Chapter 1

1839 Words
CHAZZY Alas syete ng gabi, araw ng Biyernes ay patungo ako ngayon sa opisina ni Kier, ang fiancé ko. Bukas pa dapat kami magkikita pero sabik na akong makita siya. Excited na kasi akong sabihin na malakas ang kita ng boutique ngayong araw. Dahil gabi na at pauwi na rin si Kier ay mabilis kong tinungo ang elevator. I pressed the button on the twenty-fourth floor, where his office is located. Nang marating ang floor ay malalaki ang naging hakbang ko patungo sa opisina niya. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay akma sana akong kakatok ng may naulinigan akong tila halinghing galing sa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang malinaw kong narinig ang boses sa loob ng opisina niya. "Oh, yes. You're so incredibly good at this," narinig kong wika ni Kier. "Paliligayahin kita araw-araw, Kier." Namilog ang mata ko at natutop ang bibig ko nang marinig ang malanding boses ng babae. Isa lang ang pumasok sa isip ko: may ginagawa ang fiancé ko at kung sino mang babae na kasama niya sa loob. "Oh, yes. Faster, baby!" Hindi na ako makatiis lalo na nang marinig ko ang sinabi ni Kier na tila nasisiyahan pa sa ginagawa ng babae sa kanya. Pabalya kong binuksan ang pintuan dahilan para gumawa ito ng ingay. Gulat na gulat ang dalawa lalo na si Kier nang makita ako. Ang babae naman na wala ng saplot sa katawan at hawak ang nasa pagitan ng hita ng fiancé ko ay patay-malisyang tumayo at humarap sa akin na tila proud pa na ipakita ang sarili sa akin. Binaling ko ang tingin sa walanghiya kong boyfriend na abala na sa pagsuot ng pants nito. Mayamaya lang ay naglakad ito palapit sa akin habang binubutones na ang long-sleeved. Mabilis kong kinuha ang phone sa bag ko at kaagad na kinuhanan ng ilang larawan ang dalawa. "What are you doing?" Akma nitong kukunin ang phone ko pero mabilis ko itong iniwas at kaagad na nilagay sa bag ko. "I just want proof to show my parents that our wedding should no longer go through!" gigil na sabi ko, sabay igkas ng kamay ko sa pisngi niya. "Let me explain, babe—" Muli kong pinadapo ang palad ko sa pisngi niya. Ngunit sa pagkakataong ito, malakas na ang sampal ko, dahilan ng pag-atras niya. “Don't call me "babe" because, from now on, I am no longer your fiancée. Sapat na sa akin ang nakita ko. Dalawang buwan na lang, hindi ka pa nakatiis, gago ka!" Tinanggal ko ang engagement ring sa daliri ko, sabay bato sa mukha niya. "We're done, Kier!" Napangiwi siya nang tumama ang singsing sa mukha niya. Wala na akong pakialam kung nasaktan siya; mas masakit na makita ko na nagpapasarap siya sa piling ng ibang babae kahit malapit na siyang ikasal. Hindi na ako magtataka kung matagal na niya itong ginagawa. Oh, well, alam ko na rin ang idadahilan niya: na lalaki lang siya. The hell I care; walang kwenta ang rason niya! Tinulak ko siya ng malakas bago mabilis na lumabas ng opisina niya. Tinawag niya ako, pero hindi ko siya pinansin. Nasa elevator na ako nang maabutan niya. Hinaklit niya ang braso ko, ngunit kaagad ko itong piniksi at sunod-sunod na hinampas ang dibdib niya. Muli ko siyang pinatikim ng mag-asawang sampal. Kulang pa nga ang ginawa ko sa panloloko niya sa 'kin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, na ikinangiwi ko. Hindi na ako nakapagtimpi; mabilis na gumalaw ang tuhod ko sa pagitan ng hita niya. "f**k!" bulalas niya habang sapo ang nasa pagitan ng kanyang hita. "You deserved it, asshole. Go back to her and continue what you were doing, you dickhead maniac!" I shouted angrily as I hurriedly entered the elevator. Nang magtagpo ang mata naming dalawa, ipinakita ko ang middle finger ko, sakto naman ang pagsara ng lift. Nang pababa na ang elevator, sinulyapan ko ang daliri ko na nanatili sa posisyon nito. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang ito ginawa. Saka ko lang napansin ang panginginig ng tuhod at buong katawan ko. I took a deep breath and calmed myself. Pagdating sa parking area, mabilis kong tinungo ang kotse ko at kaagad na pumasok sa loob. Pag-upo ko, nanghihina na, sinubsob ko ang mukha ko sa manibela. Mayamaya lang ay napaigtad ako nang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. "Ang kapal ng mukha mo, lalaki ka. Ang lakas ng loob mong habulin pa akong hayop ka." Nanlilisik ang mata ko habang nakatingin sa kanya na walang tigil sa pagkatok sa bintana. Pinapalabas niya ako at mag-uusap daw kami, pero hindi na niya mabibilog ang ulo ko. Tama na ang isang beses na nakita ko siya na may ginagawa kasama ang babae niya. Niloko niya ako. Ayoko nang maulit ang panloloko niya sa akin. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at mabilis na umalis sa gusali. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang lumayo sa maraming tao. Pupunta ako sa lugar na tahimik at wala akong ibang maririnig kundi ang paghinga ko lang. Ilang minuto ko nang binabaybay ang madilim na daan at hindi ko alam kung saang lugar na ako naroon. Huminto lang ako nang tila sumabog yata ang gulong ng kotse ko. Frustrated na sinubsob ko ang mukha sa manibela. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili na humahagulgol na ng iyak. "G-gago ka, Kier. I trusted you, but you made me look stupid. You know you were the first man I loved. Ang sabi mo ay ako lang ang nagpapasaya sa 'yo, pero bakit mo ako niloko?" humahagulgol na sabi ko. Pilit kong kinalkal sa utak ko kung saan ako nagkulang. Despite my busy schedule because of my business, I always made time for our relationship, especially with him. Dahil ba hindi ko kayang ibigay ang p********e ko? Dahil ba hindi ko kayang gawin ang ginagawa ng babaeng iyon sa kanya? "Mga bwisit kayo!" Sa sobrang sama ng loob ko ay ilang beses kong pinindot ang busina ng kotse ko. Madilim ang lugar na kinaroroonan ko at wala akong makitang kahit isang bahay, kaya walang problema kahit mag-ingay ako. Ilang minuto rin akong umiyak. Namumugto na nga yata ang mata ko. Mayamaya lang ay napaigtad na naman ako ng kumulog ng malakas. Nag-angat ako ng mukha. Natulala ako ng ilang segundo bago tinanggal ang seatbelt ko sa katawan. Lumabas ako ng sasakyan at tiningnan ang gulong. Napapalatak na lang ako sa nakita ko. Hindi ako marunong magpalit ng gulong! Tatawagan ko sana si Mang Mario, ang family driver namin para sana magpasundo, pero dead battery naman ang phone ko. Sa inis ko ay nasipa ko na lang ang gulong ng sasakyan ko. Wala akong magagawa kundi maghintay ng pwedeng tumulong sa akin dito, kahit imposibleng may dumaan dahil parang liblib na ang lugar na hinintuan ko. Papasok na sana ako sa sasakyan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pagak na lang akong tumawa dahil sa sunod-sunod na kamalasan na nangyayari sa akin ngayong gabi. Pakiramdam ko ay nakiki-dalamhati ang kalangitan sa kabiguang nararanasan ko sa mga oras na ito. Nagluluksa ang puso ko dahil sa panloloko sa 'kin ng fiancé ko. Muli akong napaigtad ng muling kumulog. Tumingala ako at hinayaang saluhin ng mukha ko ang bawat patak ng ulan. Basang-basa na ako at nararamdaman ko na ang panunuot ng lamig sa kalamnan ko. May