Chapter 14
"So kami? Hindi niyo ba kami isasama?,"
"Huwag ka ngang umepal," rinig kong bulong ni Bianca kay Gavin
"Ay date ba nila yon?,"
"Malamang kaya nga si Leigh ang inaya at hindi tayo e,"
"Fine. Y'all will go with us," sabi ni Rehan
"Yes! Under ka lang," sigaw ni Gavin
"Shall we?," iritang tanong ni Rehan
"Tara na!,"
Jusko! Bakit ba ganito ang mga taong ito?
Teka nga, saan ba kami kakain? Hindi naman nila sinabi. Wala na late na dahil andito na ako loob ng sasakyan ni Rehan and iba rin 'tong dala niya ha. Audi rs5 na kulay gray, yaman din neto e. Paiba iba sasakyan na ginagamit.
"Saan pala tayo magla-lunch?," Tanong ko kay Rehan
"Q. C.," Wow 2 letters lang. "Hap Chan,"
"Okay,"
Ayon nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang naka focus naman 'tong isa sa pagmamaneho.
*Ring ring*
Saktong nag ring din ang cellphone ko kaya sinagot ko na din.
"Hello?,"
"Leigh, where are you?,"
"Papunta na po kami sa Hap Chan, bakit po?,"
"We're going to have a dinner at your Tita Aria's house, okay?,"
"Sige po,"sabi ko at in-end na ang tawag
Naabutan ko namang nakatingin sa akin 'tong kasama ko. "Who's that?," Tanong nya
"Si Tito Ivan, mag didinner daw kami duon kina Tita Aria mamaya," paliwanag ko
"Oh okay, then I should drop you off there,"
"Mamaya pa naman yon,"sabi ko
Tinanguan niya na lang ako. Bakit parang galit 'to sakin?
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga sasakyang nakakasabay namin.
"We're here," malamig na sabi niya
Hindi na lang ako umimik at lumabas na nang sasakyan at nakita ko na iyong tatlo.
"Leigh! Here!," Sigaw ni Bianca at kumaway pa
Kakaway na sana ako kaso biglang nagsalita si Rehan. "Mauna ka na, susunod na lang ako. Kahit ano na i-order niyo," ganon pa rin, malamig pa rin ang tono ng boses niya.
"O-okay," sagot ko sakaniya at nauna nang pumunta kina Bianca.
"Oh bakit hindi pa sumabay sayo yon?,"tanong ni Gavin sakin
"Mauna na daw ako e, kahit ano na daw i-order natin," sagot ko sakaniya
Sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng Hap Chan at dumiretso sa cashier.
"Good morning Ma'am, Sir what's your order?," Nakangiting tanong ng babae
"Oh ano sainyo?,"tanong ni Gavin
"Barkada Set A but add Souted Beef w/ Broccoli, 1 Iced Tea and 1 Plain Rice," sagot ni Zo
"Is that all, Ma'am?,"tanong nung babae. "You can order some dessert,"
"2 Choco Banana Parfait, 3 Lemon Mango Parfait and 5 Banana Split, that's all Miss," sagot naman ni Bianca.
"Okay Ma'am, you may find a seat na po,"
Naghanap na kami ng mauupuan pagka order. At buti na lang may nahanap agad kami.
"Leigh, did you two fight?,"biglang tanong ni Zo sa akin.
"Ha? Hindi naman, bakit?,"
"Nothing," she smiled
"Oh anjan na pala si Rehan,"sabi ni Gavin
Tiningnan ko naman ang direksyon kung saan nakatingin si Gavin at nakita ko ngang anduon na si Rehan sa may counter at papunta na dito sa pwesto namin. Pagkarating niya sa pwesto namin duon siya tumabi kay Gavin kaya naman nag tinginan ang mga kasama namin at tiningnan din ako pero iniwas ko lang ang tingin ko.
Bale si Gavin at Zo ang magkatabi pero dahil tinabihan ni Rehan si Gavin kami na lang ni Bianca ang walang katabi. Nagulat ako nang tumabi sa akin si Bianca.
"Are you okay?," tanong niya nang maka upo siya sa tabi ko at tinanguan ko lang siya. "Tell me if you want to go home, we'll drop you off at Tita Aria's house,"
Paano niya nalaman na duon ako pupunta?
"Tita Aria called me earlier that you'll have dinner,"rinig kong bulong niya
Etong babaeng 'to nakakagulat, mind reader ang peg.
"Here's your order Ma'am, Sir, enjoy your meal," sabi nung waitress pagkalapag niya ng pagkain namin.
Ngumiti lang ako. Si Bianca na ang nag-abot sa akin ng pagkain ko at agad naman akong kumain dahil gusto ko na ding umalis.
Buti na lang hindi kami nag usap habang kumakain kaya mabilis kaming natapos. Tumayo na agad kami pagkatapos.
"Yung bill?," tanong ni Bianca
"Binayaran ko na kaninang pagkadating ko. Leigh, let's go.," sagot ni Rehan
Nauna pa siya sa akin hindi man lang ako hinintay. Napairap na lang ako dahil sa ginawa niya.
"Oy ano yon? Nakita ko yon! Umirap ka!,"sigaw ni Gavin nang makalabas kami
"Wala,"sagot ko. "Mauna na kami, Gavin ingatan mo iyang dalawa,"paalala ko sakaniya
"Yes ma'am! Mag-ingat din kayo," sabi nya
Nagpaalam na ako duon sa tatlo at sumakay na agad sa sasakyan ni Rehan baka magalit pa. Tahimik lang talaga kaming dalawa, ni hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako o kaya naman may nasabi akong hindi maganda.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nagmuni-muni. Bahala siya jan, mataas ang pride ko at sa sobrang taas pwede ka na pumutol para may panlaba ka.
Third Person's View
"Zo, ano bang nangyayari sa pinsan mo at hindi niya pinapansin si Leigh?," tanong ni Bianca kay Zo habang nasa sasakyan sila ni Gavin.
"Hmm I don't know, maybe he have problem?,"sagot naman ni Zo
"Ako! May alam ako! May surprise kasi si Adams para kay Leigh!,"singit ni Gavin
Nagkatinginan naman si Zoanne at Bianca na naka-upo sa backseat dahil sa sinabi ni Gavin. Napatakip naman si Gavin sa bibig nya nang mapagtantong naibuking niya si Rehan.
"What surprise?," tanong ni Zo
"Ah a-ano w-wala!,"utal na sagot ni Gavin at itinuon na lang ang atensyon niya sa pagmamaneho
"Gavin Kelle! Ano nga? Sabihin mo na lang, malalaman din naman namin yon,"pagbabanta ni Bianca kay Gavin
Huminga ng malalim si Gavin at napakamot na lang sa batok niya.
"Eto na nga, sa foundation natin balak isurprise ni Rehan si Leigh. Kakantahan niya si Leigh ganon," eksplanasyon ni Gavin
Napatingin naman si Gavin sa likuran niya nang biglang tumili ang dalawang babae.
"Omg!!! How sweet of him! Sigurado akong magwawala na naman ang mga fans ni Rehan, nako subukan lang nila galawin si Leigh," tili ni Zo
"Omyghad! Kailangan nating tulungan si Rehan!," Suhestiyon ni Bianca. "Gavin, tell Rehan that we'll help him!,"
"Ano?! Nasisiraan ka na ba? Ayaw nga humingi ng tulong sakin ni Rehan, sainyo pa kaya," giit ni Gavin
"Uh hello? I'm his cousin?,"patanong na sabi ni Zo
"Siguro pagdating sayo Val, pero baka pag sa amin-
"Omyghad! Pumayag sya Gavin Kelle!,"singit ni Bianca
"What? That fast?!,"sigaw naman ni Zoanne
"Hoy ang ingay nyo! Umayos nga kayo, siguraduhin niyo lang na hindi tayo mabubuking," suway ni Gavin sa dalawang babae
Nagkatinginan naman ang dalawang babae saka tumingin kay Gavin at nangakong hindi sila mabubuking.
End of Third Person's View
"Leigh!," bungad ni Tita Aria sakin
"Tita! Kayo ha, bakit hindi umuwi si Tito sa bahay nung isang gabi?,"pang aasar ko sakaniya at nakita ko naman siyang namula
"H-hindi ko alam! Dito na siya natulog,"eksplanasyon niya
"Natulog nga lang ba?,"
Tragis! Nakakagulat naman 'tong si Gavin, andito din pala 'to edi sana nagsabay sabay na lang kami.
"Gavin Kelle!,"suway ni Tita Aria sakaniya
Itinaas naman ni Gavin ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.
