Chapter 16
Matapos ang gabing iyon hindi ko alam kung paano haharapin si Rehan! Nakakahiya! I mean, hindi naman sa nahihiya ako na pinayagan ko siyang manligaw sakin pero... natatakot talaga ako.
Paano kung sugurin ako ng mga babaeng nagkakagusto sakaniya?
Paano kung masaktan ako? Ano ba Leigh, parte yun ng pagmamahal, masasaktan ka talaga.
Paano kung hindi naman pala totoo ang nararamdaman niya para sakin? Paano kung katulad lang siya ni mommy?
Hindi ko hinuhusgahan ang pagmamahal niya sa akin, natakot lang siguro ako dahil nasanay akong hindi totoo ang pagmamahal na naipaparamdam sa akin.
Dahil simula nung bata ako tatlong tao lang ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal.
"Good morning, Leigh,"
"Good morning din po," bati ko kay Tito Ivan. "Tito malapit na birthday ni Rielle, ano kayang regalo ang pwede kong ibigay sakanya?,"
"You know what, she's not materialistic but I think you can give her coloring materials," he answered
"Coloring materials? Tito baka mag architect yan ha, imagine Architect Marquez," nakangiting sabi ko
"Architect Marquez? Hindi ba dapat Architect Mendez?," tanong niya
At bakit Mendez? Hello? Wala ba kayong balak magpakasal ni Tita Aria?
"Ay bakit Tito ayaw mo bang apelyido mo ang gamitin ni Ivy?,"tanong ko
"Gusto naman pero dapat kasal na kami ng Tita Aria mo nun," nakangiting sagot nya
Nako, nagbabalak mag propose 'to, sana hindi pumayag si Tita, charizzz!
"Ay bahala ka nga jan Tito," pang-aasar ko sakanya. "Papasok na po ako!,"
"Bilisan mo kanina pa may sasakyan jan sa labas,"aniya
Ha? Sasakyan? Kabayo Leigh, kabayo. Sinabi na ngang sasakyan e.
Lumabas naman na ako ng bahay at nakita ko nga ang isang sasakyan na nakaparada sa labas ng gate.
Isang puting Mitsubishi Outlander, sana all. Kidding aside, kanino na naman ba kasi 'to?
Lumabas na ako ng gate para malaman kung kanino ba 'tong sasakyan na 'to. Sobrang yaman nya naman kung ganon.
"Good morning, Leigh,"
Wait, boses iyon ng anak ni Dean ah.
Paglingon ko nakita kong nakangiti sa akin ang panganay ni Dean Buenaventura! Shutangina! Baka maissue ako neto. Jusq
"Ah g-good morning po," nahihiyang bati ko
"Oh I forgot, mom wants me to pick you up," aniya. "That's why I'm here, don't worry Rehan knows about it,"
Ah englishero din, jusq ang brain cells ko!
"Ah sige po, ano po palang ganap? Bakit ako pinapasundo ni Dean?,"tanong ko
"I don't know either, but shall we?," sagot nya
Hindi na ako nagtanong pa at umupo na lang ako sa shotgun seat. Habang nagmumuni-muni ako napansin ko ang isang litrato ng baby na nakabitin sa harapan.
Bakit parang kaparehas iyon ng baby picture sa photo album sa bahay?
Hindi ko na lang pinansin ulit dahil baka namalikmata lang ako.
Nakarating na rin kami ng school at buti na lang walang masyadong estudyante sa loob ng campus dahil baka makita nila akong lumabas ng sasakyan ng isang Yaron Lincoln Buenaventura!
"Leigh!," Sigaw ng kung sino
Lumingon naman ako at nakita ko agad si Bianca na naglalakad habang kumakaway ang kamay kaya kumaway na din ako sakaniya.
