CHAPTER 0NE
Masayang naglalakad ang dalaga sa kahabaan ng field sa bago nitong unibersidad sa Maynila. Nakakuha ito ng scholarship kaya madali itong makakapag aral sa isang sikat na paaralan dito sa manila. At kinuha nito ang kursong sobrang naa-ayon sa kanyang kakayahan. Architecture ang kanyang kurso na agad din namang sinang ayunan ng ina nito. Dala ang may kalakihang kulay pulang maleta na bigay ni Arich ang pinsan nitong balik bayan. Matawa tawa pa nga ang dalagang si Hariette dahil sa ito ang pasalubong sa kaniya ng pinsan kasama ang mga bagong damit niya. Nalaman din kasi nitong nakapasa siya sa MIC, kaya naisip siguro ng pinsan nito na iyon na lamang ang ibigay rito.
Nang makarating si Hariette sa dormitoryo ng para sa babae ay agad itong nagtungo sa information desk. Nadatnan nito ang nasa mid- 30's na babae. Sa tingin pa lamang ni Harriette ay mukha itong masungit at istrikta, mayroon itong salamin sa mata at talaga naman kung iisipin ay masungit talaga ito. Pormal na pormal kasi itong nakaupo sa high chair ng information desk. At pusturang postura din ito sa suot nito. Napailing na lamang ang dalaga sa isip at lihim na napalunok dahil seryoso siyang tinitigan ng babae. Tumikhim siya ng marahan at binati ito.
“Magandang araw po. Maaari ko bang malaman ang silid na naka-assign sa akin?” Magalang na ani niya. Tumango ito bago mag salita.
“Give me your name.” Seryosong ani lamang nito.
“Ahm, Hariette Dalianna Zarceda.”
Matapos sabihin ng dalaga ang kaniyang pangalan ay napakunot ang noo nito na para bang may iniisip na kung ano, ngunit agad din isinantabi ng babae ang nai-isip at mabilis na lamang itong nagtipa sa keyboard at mabilis na tinignan ang gamit nitong computer upang hanapin ang pangalan niya. Nang makita ay agad nitong binigay sa kaniya ang susi at ang room number ng tutuluyan niyang silid. Nagpasalamat at nagpaalam muna siya rito bago magtungo sa kanang pasilyo dahil iyon ang itinuro ng babae at sinabing naroon ang hagdan.
Mabilis na nakarating ang dalaga sa kanyang silid. Kinuha nito ang susi na nasa bulsa ng pantalon upang sa gano'n ay mabuksan nito ang pinto.
Pagkabukas pa lamang niyon ay agad na ngang namangha ang dalaga sa nakita. Maaliwalas ang silid at malaki rin ito. Mayroong dalawang kama na parehong nasa gilid at dalawang tukador na nasa malayong paanan ng dalawang kama. At dalawa ring study table na nasa gilid ng kama. May malaking bintana sa gitna na mayroong manipis na puting tela.
Dahil sa pagka-mangha sa nakikita ay hindi na niya napansin na may tao palang nasa loob ng silid bukod sa kanya. Napansin lamang niya iyon ng malakas itong tumikhim.
Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng tunog at agad niyang nakita ang maputing babaeng blonde ang hanggang balikat nitong buhok. Na nakatayo sa kaliwang bahagi ng silid. May towel ito sa balikat at ulo. Batid niyang katatapos lang nitong maligo.
“Hi, Ako nga pala si Arya. You are?” Nagulat si Hariette dahil kung tititigan ang babaeng nagpakilala ay parang hindi ito magaling managalog dahil sa itsura palang nito ay halatang foreigner ito. Ngunit ang sabi nga niya— looks can be deceiving...
“Hariette,”
Nakangiting sagot na lamang niya dito. Ngumiti rin naman ito at kinuha ang kaniyang kamay para akayin siya patungo sa kaniyang higaan.