naaninag akong liwanag. May paparating na mga sasakyan. Baka pwede nila akong matulungan. Tumayo ako sa gitna ng kalsada. Ngunit namilog ang mata ko at walang nagawa kundi mariing pumikit ng tila hindi ako napansin ng nagmamaneho ng sasakyan dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Ilang segundo akong naghintay na tumilapon ang katawan ko, ngunit nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Hanggang sa narinig ko ang sunod-sunod na busina ng sasakyan. Nagmulat ako ng mata ngunit nasilaw ako sa liwanag. Sa inis ko ay naglakad ako palapit sa sasakyan at sinipa ang hood nito. "Ano ba? Papatayin mo ba ako?" angil ko sa nagmamaneho ng sasakyan. Bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na suit. Lumapit ito sa akin. "Kung gusto mo magpakamatay, huwag sa harap ng boss ko." Hinawakan ako nito sa braso at hinatak paalis sa gitna ng daan bago ako tinalikuran. Nainis ako sa ginawa nito kaya sinipa ko ang pang-upo ng lalaki, dahilan para muntik na itong sumobsob sa daan. Pagkatapos ko iyon gawin ay sabay-sabay na bumukas ang pintuan ng mga nakahintong sasakyan sa likuran at sabay-sabay na lumabas ang mga lalaking nakasuot din ng itim na suit. Hindi alintana ng mga lalaki na nababasa na rin sila, sa halip ay pinalibutan nila ang sasakyan na hinarang ko, na parang isang mahalagang tao ang sakay nito. "Miss, nakakaabala ka sa boss namin," sabi ng isang lalaki na lumapit sa akin. "Bitiwan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa lalaki. “Hindi pa ako nahihibang para magpakamatay!” Pagtatama ko rito. "Ano bang problema mo?" Halata na ang iritable sa boses nito. "Kayong mga lalaki ang problema ko. Mga manloloko kayo!" asik ko rito na parang ito ang gumawa ng kasalanan sa akin. Nagsalubong ang kilay nito. Nagtataka siguro ito kung bakit ko iyon sinabi. Mayamaya lang ay biglang may pumasok na ideya sa isip ko. "Binata ka ba?" "What?" "Malakas lang ang ulan pero sa tingin ko ay narinig mo kung ano ang sinabi ko," sarkastikong saad ko. Tumango ito bilang tugon. "Great. Have s*x with me.” Panghahamon ko sa lalaki. His lips parted. Narinig din ng mga kasama nito ang sinabi ko kaya nagkatinginan ang mga ito. He was about to speak when his phone rang. Kahit basang-basa ay sinagot nito ang tumatawag. Pero bago pa man ito magsalita ay mabilis kong hinablot ang hawak nitong phone. "You're wasting—" "Have s*x with me," pikit-matang sabi ko. Patawarin nawa ako. Kung sino-sino na lang ang niyaya ko. Mabuti na lang ay lalaki ang boss na tinutukoy ng mga ito kaya hindi ako napahiya. Pero mapapahiya ako kapag tinanggihan ako ng kausap ko. "How can I be sure that it's safe to have s*x with you?" Sumimangot ako. Sigurista rin ang loko. "I haven't tried to have s*x with someone. You probably know what I'm talking about," I said proudly. "Good. If I find out you're lying, I won't hesitate to slit your throat," his voice filled with threats. Napalunok ako sa sinabi nito. Mukhang ang tipo niya ang hindi marunong magbiro. "Give him the phone," he said authoritatively. Binigay ko ang phone sa lalaki. Ilang segundo lang sila nag-usap bago ako nito binalingan. "Sumama ka sa amin." Naglakad ito patungo sa likod ng unang sasakyan Sumunod ako sa lalaki. "Saan tayo pupunta?" tanong ko ng pagbuksan ako nito ng pintuan. "Sa tingin mo, papayag si boss na makipag-s*x sa 'yo sa daan at sa gitna pa ng malakas na buhos ng ulan?" Hindi ako nakahuma, hindi dahil sa sagot nito, kundi dahil sineryoso ng nakausap ko ang hamon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD