MAXINE'S POV Kumain muna ako dahil pinilit ako ng Lola ko na kumain muna, inasikaso niya ako kaya hindi ko maiwasan hindi maging masaya. "Oh bakit ka umiiyak?" nag aalala nito tanong.. Ngumiti ako at nag salita, "Pwede ko po ba kayo tawagin na Lola? " pagtatanong ko. Sumilay ang matamis na ngiti nito, "From now on you can call me Lola." sagot ni Lola Amelia. Ngumiti ako niyakap ang lola ko ng mahigpit. "Salamat po!" magalang kong pasasalamat. Naramdaman ko ang pag tango nito, kaya mabilis akong kumalas. MAKALIPAS ang kinse minuto na pag uusap namin tungkol sa paano ako pinalaki ng Lolo ko. Dumako ang usapan kung paano nagkaroon ng affair si Lolo kay Lola Amelia. "Kayo po ang tinutukoy ng Lolo sa kanyang journal na babae?" tanong ko sa Lola Amelia. Mahinhin itong tumawa, "Oo ako nga

