MAXINE'S POV Nagtataka ako ng marinig ko si Gideon na sina-sabihan ang mga guard na wag papasukin si Celine sa mansion o kahit sino sa mga pamilya ko. Sinalubong ko ito matapos nito kausapin ang mga guard. "Gideon, anong problema? Bakit mo sila binibilinan?" sunod sunod na tanong ko rito. Tiningnan naman ako nito bago ako sagutin," For your safety Wife.." sagot lang nito at nilagpasan na ako. Ako naman ay nalilito na, mabilis akong sumunod dito sa loob ng bahay. "Gideon, alam ko may dahilan ang paghihigpit mo!" sigaw ko dito. Tumigil ito sa pag akyat at lumingon ito sa akin.. "For safety only, nasa gitna tayo ng gulo ngayon, hindi natin alam hanggang kailan ka ligtas. Mas lalo kapag nalaman ni Caiden na nandito si Cynthia." malamig nitong sagot na kina tahimik ko. Umakyat na ito agad

