MAXINE'S POV Tatlong araw simula ng nangyari sa studio, mabuti at walang kaso na binato sa akin si Alisha at Celine. Ang asawa ko naman ay umalis ng maaga dahil may meeting ito outside the company. Habang naka upo ako at binabasa ang journal ni Lolo, nahagip ng mata ko ang news flash. Nag angat ako ng tingin at doon ko nakita ang naka yukong si Celine habang katabi nito ang kanyang ina at si Caiden. Kung totoo na isang babae si Caiden noon kailangan ko malaman bakit nila ito ginawa at para saan.. Nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko at agad kong dinampot ito at sinagot, hindi ko na tinitingnan kung sino ito. "Who's this?" tanong ko agad. "Ako ito Maxine si Cynthia, pwede ba tayo mag kita?" pakilala nito. Napa higit ako ng hininga bago mag salita,"Sige, sabihin mo sa akin saan a

