughn sa iyo? We are just friends! Walang namamagitan sa amin.” Umiling siya. “Hindi iyon ang nakita ko kanina.” Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya dahil nabubulag siya ng galit niya kay Vaughn na hindi na niya kayang makinig sa amin. “I saw you hugging each other, Aless

