“MA’AM Porsche, anong nangyari sa kanya?” Buong household staff yata ng Vergara mansion ang sumalubong sa kanila habang magkatulong na binababa nina Eileen at Dolfo si Jack. Paglabas ng hotel kanina ay makulit pa ito sa pagtangging sumakay sa sports car niya. Diretso pa ang lakad nito subalit pinanindigan niyang ihatid ito. Sa likuran niya ay nakabuntot naman sa kanila ang driver at yaya niya. “He got too much of a drink.” Nasa kalagitnaan na sila ng byahe nang tuluyan na itong mag-pass out. Sa laking lalaki ni Jack, ngayong hindi na ito makagulapay halos ay tumulong na rin ang ibang staff doon para mailabas ito ng sasakyan niya. “Maiaakyat ba siya sa kuwarto niya?” “Yes, Ma’am,” sagot ni Bong, isa sa family drivers ng mga ito. Nakasunod sila ni Eileen hanggang ipasok si Jack sa kuwart

