Matapos nang training namin ni Candice, maging ang usapan namin kanina ay umalis na kami sa hideout nila. Nang makabalik kami sa campus ay naghiwalay na kami. Uwian na kasi nang makabalik kami, kaya dumiretso na ako sa parking lot. Ngunit nang makita ko ang kotse ni Francess ay naisipan kong hintayin siya. Hanggang sa makita ko na siyang paparating ay nilapitan ko siya.
"Why did you choose Candice to be my trainor," bungad ko sa kanya. Huminto naman siya at Napabuntong-hininga, saka bumaling sa akin.
"Sa tingin mo ba papatulan ko iyang kalokohan mo, na maging trainor mo ako?" napapailing niyany sabi sa akin.
Bahagya akong natawa sa sinabi niya, sabagay tama siya. Isang heir at tagapagmana ng mga Montemayor papatulan ang kalokohan ko?Nakakatawa nga naman iyon.
"Well, your right. But I still want you," mariin kong sabi.
Nangunot naman ang noo niya at bahagyang lumapit sa akin.
"Ms.Fuentes, I don't have time to talk some trash. So, stay away," mariing sabi niya sa akin at akmang bubuksan ang pinto ng kotse niya.
"No," sabi ko at hinarang ang katawan ko sa pinto ng kotse niya kaya napatigil sya.
"What now? Umalis ka nga," muling sabi niya.
"No," pagmamatigas ko sa kanya.
"Alis sabi," mariin niyang sabi.
"I said no," nakataas-kilay kong sabi sa kanya.
Hinawakan niya ako sa balikat at inalis sa may pinto kaya napaatras ako. Ngunit hindi ko hahayaang makaalis agad siya. Umikot ako sa kabila saktong hindi naka-lock kaya pumasok ako na ikinagulat niya.
"What are you doing?" naiinis na niyang sabi.
Napangisi ako.
"Ahm, nakaupo?"
"Ha!" singhal niya.
Napapailing pa siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Pwedi ba, lumabas ka sa kotse ko bago pa ako mapuno saiyo," naaasar niyang sabi.
I smirked. Itinaas ko pa ang mga paa ko na lalong kinainis niya. Sige nga, tingnan natin kung hanggang saan iyang pagiging masungit.
"No. Hangga't hindi ka pumapayag na maging trainor ko, gagawin ko ito araw-araw," nakangisi kong sabi.
Tiningnan niya ako nang masama, habang nakangisi lang ako sa kanya.
Kaya inis niyang pinaandar ang kotse at walang salitang nagdrive na paalis. Mabilis siyang nakalabas ng gate, kahit naroon pa ang mga guard na mukhang alam na kung kanino ang kotseng dumaan. Nakangisi pa rin akong pasulyap-sulyap sa kanya na mukhang inis-inis. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kahit hindi ko sabihin ay talagang ang cute niyang tingnan sa itsura niya ngayon.
"Ang cute mo," biglang sabi ko.
Muntik na akong mapasubsob sa harapan nang biglang magpreno siya. Mabuti na lang nakakapit ako. Inis akong bumaling sa kanya at sinamaan nang tingin.
"What did you say?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
"What?" naiinis kong sabi.
Mariin siyang tumingin sa akin at napaiwas nang tingin sa akin.
"May sinabi ka kanina," sabi niya.
Napataas ang kilay ko at inalala kung ano ang sinabi ko. Hmm, napangiti ako mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
"Oh, na Cute ka? Iyon ang sinabi ko di ba?" mapang asar kong sabi.
Hindi siya halos makatingin sa akin at muling pinaandar ang kotse.
"Yeah, ang cute mo nga pag naiinis hahaha!" sabi ko sabay tawa.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagdrive, kaya nanahimik na lang ako. Hapon na rin at dahil mapuno ang dinaraanan namin kaya mas lalong naging tahimik. Napapasulyap ako sa kanya at alam kong napapansin niya iyon pero hinahayaan niya lang ako.