Pumunta na muna kami sa salas para manood ng Netflix. Ang napag desisyunan naming panoorin ay iyong Ballerina.
Habang nanonood kami bigla na lang akong kinalabit ni Gavin.
"Psst, okay ka lang?,"tanong niya
"Oo naman,"sagot ko
"Nako! Wala kang maloloko dito, Leigh," aniya
Hmmm, bakit kasi hindi ako kinakausap ni Rehan? Wala naman akong ginagawang masama pero may nagawa ba ako?
"Kita mo na, Leigh wala namang masama kung sasabihin mong hindi ka okay,"
"Gavin naman kasi! Bakit kasi ano," nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ang sasabihin ko. Ayaw ko na sanang ituloy pero grabe naman makatingin 'tong Gavin sa akin. "May nagawa ba akong masama kay Rehan? Bakit hindi niya ako kinakausap-
"He have a problem, Leigh," biglang singit ni Bianca
Nandito na pala 'tong babaeng 'to.
"Ah ganon ba? Sorry, nadala lang siguro ako ng emotions ko-
"Leigh, it's fine, sino ba naman kasing hindi magtataka diba? Kahit nga kami nagtataka kung bakit ganon ang pakikitungo niya sayo kanina," sabi ni Bianca
Napa-isip ako don. May isip ka pala Leigh?
"Alam niyo tama na yan, ano pa lang gagawin mo bukas Leigh?,"singit ni Gavin
Bukas?
"Ha? Bukas?,"naguguluhang tanong ko
"Uhm it's our school fair, Leigh," sagot ni Bianca
School fair?! Bukas na? Akala ko ba ay sa Wednesday.
"Akala ko ba sa Wednesday pa?,"tanong ko
"About that, they moved it," Bianca said
"Kinabahan ako don! Pero kakanta na lang siguro ako," napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa kaba
"Well, we're going to sing also!," excited na sabi ni Bianca
"Oh? Ano namang kakantahin niyo?,"tanong ko
Nagkatinginan pa yong dalawa bago ngumisi.
"Secret!," Sabay nilang sigaw
Magsasalita pa sana ako nang biglang may umiyak.
"Daddy!,"
Daddy? Huh?
"Ivy! Aria, what did you do?," rinig kong tanong ni Tito Ivan at halatang nag-aalala ito
Wait, don't tell me. Gago! Si Tito Ivan ang daddy ni Ivy?!
Tumakbo na rin yung dalawa papunta sa taas at sumunod naman ako habang naguguluhan.
"What happened here?," Tanong ni Gavin
"Wala, I'm just teasing Rielle," natatawang sagot ni Tita Aria
"It's too much, love," singit ni Tito Ivan
L-love? What the hell? Are they together, again?!
"Love? What was that?," Bianca asked with a suspicious look
"Are you two together now?," Gavin asked
I saw how Tito Ivan laugh, tapos biglang tumigil nang makita niyang tumingin si Tita Aria sakaniya.
Ay UNDERstanding naman pala
"Uhm kanina lang naman," nahihiyang sagot ni Tita Aria
"Ha! Kaya pala hindi ka umuwi kagabi Tito ha," pang-aasar ko
"What? I'm just here, Leigh," sagot niya
"Wala naman akong sinasabing iba Tito, ang dumi ng pag-iisip mo," sabi ko sabay irap sakaniya
"And when did you learn to roll your eyes on me?," seryosong tanong niya at tumayo habang buhat buhat si Ivy na nakangiting nakatingin sa akin
"Tito naman, ano kasi-
"Bad mood yan dahil kay Rehan!,"
Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Gavin at tiningnan siya ng masama.
Nag peace sign naman siya at ngumiti pa habang si Bianca ay pinapagalitan na siya.
"Oh what happened? LQ?,"nang-aasar na tanong ni Tita Aria
Sumimangot lang ako at hinayaang si Gavin na ang mag kwento dahil inuunahan niya naman ako!
"Kaya naman pala bad mood, malay mo naman may problema lang siya Leigh,"sabi ni Tita Aria
"Pwede niya naman ding sabihin sakin, Tita,"naka ngusong sagot ko
"Leigh, he don't want you to worry,"singit ni Bianca
Huminga ako ng malalim at napansin si Gavin na nagpipigil ng tawa.
"Itawa mo na kaya, Gavin,"sabi ko sabay tingin sakaniya
Napatigil naman agad siya and he even cleared his throat!
"Hulog ka na no?," nang-aasar na tanong niya
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tinanong niya at tumingin kay Tito Ivan na seryosong nakatingin sakin. Pahamak 'tong si Gavin!
"H-ha?,"utal na sagot ko
"Hatdog," pilosopong sagot ni Gavin
"So do you like him, Yahaira?," seryosong tanong ni Tito
"Ay sheshh! Wala na, seryoso na yan, first name na ang itinawag sayo Leigh!,"pang aasar ni Gavin
Sarap ding bangasan nitong taong 'to.
"Ano ba yang mga tanong niyo, kumain na lang kaya tayo,"pag iiba ko ng usapan
"Wala, hulog na'to iniiwasan nya na yung tanong na ganon,"rinig kong bulong ni Gavin pero hinayaan ko na lang siya
Hindi naman na sila nagtanong pa at nag desisyon na kumain na lang.
"So ano pala ang gagawin nyo para sa school fair bukas?,"basag ni Tita Aria sa katahimikan
"We're going to sing, Tita,"sagot ni Bianca
"Well, good luck and galingan niyo ha, manonood kami ni Ivy,"naka ngiting sambit ni Tita Aria
"Oo naman Tita, kami pa ba,"lakas loob na sabi ni Gavin.
Ilang minuto din ang itinagal namin bago natapos kumain dahil nag usap-usap pa sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Wala din naman akong sasabihin kaya nanahimik na lang ako.
It's a very tiring day, mabuti na lang at nag aya nang umuwi si Tito Ivan kanina.
Tinanong nya ulit ako kanina kung may gusto ba ako kay Rehan pero I keep on avoiding that question, oo dinedeny ko pero minsan mas maganda na lang i-deny kahit halatang halata na.
Kahit pa sinasabi nila na gusto ako ni Rehan, syempre mas maganda pa rin kung sakaniya manggagaling iyon. Para maiwasan na rin natin ang umasa sa wala.
Mahirap naman kasing umasa sa wala, diba? Lalo na kung hindi mismo yung tao ang nagsabi sayo, madalas nating naiisip na baka gusto tayo nung tao pero ang totoo ganon lang talaga siya sayo kasi naaawa sya? O kaya naman wala lang talaga siyang kausap o kasama kaya ganoon ang pakikitungo niya sayo.
Kaya minsan mas magandang balewalain na lang din, pero dadating sa puntong kakabalewala mo sa mga sinasabi ng iba hindi mo namamalayang totoo pala yung sinabi nila at hindi kasinungalingan. Ngunit sa panahon ngayon, mahirap nang magtiwala dahil akala mo totoo siya sayo yun pala bandang huli ginagamit ka lang niya o di kaya'y niloloko ka lang.
Third Person's View
Ngayon ang school fair ng Vaden College, lahat ng estudyante ay maagang dumating ng paaralan nila dahil lahat ay excited.
Maging sina Leigh, Zoanne, Bianca, Gavin, Rehan ay maagang dumating sa paaralan.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin ni Rehan si Leigh, hanggang kailan kaya hindi papansinin ni Rehan si Leigh? Totoo kaya na ang dahilan ng pag-iwas ni Rehan kay Leigh ay dahil may surpresa siya para sa babae o kaya naman ay may ibang dahilan?
"Gavin, where's Leigh?," Tanong ni Rehan nang makita niya si Gavin
"Andun na sila sa auditorium,"sagot ni Gavin. "Ikaw umayos ka ha, alam mo bang tampong tampo na sayo ang pinsan ko?,"
"I'm sorry Gavin, alam mo naman ang dahilan diba?,"
"Yun nga ba talaga ang dahilan o may iba pang dahilan?,"
"What?," kumunot ang noo ni Rehan sa narinig niya. "Gavin, that's the only reason why I'm not talking to Leigh,"
"Siguraduhin mo lang, Adams," may pagbabanta sa tono ng boses ni Gavin at saka tinapik si Rehan sa balikat bago umalis
Huminga ng malalim si Rehan. Bago sumunod palabas kay Gavin.
"Good morning, Vaden College Students!!!!!,"sigaw ng MC at naghiyawan naman ang mga estudyante. "Are you ready?,"
Puro hiyaw at tili ang maririnig mo imbes na ang sagot nila kung ready na ba sila.