“Ito ang kama mo, at d'yan mo naman ilalagay ang mga gamit mo. Sa'yo din ang study table na 'yan. Dito naman ang banyo. So, feel free to use it. Anyyways, dalawa lang tayo sa kuwarto. 'Di tulad ng ibang kuwarto... tatlong tao ang nando'n. Pero ayos na 'yun. Kesa naman may iba pa tayong kasama.”
Tuloy tuloy na sabi sa kanya ni Arya. Napapatango na lamang siya dito dahil hindi siya makasagot sa mga sinasabi nito.
“Ah nga pala. Pagkatapos mong magligpit ng gamit mo. Ililibot kita sa buong campus. Kahit sa kasuluksulukan pa 'yan. I'll tour you around.” Masayang ani pa nito sa kanya.
“Matagal ka na ba dito, Arya?”
Takang tanong na lamang niya dito. Para kasing ang dami na nitong alam na puntahan e.
Malakas itong tumawa kaya naman mas lalo lamang siyang nagtaka dito. May sasabihin pa sana siya dito ng muli na naman itong umimik habang natatawa pa. Gusto niyang mapangiwi dahil sa ka-wirduhan nito.
“Hindi ah! Tatlong araw palang ako dito. Pero sa totoo lang marami na akong napuntahan dito. Kahit magisa lang ako. Pero ngayon, dalawa na tayo.” Sagot naman nito sa kanya na ikinatango na lamang nito.
“Alam ko rin kung nasaan ang tagong lagusan palabas ng campus na 'to.” Pabulong nitong sabi. Gusto niyang mapailing dito.
Mukhang pasaway pala ang babaeng 'to. Tama kaya ang napasukan kong silid? 'Di yata'y nagkamali ako ng napasukan.
Nasabi na lamang ng dalaga sa isip nito. Pero tama talaga ang kanyang napasukang silid. Dahil si Arya talaga ang magiging ka-roomate niya sa loob ng limang taon.
Sa halip na kausapin pa ito ay pinagtuunan na lamang ng pansin ni Hariette ang kanyang maleta upang ilipat ang mga laman niyon sa loob ng tukador nito.
Matapos iligpit ang kanyang mga dalang gamit ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa sahig at nameywangan pa, nakalimutan pa yata ni Hariette na may kasama siya sa silid kaya naman nang may umimik sa likuran niya ay mabilis siyang nagulat at mahina pang napahiyaw. Natawa tuloy sa kaniya si Arya.
“Ay kaloka ka naman ang bilis mong magulat.” Tatawa tawang mungkahi pa nito. Literal na lang siyang napailing dito.
“Magbibihis lang ako, Arya.” Sabi na lamang niya dito at kinuha na ang inilabas niyang pamalit ng damit.
“Go lang bilisan mo na lang. I'm really starving to death.” Eksaheradang ani pa nito habang nakahawak pa sa tiyan nito.
“Ang arte mo, Arya.” Naiiling na sabi na lamang nito. Tinawanan lamang siya nito habang tinataboy pa siya ni Arya para makapagpalit na ng damit.
Nang makarating ang dalawang dalaga sa cafeteria ay agad na silang um-order ng kanin at ulam. Matapos 'yon ay sabay pa nilang binigay ang credit card. Kasama pa 'yon sa scholarship niya worth of ten thousand din ang laman niyon sa loob ng isang buwan. Nagkatinginan pa ang dalawa matapos kunin ng babae ang kanilang card. Sabay pa silang mahinang natawa.
Maganang kumakain ang dalawa habang nag ku-kuwentuhan pa ang mga ito. Sa sandaling nagkasama ang mga ito ay mapapansin mo na kaagad ang closeness nila sa isa't isa. Nalaman din nilang may pagkaka-parehas din pala sila ng gusto. At isa na do'n, ang architecture pareho din pala sila ng kurso kaya naman hindi malayong mangyaring maging magkaklase sila sa pasukan.
“Oo nga pala. Pagkatapos nating kumain may pupuntahan tayo.” Mayamaya ay ani nito.
Agad kumunot ang noo niya dahil dito.
“Saan naman tayo pupunta?” Kunot noong tanong nito kay Arya.
Maarteng umirap naman ito matapos lunukin ang pagkain na nasa bibig nito.
“Basta.” Nakangiting sagot naman nito sa kanya.
***
Hindi alam ng dalaga kung saan nga ba sila patungo? Matapos kasi nilang kumain ng pananghalian ay agad siyang hinatak ng bagong kakilalang si Arya at s’yempre wala naman siyang magawa kundi ang sumunod na lamang dito.
“Hoy! Arya. Saan ba tayo kasi pupunta?” Hindi na natiis na tanong ng dalaga.
Nilingon naman siya nito at nginitian.
“Malapit na tayo.” Ani lamang nito.
Napailing na lamang ang dalaga si Hariette at hindi na nag tanong pa. Limang minuto rin ang tinagal ng paglalakad nila bago sila nakarating sa sinasabing lugar ni Arya.
Manghang naikot ng mga paningin ng dalaga nang makita ang sinasabi nitong lugar. Worth it naman pala ang pagsama niya dito e.
“Nagustuhan mo ba? 'Yan din ang naging reaksyon ko ng makita ko 'to e.” Masayang ani nito sa kanya.
Agad naman niyang nilingon ang dalaga at magiliw itong nginitian.
“Yeah. Paano mo nahanap ang lugar na 'to?” Mayamaya ay tanong niya dito.
“Naglalakad lakad ako no'ng unang araw ko pa lang dito at ito kaagad ang nakita ko. Ang totoo niyan, naliligaw yata ako kaya aksidente ko itong nakita.”
Natatawang ani pa nito sa kanya. Dahil sa sinabi nito ay natawa na rin siya.
“Ah oo nga pala, ang tawag dito ay Forbidden Garden.” Pabulong na ani nito.
Dahil sa sinabi nito ay agad siyang natigilan. Forbidden Garden? The heck is that?
“Paano mo naman nalaman 'yan?” Nagtataka parin ani nito.
Hinila siya nito patungo sa pahabang puting bakal na upuan. Umupo sila do'n nang sabay at ilang minuto pa ang itinagal bago ito sumagot sa kanyang tanong.
“Kasi ganito 'yan. Nang mapunta ako dito s’yempre, dahil sa likhang mausisa ang kagandahan ko ay pinakatitigan ko 'yang pintuan d'yan at ng ibaling ko ang paningin ko sa ibaba ay napansin ko ang naka-engrave do’n.”
Mahabang ani nito sa kanya. May sasabihin sana siya dito ng muli na naman itong nag patuloy sa pagku-kuwento.
“Ay oo nga pala, alam mo bang may ibang language ang nakaukit do’n kung baga, may subtitle na nakasulat do‘n kaya nalaman ko.” Tuloy tuloy na namang ani nito.
Nagtataka na naman niya itong tinitigan at ng mapansin siya nito ay pabiro siya nitong tinaasan ng kilay. Inirapan niya naman si Arya, at ang nangyari parehas silang natawa.
“Anong language naman ang nakalagay do’n?” Naku-curious na tanong niya rito.
“Hindi ako sigurado e. Pero hayaan mo, mag re-research ako para sa'yo.” Wala sa sariling ani nito sa kanya. Nginiwian naman niya ito.
“Wala naman sa itsura mo ang nag re-research ng mga bagay e.” Mapaghinalang ani niya dito.
Tumawa lamang ito sa kanya at pabiro pa siyang hinampas sa braso na ikinangiwi niya dito.
“Hoy! Sobra ka na.” Tumatawang ani nito sa kanya. Natawa na lamang din siya dito.
“Tara na nga, baka may maka kita sa atin rito. Paniguradong pareho tayong mananagot niyan.” Seryoso ng ani nito sa kanya.