"Oh sabay kayo ni kuya Col?," tanong niya nang makita nya si Kuya Yaron
"Yap, mom told me to pick her up,"
"Oh that makes sense, anyways we should go now," tumango tango si Bianca. "Thanks for picking her up Kuya Col!,"
"No worries, Yen,"
"Kuya! I told you not to call me Yen," sigaw ni Bianca
"What? It suits you lil' cousin," natatawang sabi ni Kuya Yaron
"What ever!," ani ni Bianca at inirapan ang pinsan nya. "Let's go, Leigh!,"
Habang naglalakad kami ni Bianca nakita naman namin si Zoanne na mukhang masama ang timpla ng mukha.
"Zo, anyare sayo?,"tanong ko nang makalapit kami sakaniya
"Bianca's cousin, I can't understand him!," sigaw niya. "I don't know if he have feelings for me or he's just like that to other girls,"
"Teka, ano bang ginawa ni Gavin?,"tanong ko ulit
"Arghh! Nakakainis kasi, alam mo yung feeling na akala mo may gusto sayo yung tao pero wala naman pala," aniya. "Yung pinaparamdam niyang special kang tao para sakaniya pero sadyang ganon lang pala ang turing niya sa lahat,"
"Yah right, yung pinaparamdam nya sayong may gusto sya sayo pero ang totoo sadyang ganon lang sya magparamdam," dagdag pa ni Bianca. "Men are so complicated, sis,"
Mga broken ba 'tong mga taong 'to?
"I agree,"
Pucha! Kehlani!
"See? Even Nicole agreed to what I said!," ani pa ni Zoanne
"Siguro nga ganoon sila pero paano kung may gusto nga talaga siya sayo? Natatakot lang siyang umamin kaya dinadaan nya sa ganoong paraan?," tanong ko
"I also agree to you Leigh," sabi ni Kehlani. "There are types of guy na nato-torpe, you know? They really want to admit that they have a crush on you or they like you but they just can't, the fact that they're afraid to be rejected by the girl they like,"
"But he should try too, ano ayaw niyang umamin kasi natatakot siyang ma-reject? Rejection is part of our life," singit ni Bianca
"You have a point there, rejection is really a part of our lives. But sometimes it's better to not tell that person that you like them," Kehlani pointed out
"You guys are debating over that topic?," Singit ng kung sino
"Kuya Col! What are you doing here?," Bianca asked
"Excuse me, may I remind you Yen that my mom is the Dean of this school so I can go here whenever I want," he answered
"Arghh fine!," Bianca said with frustration
"About your topic, you're all right. We are afraid of rejection that's why we don't tell the girl we like that we like them, also because minsan may mga bagay na mas magandang hindi na lang sabihin," sabi ni Kuya Yaron. "Aaminin ko, sometimes we give girls mixed signals-
"Buti alam mo Kuya," putol ni Zoanne sa sinasabi ni Kuya Yaron
"Yeah, I know that. May mga lalaking hindi takot umamin at hindi takot sa rejection dahil sanay na sila pero kapag ang lalaki dinadaan nya lang sa paraan na pagtrato nya sayo na akala mo ganon lang din sya sa lahat, matuto ka ring makiramdam na baka pinaparamdam nya na pala sayo na gusto ka niya pero sadyang manhid ka lang," aniya pa niya
Ay sorry naman po, mas maganda na kasing maging manhid kaysa maging assuming.
"Kaysa naman maging assuming kami," singit ko
"Minsan kailangan mo ring maging assuming o kaya naman makinig sa mga sinasabi ng kaibigan niya, duon mo malalaman o mararamdaman na totoo pala na may gusto siya sayo," ani pa ni Kuya Yaron. Ang dami mong alam kuya, puro naman mixed signals binibigay nyo sa aming mga babae, charizz!
"Stop with that topic ladies, you should enjoy your foundation day," aniya pa niya
Tamafication! We should enjoy this day!
"Okay fine, let's go ghorls!," aya ni Bianca
Nagpaalam na muna kami kay kuya Yaron bago pumunta sa auditorium.
Naka upo na kami ngayon sa mga upuan dito sa auditorium, iniintay na lang namin si Dean.
"Good morning, Vaden College Students!,"
Yaszzz!
"So kamusta naman ang araw niyo ngayon?,"tanong ng MC. Madaming sumagot ng maayos lang at marami ding sumagot ng hindi maayos. "Para maibsan naman ang pagka bad mood ng iba tawagin na natin si Dean!,"
Nag hiyawan na ang mga kapwa kong estudyante at hudyat iyon na anjan na si Dean.
"Good morning my beloved students! Today is the second day of our school fair here in Vaden College and for today's school fair I have a very special visitor," bati sa amin ni Dean. "My eldest Yaron Lincoln,"
Pagkasabi ni Dean ng pangalan ni Kuya Yaron ay kasabay ng malalakas na sigawan ng mga babae, ang iba ay may sinisigaw pa.
"Yaron, I like gold but A is silent!"
"Gaga luma na iyang ganiyang banat, malamang alam yan ni Yaron"
"Ano bang pake mo?"
"Ang sinasabi ko lang-
"May sinasabi ka? Wala akong narinig e"
"Edi bingi ka pala kung wala kang narinig, pero kapag pangalan ng anak ni Dean rinig na rinig mong haliparot ka!"
"Ohhhhhhh," sigawan ng mga lalaki
"Mag aaway na yan!," dagdag pa ng iba
"Students! May I remind you that this is a very special day for you all so please no arguing," paalala ni Dean
Narinig ko namang nag sorry iyong dalawang babaeng nagkasagutan kanina.
"Ayan harot pa more," rinig kong bulong ni Kehlani
Tiningnan ko naman siya at agad siyang nag peace sign sa akin.
"Hi everyone! Kuya Yaron here," pagbati ni Kuya Yaron sa akin. "I'm sorry girls, but please do not fight because of me. I know someday there will be a man who will love you the way you wanted to feel love,"
At ayon na nga nag hiyawan na naman ang mga babae.
"Your cousin is very sweet, Bianca," sabi ni Zo
"Oo naman, sweet yan kahit ganoon iyon sa akin. Alam mo simula nung na kidnapped yung kapatid niyang pangalawa nangako yan sa sarili niya na hinding-hindi siya mambabastos ng babae at nung dumating naman si Cal sa buhay namin nangako rin siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang may manakit kay Eleanor," paliwanag ni Bianca
"Akala ko pa naman mag e-essay ka na," natatawang sabi ni Zo
I suddenly miss my kuya Bryle, I hope you're happy there kuya.
"Today you can do whatever you want students, but only here inside our campus," Dean said. "But first let's here our MC's pasabog!,"
Nag hiyawan na naman ang kapwa ko estudyante.
"Thank you, Dean," ani ng MC. "So ngayon may tanong muna ako sa inyong lahat lalo na sa girls,"
"Girls, ano bang mas gusto niyo sa lalaki? Torpe o hindi?,"tanong ng MC. "Ayon! Ms. Anderson halika dito,"
What? Did she just raised her hands?
"For me I'll go sa hindi manhid. Kasi there are guys who's giving mixed signals akala mo ikaw ang gusto yun pala hindi, akala mo special treatment pinapakita niya sayo pero sadyang ganon lang sya sa lahat," sabi ni Zo kaya nag hiyawan ang mga estudyante
"She's really mad at Gavin," natatawang bulong ni Bianca
"Who wouldn't? If your cousin is giving her mixed signals although hindi naman mixed signals iyon it's too obvious naman na he likes Zoanne," singit ni Bianca. "Maybe Zo don't want to get hurt kaya mas iniisip niya na mixed signals iyon kahit hindi,"
Well, both of them have the correct answer. Correct answer? Ano yan Leigh quiz bee? Jusq
"Ayown! Sino ba yan Ms. Zoanne?,"mapang asar na tanong nung MC
Chismoso siya ha.
Sasagot na sana si Zoanne nang biglang magsalita ang MC. "Ayon! Gavin halika! Mukhang ipagtatanggol niya ang mga lalaki ah,"
"Eh paano kung may gusto talaga sayo iyong tao sadyang manhid ka lang?," Tanong ni Gavin kay Zoanne
"I need popcorn!!! It's getting intense," bulong na naman ni Bianca
"Eh what if he doesn't like me naman talaga? Like he's just like that kasi nasanay siyang ganon sa lahat?," Banat ni Zo
"Manhid ka nga o ayaw mo lang masaktan? Ayaw mong masaktan? Tama? Ms. Anderson part yon ng buhay ang masaktan," seryosong sabi ni Gavin. "Hindi iyon pagmamahal kung hindi ka makakaramdam ng sakit dahil hindi lang puro saya at kilig ang mararamdaman mo sa pagmamahal, anjan din ang sakit,"
Ang daming bulungan ng tao.
"Grabe nagbabatuhan ba sila ng lines?"
"I think they're debating over that topic"
"They both have a point tho"
May point naman kasi talaga sila pareho. Manhid si Zo, si Gavin naman pinapakita niyang gusto nya si Zoanne pero kulang pa sa effort.
"You're right, I'm afraid to get hurt because I don't want my parents to feel disappointed about my decisions," sagot ni Zo
Agoi kasakit.
"Bakit hindi ba alam ng magulang mo na parte iyon? I'm sure Tita Valeria knows it, you're just afraid to fall in love because of what you're seeing from other couples,"
"Grabe ang intense nito!," Singit ng MC, ang epal bwisit.
"I know that my mom knows that you'll get hurt when it comes to love, I just don't want to disappoint them,"
At duon na nga nagtapos ang debate nilang dalawa.
"So natunghayan po natin ang debate ng isang Anderson at Corpuz," ani ng MC. "May gusto pa bang sumagot?,"
"Me!!!!," Sigaw ni Kehlani sabay kaway ng kamay.
Parang tanga jusq
"Oh Ms. Llrena, halika na,"
"Hi everyone! So ang masasabi ko lang, they both have a point," panimula niya at halatang gustong makinig ng iba, siguro love expert 'tong babaeng 'to. "Minsan hindi rin maganda ang maging manhid kasi yung sobrang effort na pala nyang ipakita at iparamdam sayo na gusto ka niya pero di mo maramdaman kasi nga manhid ka, hindi rin maganda ang maging torpe dahil mauunahan ka talaga and by the end magsisisi ka tapos sasabihin mong "sana pala umamin na lang ako, edi sana ako yung nagpapasaya at nagpaparamdam ng pagmamahal, hindi iba" see? You'll regret it and you should express your feelings towards that person before it's too late,"
"Ms. Llrena! May I ask, what will you do if someone confessed their feelings towards you?," Sigaw nung isang babae, I think she's in 2nd year
"Hmm if I don't like the guy then I'll reject him in a nice way," nakangiting sagot niya
"What do you mean po by rejecting in a nice way?," The girl asked again
"Simple just tell him this "Hi there! I really appreciate that you like me but I hope you'll not get hurt I mean of course you'll get hurt it's a part of confessing, thank you for admiring me but I can only offer you a friendship and nothing more" tell them that you only see him/her as a friend but in a nice way not in a harsh way, okay love?," Kehlani answered
Hindi ko alam kung tama ba mga sinabi niya pero parang may point naman siya.
"Do you guys have any more questions?," Kehlani asked. "Okay so wala na, then I'll tell my final words,"
Final words, naks namarn.
"Being rejected is okay, don't expect that you'll not going to be rejected because rejection is part of our lives. Know your worth, don't settle for less if you can settle for more. Especially girls please know your worth because we are worthy, if a guy don't see your efforts and worthy then let it go don't waste your tears for a stupid guy," aniya. "Remember what is written in the Bible "Romans 8:38-39 You are loved forever" always remember that, okay?,"
Nakaka touch naman 'tong sinabi nitong babaeng 'to.
"What a wonderful reminder, Ms. Kehlani," ani ng MC. "Tama na sa usaping iyan pwede na kayong mag enjoy!,"
Kasabay nun ang pag sigaw ng mga tao at sunod sunod na pag-alis sa auditorium.
Naiwan naman kami dito sa auditorium, bale ako, si Zo, si Bianca, si Gavin, si Kehlani at Kuya Yaron ang nandito. Hinahanap ko si Rehan pero hindi ko siya makita.
"Where's Rehan?," rinig kong tanong ni Zo
"Teka, wala pa ba siya? Kanina niya pa sinasabing on the way siya," kunot noo na tanong ni Gavin
Eh? Kung kanina pa niya sinabing on the way siya edi sana andito na yon, baka na traffic lang.
"Omy gosh! Guys you will not believe what happened in Colmenar College!," gulat na sabi ni Kehlani. "Look at your IG's guys!,"
Nakakunot noo kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan agad ang IG ko. What the-
"Omy ghad! Did Kaela slapped my cousin?!," galit na tanong ni Zo. "How dare she?,"
"Bakit siya nandoon? What is happening, Gavin?," Seryosong tanong ko
"Hoy wala akong alam jan Leigh," natatarantang sagot niya
"Where is he now?," I asked again
"Anjan na-
"Rehan, we need to talk.," May diing sabi ko
"Good luck pre," rinig kong bulong ni Gavin
Tiningnan ko lang siya at tumahimik na agad. Naguguluhan akong sinusundan ni Rehan, walang alam kung bakit ko siya gustong makausap.
"Do we have a problem, Leigh?," tanong niya
"Meron, bakit ka nasa Colmenar College? And why did Kaela slapped you?," Sunod sunod na tanong ko. "What happened, Rehan?,"
"I went there to see Riana, but then Kaela saw me and slapped me," he explained. "Riana was there to see her friend Amara Chavez,"
"Are you okay?," I asked
"Yeah, I'm fine," aniya. "How about you? Are you alright?,"
I just nodded. Sinenyasan ko na din siyang bumalik na kami duon kina Zoanne.
Nang makabalik kami duon panay ang tingin nung apat sa amin ni Rehan, mukhang inaalam nila kung nag-away ba kami o ano.
Hindi na lang sila nagtanong at nag-aya na lang silang kumain.
Ilang minuto rin ang tinagal namin bago makarating sa kakainan namin.
Walang may alam na pumayag na akong ligawan ako ni Rehan, bahala na silang mangilatis charot!
Sasabihin rin naman namin pero siguro mas maganda kung sa birthday na lang ni Rielle. Speaking of Rielle, wala pa pala akong regalo sakaniya.
"May regalo na ba kayo kay Ivy?," basag ko sa katahimikan namin
Uminom muna ng juice si Bianca bago sumagot. "Wala pa, ikaw ba?,"
"Wala pa, bibili ba kayo ngayon?,"tanong ko
"Yap, we'll buy now after we eat," sagot ni Zo
"Uh Kehlani invited ka ba?," Tanong ni Gavin
"Yes, our family is invited. My parents and Mr. and Mrs. Mendez are friends," aniya
"That's great! Sabay sabay na tayong bumili ng regalo para kay Ivy!," Nakangiting sambit ni Bianca
Tumango na lang kami at tinapos nang kumain para makabili na rin at makauwi agad.
Ang sabi ni Tito Ivan pwede na iyong coloring materials kaya naman pumunta kami ni Rehan sa National Book Store.
"So you're going to give her coloring materials?," Tanong nitong kasama ko nang makita niyang hawak ko ang coloring materials
Hindi ba obvious? Charizz! Malamang!
"Oo, ikaw ano bang ireregalo mo kay Ivy?,"tanong ko
"Maybe I'll buy her some toy at Toy Kingdom," sagot niya habang nakasunod sa akin
Ang yaman talaga nitong taong 'to. Kung ako yan baka sa palengke lang ako bibili e.