Allen's POV Grabe na ang nangyari nitong mga nakaraang linggo. Kabilaan at gabi-gabi na kaming nag-ba-bar para lang maaliw ang kaibigan namin na si Chris. Kung hindi niya kayang solusyunan ang problema na mayroon siya ngayon, pwes kaming tatlong mga kaibigan niya na lang ang lulutas dito. Nagdadalang tao si Amara at gusto na ni tito Marcelo at tita Glinda na makasal ang dalawa. Ayaw nila ng kahihiyan, ayaw nila na may anak na hindi kasal. Dahil dito, kinausap kong masinsinan si Rumir at Lexter. "That's a good idea Allen." Usal ni Rumir sa 'kin no'ng nasabi ko na ang plano namin para kay Chris at Amara. "Allen, sa tingin mo ba papayag si Chris sa plano mong 'yan?" "Lexter wala na siyang ibang choice. Ngayon kung hindi siya papayag, sisipain lang naman siya sa mansyon nila. Now it'