“Ikaw lang. Ikaw naman ang nang hatak sa akin dito e.” Seryoso ring ani niya.
Pairap itong tumingin sa kanya at nginiwian.
“Ano ka! S’yempre, damay ka na dito no.”
Masungit na sabi nito. Tinawanan lang niya ito at nag patiuna ng naglakad patungo sa pinto ng ipinagbabawal na hardin.
Hindi malaman ng dalaga kung matatawa ba siya o maiiling na lang dahil sa hardin na iyon.
Forbidden Garden, nakakamatay ba ang pag punta dito? Pero sa tingin ko hindi naman. I'm still alive and strongly kicking.
Sabi pa nito sa isip niya. Gumagana na naman ang pasaway at mapaglaro niyang isip dahil sa mga nalalaman.
May pupuntahan pa sana ang dalawa kung hindi lamang niya naalala na tatawagan pa pala niya ang kanyang ina.
“Hala! bukas na lang ulit. Tatawagan ko pa pala si mama.” Mabilis na ani niya sa dalaga.
“Ah gano'n ba? Sige tara balik na tayo sa dorm. Mukhang kanina pa naghihintay ng tawag mo at baka nag aalala na ang mama mo sa'yo.”
Pananakot pa sa kanya ng dalaga. Mabilis siyang napangiwi dito at ang huli'y tinawanan lamang siya.
Nang makarating sila sa dormitoryo ay agad nilang nabungaran ang babaeng nasa information desk. At gaya kanina masungit na naman sila nitong tinitigan. Kaya naman lihim na lamang silang napangiwi dito.
Sa halip na pansinin pa ang babaeng nag susungit ay mas minabuti na lamang nilang batiin ito. Ngunit, nang siya naman ang binalingan ng tingin nito ay napansin niyang parang may ibang ibig sabihin ang paninitig nito sa kanya.
Binalewala na lamang niya iyon at hinatak na ang kasama patungo sa hagdan. Mabagal silang humahakbang paakyat sa hagdan ng umimik si Arya at nilingon siya.
“Hariette, Bakit gano'n makatingin sa'yo si Ms. MDM?” Seryosong tanong nito sa kanya.
Napakunot siya ng noo ng marinig ang itinawag niya dito.
“MDM? What's that?” Nagtatakang tanong niya dito.
“Matandang Dalagang Masungit.” Simpleng ani nito sa kaniya. Agad niya itong nginiwian at inilingan.
Malala na talaga ang babaeng 'to. Sabi pa niya sa isip.
“So, bakit nga? Kanina pa ako nagtataka kung bakit gano’n 'yon makatingin sa'yo. At hindi lang 'yon ha! Kanina ng bumaba tayo para kumain ay napansin ko rin iyon.”
Kunot noo at seryosong ani nito sa kanya.
Dahil do'n ay napaisip rin siya sa sinabi nito. Oo nga, bakit gano’n siya makatingin sa kanya? Sa isiping 'yon ay literal na lang siyang napailing.
“Hindi ko nga alam e. Gano’n 'yon no’ng binanggit ko ang pangalan ko. Nang tanungin niya ako. Alam mo bang kinunutan niya ako ng noo at mapanuring tinitigan na para bang may gustong itanong. Pero hindi na lamang tinuloy.”
Sabi niya dito. Pareho silang nalunod sa malalim na pagi-isip at ng walang makuhang sagot sa parehong tanong ay pareho pa silang napapadyak dahil sa namumuong frustration.
Parehas din kasi silang gustong malaman kung anong mayroon sa babaeng nasa information desk. Hindi yata sila matatahimik kung hindi nila malalaman ang nasa isip ng babaeng 'yon.
Kahit naguguluhan sila ay minabuti na lamang nilang wag na munang isipin 'yon. Basta, ang nasa isip lamang ng dalawa ay malalaman din nila iyon. Hindi nga lang sa ngayon.
•••