"Nako, Dean hindi sila sumasagot, huwag na kaya nating ituloy?,"pang aasar ng MC at duon lang nagsi sagutan ang mga estudyante. "Ayon naman pala, sasagot naman pala kayo hinintay niyo pa na sabihin kong huwag na lang ituloy,"
Bumati muna ang MC bago ibinaling ang atensiyon kay Dean Buenaventura.
"Good morning, my dear students of Vaden College, today is our school fair so I hope that you'll enjoy this day because there are lots of activities that you can join," Dean Buenaventura greeted the students. "And also please no to bashing if you don't like the person who will perform here on stage, okay?,"
All the students nods. Halos hindi na marinig ang sinasabi ni Dean Buenaventura dahil sa mga hiyawan at tilian ng mga estudyante.
"Vaden College, you can start the school fair now, but first listen to our Student Council President's speech," Dean Buenaventura added.
Tumayo naman si Rehan sa kinauupuan niya nang marinig ang pangalan.
"Good morning, my fellow students, today we are here to enjoy this beautiful and exciting school fair. I would like to remind you to please not hate and bash the girl that I like because I will introduce her later," Mr. Adams said
Some students gasp when they heard what the Student Council President said, all of them are aware that their SCP already have a girl that he likes but his fans may not accept it.
"You may now start this school fair, thank you,"
End of Third Person's View
Jusq ang ingay ng mga kapwa kong estudyante, ni hindi ko narinig yung sinabi ni Rehan kanina.
"Oemji siss!!! Ayan na magpe-perform na ata si Rehan at Gavin!!,"excited na sigaw ni Bianca habang inaalog alog ako
Kaloka naman 'tong babaeng 'to, kailangan talagang alugin ako? Grave ha.
"Bianca, stop that, look at Leigh she's not responding,"rinig kong bulong ni Zoanne
"Oh sorry, na excite lang ako,"impit na tili ni Bianca
Bakit ba sila excited? Dahil sa performance nung dalawa or dun sa part na sasabihin ni Rehan kung sino ang gusto niya?
"Let's welcome these two best friends, Rehan and Gavin!,"announce ng MC
Lalong lumakas ang hiyawan nang nasa stage na yung dalawa. Si Rehan ay naka suot ng light blue na long sleeves at nakatupi iyon hanggang sa siko niya, maypagka dark blue naman ang slacks niya tapos naka brown leather shoes. Naka wrist watch din siya na kulay brown at iyong buhok niya ay naka ayos din.
Habang si Gavin ay naka white long sleeves na nakatupi rin hanggang sa siko niya, tapos naka kulay beige siyang slacks at naka white sneakers. Naka suot din siya ng wrist watch pero kulay black iyon, naka ayos din ang buhok niya.
Mukhang pinaghandaan talaga nila ang school fair, habang ako ay naka kulay beige na long sleeves blouse at black skinny trouser, beige stilleto, at naka wrist watch din ako ng kulay puti. Habang bagsak naman ang mahaba kong buhok.
Si Zoanne naman naka fitted na dress at stilleto rin habang naka wavy naman yung buhok niya. Si Bianca naka simpleng t-shirt at pants lang tapos naka heels din siya, naka high ponytail naman yung buhok niya.
"Good morning, Vaden College Students!!!,"sigaw na pagbati ni Gavin kaya nag hiyawan na naman ang mga tao
"Gavin, akin ka na lang,"
"Gavin, anakan mo'ko!,"
"Gaga! Haliparot ka! As if naman gusto kang anakan niyan,"
"Huwag kang mangialam!,"
Yan lang naman ang mga sigawan ng mga babae dito.
"Omygash! Nag sabunutan na sila!,"tili ni Bianca
"Lakas naman ng appeal ng pinsan mo, Bianca,"pang-aasar ko
"Hoy, hoy! Kayong dalawa jan na nagsasabunutan, tigilan niyo na yan,"rinig kong pag-awat ni Gavin. "Tigilan niyo na yan, may nakabihag na ng puso ko,"
Nang sabihin iyon ni Gavin agad na nagsi tigilan yung nagsasabunutan at inayos ang mga itsura nila.
May ibang sumimangot dahil sa nalaman at ang iba naman ay nagbabanta na kung sino man ang babaeng yon.
"Simulan na natin ang kantahan! Si Adams ang kakanta, back up lang ako,"natatawang sabi ni Gavin
At nakita ko na ngang naka ready na si Rehan at... nakatingin sa akin.