CELINE'S POV Nagising ako ng marinig ko ang pagtatalo ni Mommy at daddy. "This is all your fault Cerius! Talagang sa'min ka pa nag sinungaling?!" galit na tanong ni Mom "I'm sorry, gusto ko lang ipamukha kay Papa na kahit hindi na Wilhelmina ang apelyido ko. Anak pa rin niya ako, ngunit hindi siya nakinig sa'kin." narinig kong wika ni Daddy. Dahan dahan akong nag mulat at umupo, "Ayoko na lumaban umpisa pa lang talo na ako.." wika ko at yumuko. "No sweetie, may laban pa tayo.." wika Daddy. Tiningnan ko ito at nang hahawakan nito ang pisngi ko agad kong tinabig ang kamay nito."Aminin niyo ang mga kasalanan niyo, saka ko kayo patatawarin! Pati si Kuya Caiden sinira niyo, babae siya pero dahil sa kagustuhan niyo ng lalaking anak nagawa nila ni Mommy ang ganun!" umiiyak kong panunumbat ka

