NARINIG ni Jack ang sunod-sunod na pagkatok subalit hindi siya tuminag. Parang inaantok pa siya at tila mabigat ang pakiramdam. Hindi tumigil ang pagkatok. And this time, nalangkapan iyon ng malakas ding tinig. “Open this damn door now, Jack Rheus!” “Kuya Leandro?” kunot ang noong sabi niya at napilitang bumangon. Halos mapatalon siya sa gulat nang matanawan sa sofa si Portia. Nakadapa iyon sa sofa. At tanging panty lang ang suot. “Jesus!” Biglang nawala ang kahuli-hulihang hibla ng antok sa diwa niya. Hinila niya ang comforter at tinalukbungan si Portia. Parang sasabog ang utak niya habang pilit inaalala kung paano sila nahantong sa ganoon. Pinapanood lang niya itong uminom kagabi. At nang kulitin siya nito ay pinagbigyan niya itong uminom na rin. “Jack Rheus!” halos magwala naman an

