Chapter 33

1003 Words
"Slow down, kakagaling mo nga lang." Epal ni Kale na pinapantayan ang bilis ko. We were now driving our way to school. "Oh, shut up." I answered and sped up. Masiyado na siyang OA, kaya ko naman ang sarili. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Asik niya nang makarating kami ng campus. I rolled my eyes, saying "Kung tahiin mo muna kaya yang bibig mo?" "Tch! Huwag ka muna masiyadong gumalaw, baka maano na naman yang sugat mo." Pangaral niya. Ito na naman tayo. "Inamo, para kang si Daddy kung makabilin. Hindi naman ako mamamatay dahil dito." Naiinis na sagot ko. Nagbardagulan kami sa hallway papuntang classroom nang matanaw ko sina Xia na nakatambay sa hallway. "Aaaaah! Aqua!" Kahit malayo ay dinig ko na ang bunganga ni Xia. Para silang mga tangang kumakaway habang tumakbo para salubongin ako. "Mister, pwede ka na umalis. We need to have a girls talk." Maarteng saad ni Krish habang tinutulak si Kale palayo. Tumingin muna siya sakin bago tuluyang umalis. I flicked my hands, shoo-ing him away. "How's your feeling?" Tanong ni Maureen na nakakabit sa braso ko. "I'm good." I answered shortly. "Hindi ka pa ba sanay diyan 'te? Noon nga araw-araw may pasa o sugat yan eh." Epal ni Krish na nasa gilid. "Devoted kasi ang lola niyo sa 'Oplan: Making Crystal Fall'." Saad ni Xia na nakakabit sa kabilang braso ko. Parang bakla magsalita ang gaga. Sarap sikohin pero next time na lang. Bumitaw ang dalawa nang papasok na kami ng classroom. Nabigla ako nang biglang tumakbo si Triton papalapit at niyakap ako. I was caught off guard kaya hindi agad ako nakaiwas. Takte naman, punyeta nakakagulat naman 'tong bwesit na 'to. I was about to push him when he suddenly whispered, "She's watching." He sighed. "Meganern na pala." "Help, 'di ako makahinga." "Yieeee!" Hiyawan ng mga mukhang tahong kong mga kaklase. Naririndi talaga ako sa mga boses nila. Pasabogin ko na lang kaya buong classroom? I pushed him gently at bumitaw sa yakap. Masiyado na ata siyang nag-eenjoy? "Titigil kayo o gusto niyong masakal isa-isa?" I asked my classmates gently. Dahil mabait ako, tumahimik naman agad sila. Bumaling ako ng tingin kay Triton at nakitang nakangisi ang gago. I ignored him at dumiretso sa desk ko. Sumunod naman sa likod ko yung tatlo. "How's your feeling?" He asked. He pulled someone's chair at umupo sa harap ko. Tanginang buhay 'to, an annoying asshole after an annoying asshole. "Malamang okay na, papasok ba 'ko kapag hindi pa ko okay?" Pabalang na sagot ko. "Oo, sa tigas ba naman ng ulo mo." Sagot niya. Nahiya naman ako sa ulo niya. "Eh kung sapukin na lang kaya kita?" Pagbabanta ko. "Bakit ka kasi nagpaulan? Akala ko nga nakauwi ka na nun eh." Kinausap niya lang ba ako para inisin? "Pakihanap ng pake ko." Sagot ko. Biglang tumayo ang loko at naglakad palabas. "Bobo, 'san ka pupunta?" Tanong ko nang palabas na siya ng pinto. "Hahanapin pake mo." Sagot ng bobo. Nagpapatawa ba siya? Hindi ko na sinagot ang kabobohan niya. I raised my middle finger to end the discussion. "Mr. Callisto? Ano pang ginagawa mo diyan sa labas." Tanong ni Miss Quiree. Haha! Deserve. Nagkamot ng ulo ang tanga at pumasok na ulit. Yan kabobohan pa. The class went by smoothly. Buti na lang at walang quizzes. I really need to catch up on some lessons. "Girl, may naisip na naman kaming plano!" Excited na sigaw ni Krish habang naglalakad kami sa hallway papuntang cafeteria. "Sige, baka gusto mo pang lakasan ang boses mo." Sabi ko. "Ay, sorry ganda lang." Pagso-sorry niya na may konting kasinungalingan. While waiting for our food, we talked about the plan they made. Basta talaga katarantaduhan, ang lalakas nila mag-isip. "Beh, cr lang ako." Paalam ni Xia. "No beh, don't say that. You're more than just a cr. Everytime na naiisip mo na "cr lang ako" no. You're wonderful person and we appreciate you so much. Hindi biro maging cr, It must've been tough pero you did it. You're strong kaya sobrang proud kami sayo." Saad ni Maureen. Punyeta tatawa ba ako o magagalit? Nagkatinginan na lang kaming tatlo at huminga ng malalim. We need to understand Maureen's stupidness until the day of our death. "Konti na lang mabo-boang na kami sayo 'te." "Tara na nga sabay na tayo." Sabay kaming apat na pumunta ng comfort room nang nakasalubong na naman namin si Triton na parang nagmamadali. He rushed into me kaya napatigil kami sa paglakad. He held both of my shoulders at niyugyog. Aba! Tangina nito?! "Nasa garden sila! We have to be there." Saad niya. Ano daw? "Pinagsasabi mo?" Tanong ko. Sasagot na sana siya pero tumigil nang makitang kasama ko ang mga kaibigan ko. Bigla na lang nanghatak ang gago. "Tanginamo?" Asik ko. "Basta may papakita ako sayo." Sagot niya habang kinakaladkad ako. "Enjoy!" Sigaw ng tatlo sa likod. "What's with the running?" Reklamo ko. Kakatapos ko lang kumain, bwesit. "Nasa garden sina Crystal and I have a plan." Sagot niya. Binilisan ko ang pagtakbo para mapantayan siya. Huminto kami sa harap ng hideout ko. Kung saan ko siya nakitang nagtatago noon. We looked at each other and I noticed na ang pangit niya talaga. Sabay kaming sumilip habang nagtatago sa pader. I was confused when he gave me his key. Tangina, hindi ba siya magsasalita? "Aanhin ko 'to?" Tanong ko habang siya ay busy kakasilip sa dalawang naglalandian. "Ganito, kunwari hinahabol mo ko kasi kinuha ko yung susi ng motor mo." Saad niya. "Oh, tapos?" Tanong ko. Teka lang, anong nakakaselos dun? "Wala, parang nagkukulitan lang tayo." Sagot niya. Ang corny naman nito. Anong year ba 'to pinanganak? "Tanga, bakit mo sakin binigay yung susi 'e ikaw yung hahabolin ko?" "Ay, oo nga pala." He answered at binawi ang susi. Katangahan na naman ang pinapa-iral. "Bobo mo." Panglalait ko. "Let's go in 1... 2... 3..." He said and run off habang nagsisigaw. Sumunod naman ako na parang tangang naghahabol. This is the dumbest s**t I've ever done.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD