Chris POV Habang nakahiga ay nakatingin ako kay Amara na nakatalikod sa 'kin sa pagkakahiga. Hindi ko maiwasang hindi tumulo ang aking luha. Buong akala ko ay may nararamdaman siya para sa akin pero ang fifty million lang pala kay daddy ang habol niya. Hindi ako makatulog sa sama ng loob kaya tulad ng dating gawi ay sa bar na naman ako nagpapalipas. "'Tol, saan na ba kayo?" "On the way. Doon na lang tayo magkita kita sa dating pwesto." Saad ni Lexter at binaba na ang tawag. Habang nakaupo ay hindi pa rin ako makapaniwalang ang saya at wagas na pagmamahal na alam ko, ay isa lang palang kahibangan. "Bullsh*t!" hindi na ako nakapaghintay pa sa kanila at nauna ng tumungga ng isang inuming beer. "Mabuti na lang talaga at peke lang ang kasal naming dalawa!" lagok ko muli sa aking inumin

