Chapter 1

2069 Words
Alexis stared at the runway as she embarked on a Combat Aircraft as part of her morning routine. She's an Air Force Pilot and wields it alone. As an aircraft soldier, she also follows protocols to prevent accidents and wearing her full combat suit, including her body safety gear. Alexis is not that ordinary sort of woman most people see. She has short hair, no make-up, has a man's gesture, and holding a forty-five-caliber handgun. She's an outstanding military officer that serves her country. Hindi man normal ang ginagalawan niya sa bansa, niyakap na niya ito mula nang pilit siyang ipasok ng ama niya sa PMA o Philippine Military Academy. Labag man ito sa kagustuhan ng dalaga ngunit para sa ama ay sinunod pa rin niya ito. Isinantabi niya ang pangarap niyang maging Pastry Chef noon. Wala na rin siyang kinagisnang ina at ayon sa ama niya ay namatay na ito sa panganganak sa kaniya. Ngayon, isa na siya sa mga tinitingala ng ibang mga kakabaihang sundalo dahil sa husay niya pagdating sa pagpapalipad ng isang Aircraft Fighting Jet Plane. Nagsimula na siyang umarangkada sa runway hanggang sa nakaangat na ang aircraft na lulan siya. Sa anim na taon niya sa serbisyong iyon ay kabisado na niya ang pasikot-sikot nito mula sa himpapawid at hanggang sa pagbaba niya sa runway. Kasama niya ang iba pang mga co-pilot na nag-eensayo sa araw na iyon. After a few minutes in the atmosphere, her aircraft docked to its respective place. She unhurriedly checks the engine's switch off and descends from the plane. Sumalubong ang kapitan pagbaba niya. “Good job, Lieutenant!” Sumaludo siya. "Sir!" "Carry on," tugon nito. Ibinaba niya agad ang kaniyang kanang kamay matapos ang tugon ng kaniyang kapitan. Taas-noo rin niyang tiningnan ito bilang respeto niya sa rango ng lalaki kahit na limang taon lang ang tanda nito sa kaniya. He's Capt. Louis Mondejar, a son of General Lucio Mondejar of First Brigade. Ito rin ang kapitan sa kanilang hanay at matagal na itong may gusto sa kaniya. Hindi naman nalalayo sa ibang mga kalalakihan ang binata. Matangkad ito, gwapo, matikas ang tindig at maayos ang estado sa buhay. Kaya lang ay hindi asintado si Kupido sa pagpana ng puso niya kaya hindi niya nagustuhan ito at alam iyon ng binata. “By the way, ipinatawag ka ni General Aritana sa office niya,” muli nitong wika. "Ngayon na po ba?" “Yes, Lieutenant. At pagkatapos niyong mag-usap ay pumunta ka agad sa hanay. Kailangan ko kayong makausap.” Muli niyang iniangat ang kanang kamay upang sumaludo.  “Yes, Sir!” Sumaludo rin ito sa kaniya at bahagyang ngumiti. Matapos niyang makipag-usap dito ay naglakad na siya upang makapagpalit ng kaniyang uniform. Nasa loob siya ng Villamor Air Base sa Pasay City at isa sa pinakamalaking Air Force Base sa Pilipinas. Ang sumunod ay parte na lamang ng isang kasaysayan sa loob ng kampong iyon. Ilang oras ang lumipas ay muli siyang naglakad patungong opisina ng heneral, ang opisina ng kaniyang ama. Wala siyang ideya kung bakit na naman siya nito ipinatawag. Halos walang araw na hindi ako ipatawag sa opisina niya kahit araw-araw naman kaming nagkikita rito. Hay, ano na naman kaya ang kailangan niya? Napapailing na lamang siya sa isiping iyon. Nakarating siya sa malaking opisina nito. May isang pinto pa bago ang pinaka-opisina ng ama niya. Nang mga sandaling iyon ay wala ang sekretarya nito at naulinigan na lamang niya ang mga lalaking nag-uusap sa opisina ng kaniyang ama habang siya ay papalapit. Wala naman siyang rason na makinig sa mga usapan ng mga ito ngunit narinig niya ang pagbanggit ng isang lalaking pamilyar ang boses sa kaniya tungkol sa isang tila mahalagang bagay. Dali-daling lumapit agad siya sa may pinto na may kunting awang. Pasimple siyang sumilip doon upang makita niya ang mga ito. “We have to pursue their wedding, General.” Sabay nag-abot ito ng inumin sa kaharap. Nagtaka siya. Huh? Si General Lucio? Anong wedding ang pinag-uusapan nila? Muli niyang hinintay ang muling pag-uusap ng mga ito upang maliwanagan siya. “Kailangan na natin silang ipakasal sa lalong madaling panahon. Aba'y hindi na mga bata ang ating mga anak. Matagal na natin itong plano,” pagpapatuloy nito.  Nanlaki ang mga mata niyang matukoy kung sino ang pinag-uusapan ng dalawa. Kasal? Kami ba ni Louis ang tinutukoy ng dalawang ito? No way!   “Iniisip ko rin iyan, General Lucio. Matagal na tayong magkasama sa serbisyo at subok ko na ang loyalty ng pamilya mo sa ating hanay at sa pamilya ko. I know that Louis is a good man, and he will take care of my daughter. Pumapayag ako sa gusto mo alam mo iyan. They will be getting married as soon as possible. And, of course, our real estate and transportation merging business.” Inihayag ng ama niya ang huling desisyon nito. “That's the best idea. Matutuwa ang anak kong si Louis dahil matagal na siyang may gusto sa anak mo. Matatawag na rin kitang kumpadre at hindi na General Alex.” Nagpakawala ng isang ngiti si Lucio saka ito uminom ng alak sa baso. “I will invite you and your son to a special dinner. Darating tayo riyan.” Gumanti ng pagkakangiti ang ama niya. “Kausapin mo ang anak mo at baka mabigla siya.” “Huwag kang mag-alala. Hawak ko sa leeg ang anak ko. Ako pa rin ang masusunod para sa ikabubuti niya.” “Mabuti naman at wala tayong problema.” Iyon ang mga nakakagimbal na sekretong usapang napakinggan niya habang kuyom ang kaniyang kamao. Hindi lubos akalain ni Alexis na aabot sa hangganan ang pagiging diktador ng ama niya. Napasandal siya sa pintuan at mariing napapikit. Hanggang sa personal kong buhay ay gusto niyo pa rin akong diktahan. Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Ipapakasal niyo ako sa lalaking hindi ko naman gusto? Sobra na ito. Hindi na ito makatarungan. Naturingan pa kayong nagsasaayos ng batas ngunit para sa kayamanan, dangal at kapangyarihan ay nasilaw kayong dalawa? Paano niyo nagawa sa akin ito? Gusto niyang sumabog sa sobrang inis sa ama niya. But, she was alarmed when she heard footsteps coming in from outside. Hindi maaaring madatnan siya roon at baka kung anong isipin. Kailangan niyang maghanap ng idadahilan. Bago pa man ito tuluyang makapasok, bigla siyang dumapa at sumilip sa ilalim ng table. “Lieutenant? A-Anong ginagawa mo riyan?” Nag-angat siya ng tingin sa babaeng kakapasok lang. “I-Ikaw lang pala. Uhm, may sinilip lang ako.” Nakahinga siya nang maluwag nang makilala niya ito. Ang kaibigan at kasamahan niyang si 2nd Lieutenant Grace Aurora Pagente na may dala-dalang mga folder. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa niya sa sahig. “May nahulog ka ba?” tanong nito. Bumangon siya at nagpagpag ng damit. “Oo at hindi ko na makita.” “Tumawag tayo ng maintenance at ipaurong natin ang mesa,” suhestiyon nito. “Ayos lang.” Naglakad siya at nilagpasan ang kaibigan. “Alexis! S-Saan ka pupunta? Nag-usap na ba kayo ng papa mo?” Hindi na niya tinugon ang kaibigan at malalaki ang hakbang niyang lumabas ng opisina. Wala akong balak kausapin siya! Nagngingitngit na naman ang kalooban niya at muling naalala ang pinag-usapan ng mga ito. Imbes na harapin ang ama niya, hindi na siya tumuloy at baka kung ano pa ang magawa niya. Sobra na!   Pasado alas-diyes ng gabi nang makauwi siya sa bahay nila sa San Lorenzo Village sa Makati. Marami siyang naging activities sa base at itinuon niya ang sarili roon habang iniisip kung paano solusyunan ang kinakaharap na problema. Dahil sa pag-iisip niya, kamuntik pa niyang maiwan ang cell phone niya sa loob ng coffee shop kanina. She remembered the guy who gave it to her. Kahit medyo dim light ang paligid, nabanaag niya nang kaunti ang imahe nitong isa itong dayuhan. Sayang! Tinanong ko sana siya kung single pa siya at magpanggap na asawa ko. Hay, ano ba itong naiisip ko.   Sinalubong naman agad siya ng kaniyang Nana Caring na may edad na at halos ito na rin ang nagpalaki sa kaniya mula nang mamatay ang kaniyang ina. Nais sana niyang sabihin dito ang natuklasan ngunit sinarili na lang niya muna. “Alexis, bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?” Hindi niya ito tiningnan at dire-diretsong umakyat sa hagdanan sabay nagsabi nang, “Opo.” “Ha? May niluto pa naman akong paborito mo. Nag-text ako sa'yo.” “Late ko na nabasa at pasensiya na,” tugon niya.  “Kapag nagutom ka ay magsabi ka lang.” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa ikinikilos niya. Hindi na siya muling sumagot pa. Habang nasa Air Base siya kanina ay nag-iisip na siya na pwede maging solusyon sa problema niya. Hindi maaaring matuloy ang kasal niya kay Louis at masunod ang gusto ng dalawa. Pagkabihis niya ay nagtungo agad siya sa kaniyang laptop table at binuksan iyon. May isa siyang malapit na kaibigan na nasa States na nakausap niya kanina. Humingi na rin siya ng tulong dito tungkol sa kinakaharap na problema at saktong nagbigay ito ng numero na makakatulong sa kaniya. Isang Dating Agency. Kakilala ng kaibigan niya ang isa sa mga agent nito kaya hindi na rin siya nagdalawang-isip na tanggapin ang offer. Tinawagan agad ni Alexis ang numerong nakuha niya mula sa kaibigan. Sakto naman na nag-ring agad ito at ilang sandali pa ay may sumagot ng kaniyang tawag sa kabilang linya. “Hello! Good evening!” anang babaeng nasa kabilang linya. "Hi! I'm Alexis Aritana, Karla's friend. She's at US right now and ini-recommend ka niya sa akin. You're working at Strings of Faith Dating Agency as an agent, right?" dire-diretso niyang wika.  "Who's Karla? Roselyn Karla Lloren Dee?" "Yes, that's her." "Okay. Nice to meet you. Uhm, how can I help you? And yeah, I'm one of the agents in Strings of Faith Dating Agency." “Ano ba ang ino-offer niyo? Ano ba ang proseso?” “Well, since Dating Agency kami, may mga for escort's kami na pwedeng e-hire. When do you need an escort or—" “I need a fake husband! Iyong pwedeng pumayag sa isang kasunduan sa loob ng lima o anim na buwan. May mai-rekomenda ka ba?” “Uhm, Dating Agency lang ang⸻” “I can double your price!” Putol niya sa sinasabi ng babae sa kabilang linya. “Kahit malaking halaga ang kailangan, I'll pay for it. Kailangan kong makahanap ng lalaking magpapanggap bilang asawa ko. Can you help me? Kaibigan naman ako ni Karla, baka naman matulungan mo ako,” desperada niyang sabi rito. Gagawin niya ang lahat alang-alang sa nakataya niyang kalayaan.  "I'm sorry, Alexis. I can't help you this time. For escorts lang ang ino-offer namin. And you're a military official, right?" "Y-Yes." "And you are the daughter of General Aritana; that's why we don't want to involve your case. I'm sorry, Alexis." "How much do you need? Five million? Ten million? Please…" She's begging and desperate. Napabuntong-hininga ito. "Alright. I think you're desperate and want to pursue your needs. You may ask for a recommendation from Chief of Staff Lt. General Frederick Dela Vega. I guess you know him. Please ask him in a confidential matter." “Wait. Why is it that I need to ask recommendation to AFP Chief of Staff?” tanong niya saka siya nagtaka. Bakit nadawit ang pangalan ng ninong ko sa ahensiyang ito? “Just let me know if you are done on getting his recommendation, Miss Aritana. Ito lang ang tanging paraan mo para ma-address ko ang request mo,” seryoso nitong wika. Matagal bago siya nakasagot. Iniisip muna niya kung ano ang kinalaman ng ninong niya rito at kailangan pa niyang humingi ng rekomendasyon. Mas lalong nadagdagan ang kaniyang iisipin. "Still there, Miss Aritana?" "Y-Yeah. Okay. I'll call you back. Thank you so much. By the way, what's your name? Nakalimutan kong tanungin ka."  "I'm Veronica or Agent V for short." "Okay. Thank you very much. Bye." "Bye." Ilang segundong na-ibaba na ang tawag niya rito at napaisip pa rin siya. Kung kinakailangan niyang gamitan ng impluwensiya at pera ay gagawin niya alang-alang sa kaniyang reputasyon at kapakanan. Kailangan kong makipagkita kay ninong sa lalong madaling panahon. I need his help again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD