Chapter 35

1019 Words
"Sabog na naman ang lola niyo." Pagpaparinig ni Xia. Vacant namin ngayon at nagdu-dukdok ako sa desk ko. "Anong oras ka na naman ba natulog ha?" Tanong ni Krish. Umangat ako ng tingin at sumandal sa chair. Kita ko agad ang tatlong mukhang naka-kunot na bumungad sa akin. I frowned, "Past 4 A.M na siguro, I don't know." "And where did you go at nakauwi ka nang ganoon ka-late?!" "Oh my god, don't tell me you're back on bardagulan?" "No..." I answered and went back to sleep hanggang dumating na yung next teacher namin. I am so f*****g sleepy. I think I need a coffee. I am about to stand up when I remembered that I have a errand boy. Hindi ko na to napakinabangan ah. Nilabas ko ang phone ko and texted him to buy me a cup of roasted black coffee. Maya-maya pa ay narinig ko na ang kalabog sa gilid ko. Tumingin ako sa gawi niya at nakitang padabog itong tumayo at sinamaan ako ng tingin. I grinned na mas lalo pang nagpa-inis sa kanya. Pinakyuhan pa ako bago lumabas oh. I can't help but laugh. Ano na naman kayang kamalasan ang nangyari sa bobong 'yun? "Hala siya, baliw ka na ba 'te?" Singit ni Xia. "Kanina lang parang badtrip tapos ngayon tawang tawa si madam oh." Pahabol naman ni Krish. "That's a sign of bipolar disorder. Any of several psychological disorders of mood characterized usually by alternating episodes of depression and mania." Napatingin kaming lahat kay Maureen and the burst into laughter. Nagtanong pa sa akin kung ano raw tinatawa nila. Mas sumakit lang ang ulo ko. Ang tagal naman ng kupal na yun. "Oh!" I got up nang umuga ang desk ko and saw Triton handling a cup of coffee. Kinuha ko agad ito at inamoy kung tamang flavor. Perfect. "Ay may pa-ganun." "Grabe naman, hindi ko na ma-keri ang mga happenings today!" "That smells nice, Aqua. Can I have a sip?" Pag-kantiyaw ng tatlo. I glanced at the side where Crystal was sitting at nakita kong nakatingin siya at ang mga friends niya. "Thank you." I said and smiled sweetly at Triton. Nagkamot lang ng batok ang loko na parang nahihiya at bumalik sa seat niya. "Girl, kamusta na yung plan niyo?" Krish asked. "We didn't plan the next move yet." I answered while sipping. The aroma of the coffee is healing my entire system. I just love coffee. "You should move faster before it gets worst." Mahinang sabi ni Xia. Napatango ako sa sinabi niya. Partly true but wala akong alam sa mga ganito. I looked at them and parang na-gets din naman nila kung ano ang gusto ko. I need their help! "Maureen, do you any suggestions on what to do next?" I asked. Masyadong occupied siya ngayong araw. Ano kayang pinagkakaabalahan nito? "Hmm... Let me think." Aniya at tumalikod sa amin. The two were also quiet na parang nag-iisip talaga ng malalim kaya nag-isip na din ako. "Oh my God!" I flipped out nang biglang tumayo si Maureen at sumigaw. "What?!" Sabay na sigaw naming tatlo. "I have a brilliant idea!" Nakangiting aniya at pinaypay kaming tatlo na lumapit daw. God! Akala ko naman kung ano na. "As I have noticed, makulit si Triton kay Crystal and that's what he have to do sayo." I frowned at what she said. She continued, "Kasi kapag makikita yun ni Crystal, she will immediately think na nakamove-on na si Triton sa kanya. Crystal and Gio's relationship has like a calm love vibes so maybe, hopefully, she will seek the attention of Triton dahil wala na sa kanya." Wow, coming from maureen. She's really good at analyzing situations. Nag high-five ang tatlo at ngayon nakatingin sila sa akin while showing their hands kaya nag high-five na din ako. Napaka-ano talaga. "Now, you just have to asked Triton how she treats Crystal so that we can improve it and plan your next move." Krish said. Wow, they really took this dumb operation seriously. Basta talaga kalokohan ang bilis mag-isip ng tatlong 'to. Gayahin kaya nila akong changed woman, may mapapala pa sila. The bell rang and we tidied things up para umuwi. "Attention to all players who passed the tryout. Kindly proceed to the gym for a practice assisted by your coaches, thank you." I sighed, "s**t, I am so tired already." "Shems, I almost forgot." Krish said. All four of us joined in different sports and games. Xia plays double with Crystal for the badminton team while Maureen plays chess. "Oh fvck, did I bring my jersey?!" Tarantang sabi ko at hinukay ang laman ng bag ko. "s**t, I left it." "Omg, paano ka niyan? You can't play wearing that." Maureen said. "Obviously yes, Maureen." Pagtataray ni Xia. Ayan na naman sila. "I'll just call Manang to deliver it here." I said. Literal na sabog ba naman kaninang umaga. "Hey, Triton!" Tawag ni Krish sa mokong na papalabas na ng room na kinukulit na naman si Crystal who is annoyed. Ang tigas ng ulo, hindi niya ba muna pwedeng pigilan ang pagkalandi niya?! "What?" He paused and asked. Ah s**t, no way. Pinaypay siya ng dalawa at kamot batok naman siyang lumapit na parang inabala siya sa importanteng ginagawa niya. I rolled my eyes, wala talagang utang na loob ang walang hiya na 'to. Badmouthing him is my most favorite thing to do. "Can you let aqua borrow your jersey? Naiwan niya kasi yung kaniya." Maarteng saad ni Krisha. "Don't worry, this is not a favor. This is just a part of our plan to help you get your girl." Xia said with a sarcastic tone. "And don't act like napipilitan ka diyan kasi this would benefit you not us and I'd rather not practice than borrowing that jersey of yours. Nakakainis yang mukha mo, ang sarap sapakin." Asik ko nang makitang parang nag-aalangan pa siya kung ipapahiram niya ba o hindi. "Ito na, ang dami niyong sinasabi." He said and brought his jersey out. Wow, akala mo talaga pinipilit eh 'no. "Wait lang! 'wag mo dito ibigay. Ganito..." Xia said at pinalapit kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD