GIDEON'S POV "Kaninong bahay ito?" tanong ni Brix. Bumaba muna ako ng sasakyan at sumunod naman ang dalawa sa akin. "Sa Lola ni Maxine mismo." sagot ko na kina singhap nilang pareho. Alam nila ang tungkol sa Lola ni Maxine, sinabi ko ito sa kanila bago mamatay si Mr. Maximo Wilhelmina. Pinindot ko ang doorbell ng tatlong beses at umatras ako. "Nanggaling na ang asawa ko dito noong nakaraan, at kay Miss. Amelia Patricio niya nalaman lahat ng dapat niyang malaman.." Kwento ko sa kanila. Tumango naman silang pareho. "Kahit pa ang tungkol sa pagsisinungaling ni Cerius na isa pa rin siyang Wilhelmina?" tanong ni Brix. Tumango lang ako at humarap ng narinig kong bumukas ang pinto o gate. "Kayo pala Mr. Luxhell, tuloy po kayo nasa loob si Madam." nakangiting wika ng katulong nila. "Salamat

