New school year nanaman, Parang kahapon lang summer break pa. Tapos ngayon pasokan nanaman hays.. nga pala I'm Lexie Anne Bartolome I'm 19 years old My parents owned a adveristment company. to describe myself I'm slim, short, at maputi mahilig kumanta. Yan lang ma dedescribe ko sa sarili ko hindi naman ako ganun ka confident na puriin pa sarili ko hehe.
...
Ring...Ring...Ring..
Nagising ako sa ingay ng phone ko kaya kahit ayoko ko pang imulat ang mga mata ko wala akong choice kundi ang bumangon para sagutin ang tawag.
(Bestie THEA Calling...)
Isa sya sa mga Bestfriend ko. Sya pala si Thea Cruz her parents owned one of the popular clothing company maganda si Thea. Chinita, Maputi yun nga lang maldita sa ibang tao pero pag kasama kaming mag besties siempre parang sisters na turing naming sa isa't isa
"hello?" Sagot ko.
" don't tell me kakagising mo lang? hays 7:30 na kaya! Mag meet tayo nina Patricia at maxine sa favorite nating coffee shop malapit sa school sabay tayo papasok. Don't be late love u bye!"
Tooott..
"wait di pako naka pag breakfast thea--hello?.." napa balikwas ako ng bangon. 7:30 na!? 9am yung first class ko! di pa ako naka breakfast!Nevermind I'll have breakfast sa Coffee shop nalang kung may time pa.
dali-dali akong tumakbo sa banyo at naligo na at bumaba.
...
"good morning! mom. Dad. I'm sorry I cant have breakfast with you mag kikita kami nina thea sa coffee shop I'll have Breakfast there." Pag papaalam ko kina mommy at daddy.
"goodmorning anak! Make sure to have breakfast ha." Sabi ni mommy.
hinalikan ko na sa pisngi sila ni mom at dad.
"Got to go mom. Dad. Bye I love you both"
as always si daddy parang walang paki alam sakin simula ng mamatay si ate napaka tahimik na nya tapos grabe pa kung magalit.
I hopped in my car and went straight to the coffee shop it's already 8am and sa schedule ko 9:00 pa naman yung first class ko so I still have an hour to have breakfast.
"Lexie!" sigaw ni Maxine. Sya si Maxine Claire aquino they owned one of the well known malls here in manila. napaka shopaholic nya. Maganda dn si Maxine, sexy and mahilig sa cosmetics. Agad naman kami nag beso beso nina Maxine, Patricia at ni Thea.
"mabuti nalang we all took business management as our course" sabi ni thea
" right. para naman sama-sama parin tayo!" -maxine
omorder na kami ng breakfast at pinag usapan yung mga ginawa at pinuntahan namin nung summer break.
"hey patricia ano tinitignan mo dyan sa cellphone mo at parang ewan na kinikilig ka?" tanong ni maxine. Agad kami napa tingin kay pat na kilig na kilig habang tumutingin sa kanyag cellphone nya.
"Drake Anderson Alvarez is back from U.S!! OMG and he's with his brother Nathan Alvarez—" -pat
susubo na sana ako ng cake ng napa tigil ako bigla sa sinabi ni pat. so He's back? ang kapal ng mukha nya para bumalik pa. Nathan Alvarez is my elder sister ex boyfriend. And he's the reason why my sister died.
___________________________
FLASHBACK BEFORE ATE KATE DIED--
isang bwan na si ate kate umuuwi na laging lasing all i know is nahuli nya si kuya nathan na may kahalikan na ibang babae sa bar. na aawa ako kay ate 5years na din sila ni kuya nathan, paano nya nagawa to sa ate ko?
biglang bumukas ang main door namin at niluwa si ate kate na lasing na lasing hawak ni ate skyleigh. her bestfried. agad akong napa buntong hininga at tinulungan pa akyat sa kwarto si ate kate.
"lex ikaw na bahala sa ate mo ha nag hihintay pa yung boyfriend ko sa labas." sabi ni ate sky habang pina pat yung balikat ko. tinango an ko lang sya.
umupo ako sa gilid ng kama ni ate at pinagmasdan sya. namayat ng sobra si ate yung mga mata nyang nangingitim sa pag pupuyat at namamaga ng kaka iyak. ate is beautiful . sobra yung pag hanga ko kay ate mula noon. I've always look up to her, matalino , mabait at masayahin. mahal na mahal ko si ate dahil sa maalaga ito sakin. ate makakamove on ka din babalik din yung dating ate kate ko napalaging masaya. andito lang ako mahal ka namin ate.
I took a last glance at ate and smiled.
"goodnight ate, magiging okay din ang lahat"
kinabukasan ay nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko si mommy humahagulgol ng iyak?
lumabas ako ng kwarto at nakita kong umiiyak si mommy sa tapat ng kwarto ko na kwarto ni ate kate ang mga maid umiiyak din pati na si dad . papasok na sana ako sa kwarto ng yakapin ako ni dad.
"dad? what happened?! bakit kayo umiiyak?!" nataranta na ako .
"lex.. anak, wala na si ate kate mo iniwan na nya tayo" umiiyak na sabi ni dad habang naka yakap parin sakin.
tumawa ako ng mapakla..
"that's not a nice joke dad! ang aga-aga nag lasing lang si ate kagabi pero bago ako natulog tinulongan ko pa si ate skyleigh na e pasok c ate sa kwarto nya. she was in deep sleep dad! so stop overreacting. wait. let me in ako gigising sa kanya" sabi ko habang pumupumiglas sa yakap ni dad.
"no. a..anak nasa bathtub sya wala ng b-buhay" sabi ni mom habang humihikbi.
"that's impossible!" sigaw ko. tinulak ko si dad at tumakbo sa loob ng kwarto ni ate. wala sya sa kama nya kaya dumeretso ako sa banyo nya..
and there.. i saw ate.. drowned in her bathtub namumutla ang mga katawan.. no! sabi ko diba kagabi magiging okay ka ate diba!? nanginig ang katawan ko at na pa upo sa sahig...
-END OF FLASHBACK
____________________
hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko...
"Lexie... Sorry nakalimutan ko" sabi naman ni pat at niyakap ako.
"it's okay" I smiled and wiped my tears. " I just hope na hindi ko sya makita" dagdag ko pa.
" let's go? It's already 8:35am" pag aya ko sa kanila at tumayo na. di ko man lang na bawasan ang pagkain ko. nawalan ako ng gana.
We were on time when we got to our Classroom.
The class begun but my mind is filled with a lot of questions like, why the hell did he come back?
"okay class dismissed" the teacher said.
papunta kami ngayon sa cafeteria ng school namin ng biglang may nag sisigawan na mga babae..
"OMG NANDITO NA SILA NI DRAKE AT NATHAN ANDERSON!!!" sigaw ng isang babae
napatigil ako. ayoko syang makita please..
"sa school garden lang ako girls, wala akong gana" sabi ko
"okay lex.. uhm.. bibili lng kami ng snacks then sunod kmi" sabi ni pat.
"samahan na kita lex?"-maxine
"no. it's okay sunod nalang kayo after nyo bumili" ngumiti ako sa kanila at umalis na. dumeretso ako muna sa locker ko at kinuha ang gitara ko.. yes kumakanta ako at may band kami. thea is the guitarist, si patricia naman sa drum at si maxine minsan sa piano and minsan ka duet ko or second voice.
after kong kunin ang guitara ko dumeretso na ako sa garden.
dito kami tumatambay palagi di maingay at wala masyadong mga istodyanteng dumadaan.
umupo ako sa isang bench at nag start e strum ang guitara ko .. kinanta ko na yung churos ng supermarket flower by ed sheeran.
"Oh I'm in pieces, it's tearing me up, but I know
A heart that's broke is a heart that's been loved
So I'll sing Hallelujah
You were an angel in the shape of my mum
When I fell down you'd be there holding me up
Spread your wings as you go
And when God takes you back we'll say Hallelujah
You're home-"
a tear fell down while i sang those part of the song naalala ko si ate.. naramdaman ko na may tao sa likod ko i wiped my tears at lumingon.. it's a tall guy. nakapamulsa mapupungay yung mata, matangos ang ilong at mapupulang labi.
"why did you stop?" he smiled.
"and you are?" sabi ko at inayos yung gitara ko.
"jason bautista" he extended his arms.
"lex-" sasagot na sana ako ng pinutol nya yung sasabihin ko.
"lexie anne bartolome heiress of bartome's advertisement. nice meeting you" he winked.
I smirked. " Mr. bautista dont you know that eavesdropping is bad?"
he chuckled. " so i guess it was nice meeting me too?"
tumawa kami pareho. hindi ako ganon ka friendly sa mga lalaki pero ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya.
sumandal si jason sa puno sa harap ko.
" you're new here?" i asked.
"yeah. kaka lipat ko lang galing france kasi may business si dad dito at matatagalan pa bago kami bumalik" he replied. I just nodded hindi ko alam kung ano pag uusapan namin i'm not good at starting a conversation.
"lex!" sigaw ni max habang papunta sa kinaroroonan ko kasama sila pat and thea.
"sorry natagalan kami ang daming tao sa canteen omg nakaka haggard" sabi ni pat.
"huh! ang sabihin mo natagalan tayo kasi naki ususyo kapa sa mga nag kukumpulan na mga girls para lang makita si drake anderson" sabi ni thea at pinaikot yung tingin nya.
pat just pouted ng mapansin nya si jason na naka tingin lang sa kanila habang naka pamulsa at naka sandal parin sa puno. "oh and who's this pretty boy?" tanong ni pat.
" girls this is jason bautista. jason mga kaibigan ko pala patricia, maxine, at thea" pag papakilala ko.
"it's nice meeting you girls" tamango at ngumiti si jason sa mga kaibigan nya.
at bigla nag ring yung phone nya.
"bro?
okay .
i'm coming.
geez chill out i was just roaming around ang ingay ng mga babae dyan.
tss whatever bye." -jason
pagkatapos nya patayin yung tawag nya binalingan nya na kami.
"I have to go girls! it was nice meeting you all especially you... lexie" he winked at me at umalis na.
umiling lang ako kung di lang magaan loob ko sa lalaking yun baka na tadyakan ko na.
"oh friend ha." bigla akong kinalabit ni pat. at pag tingin ko sa kanila naka tingin silang tatlo sakin. yung tingin na (you have to explain) look.
"oh shut up! nakipag kaibigan lang yung tao kasi bago lang dito. stop being so malicious." I rolled my eyes in annoyance.
"oh? so akin na yun girl ha? hehe ang gwapo!" sagot ni maxine.
I chuckled. " kailan ba naging akin yun. hahaha ewan ko sa inyo."
"by the way. as much as you dont want to see the alvarez, but they're here lexie. dito na sila mag aaral" -thea
natigilan ako at bumuntong hininga.
"wala naman akong magagawa kung dito man sila mag aaral. i just... hope maging strangers nalang kami ng mga alvarez until sa school year ends 1 year nalang ga-graduate na tayo titiisin ko yung pag mumukha nila as long as di nila ako pakikialaman" kibit balikat kong sagot.
.....