"Pwedi ba, huwag mo akong tingnan nang ganyan," sabi niya habang nakatingin sa daan.
"Eh sa gusto ko, bakit ba?" nang aasar kong sabi.
Mayamaya ay bigla na naman niyang inihinto ang kotse, kaya muntik na naman akong mapasubsob. Naiinis akong tumingin sa kanya at bahagya siyang hinampas sa braso.
"Pwedi ba! Ayusin mo iyang pag d-drive mo! Tss!" naiinis kong sabi.
Bumaling naman siya sa akin at nakita ko ang seryosong tingin niya.
"Hindi kita pinilit na sumakay, kaya 'wag kang magreklamo," seryoso niyang sabi.
"I know bu--"
"Shut up will you? Look!" saad niya. Napatingin ako sa unahan namin. Maging ako natigilan, nang may dalawang itim na kotse at tatlong motorbike ang nakaabang sa harapan namin.
"W-Whats that? Kasamahan niyo ba?" nagtatakang sabi ko.
"Sa tingin mo ba kasamahan namin iyan? Eh tinututukan tayo nang baril? The heck!" naiinis na rin niyang sabi.
Natigilan ako. Oonga nga naman. Seryoso akong napatingin kung sino ang mga ito. Wala pa akong alam kung sino ang kalaban nila. Kung tauhan ng Organisasyon ni tita Audrey ang mga ito, lalong hindi ko makikilala. Dahil hindi ko pa naman nakikilala kung sino ang mga tauhan niya. Wala din akong alam kung sino pa ang kalaban ng mga Montemayor.
"Who are they?" seryoso kong tanong sa kanya.
"I don't know," agad niyang sagot. Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa mga ito.
Mahigpit niyang hinawakan ang manibela, habang seryosong nakatingin sa harapan namin. Napalunok ako nang bahagya at tumingin sa harapan namin.
"Kumapit ka, kapag sinabi kong yuko, yumuko ka maliwanag?" sabi niya sa akin.
Tumango ako. Hinigpitan ko ang hawak sa gilid, saka ko naramdamang umaatras ang sasakyan.
"Yuko!" sigaw niya.
Agad akong napayuko nang mabilis na niyang pinaatras ang sasakyan. Kasabay no'n ang sunod-sunod na putok ng baril, na tumatama sa kotse kung na saan kami. Niliko niya ang kotse, kaya sa gubat na tungo namin.
"Sino ba ang mga iyon?" tanong ko sa kanya habang mariing nakakapit.
"Hindi ko alam," sagot niya habang naka-fucos sa daan.
"Alam mo ba ang lugar na ito? Eh gubat na ito eh!"
"Pwedi ba manahimik ka na lang.? Huwag kang tanong nang tanon diyan!" naiinis niyang sabi sa akin.
Pinaikot ko na lang ang mata ko at lumingon sa likod. Sumusunod na sa amin ang mga ito, kaya mas pinabilis pa ni Francess ang sasakyan. Tudo kapit naman ako. Niliko niya ang kotse at doon nakita ko ang isang mabatong daan. Hanggang sa makadaan na kami sa isang kalye. Mas binilisan niya ang pagmamaneho. Muli akong napalingon sa likod, nakita kong naroon pa rin ang mga ito.
"Bwisit sino ba ang mga ito," narinig kong sabi niya.
"Baka isa sa mga nakalaban niyong gang," sagot ko sa kanya.
Bahagya niya akong tiningnan, saka muling tinuon ang tingin sa daan.
"Kilala ko ang mga nakalaban naming gang at sa tingin ko taga-labas ang mga iyan. Isa lang naman ang mahigpit naming kalaban na gang at iyon ay ang L.K ng mga Mafia-Assassin," sagot niya sa sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya at bahagya siyang tiningnan.
"A-Assasinsin? M-Mafia?" sambit ko.
"Oo. Sila ang kalaban ng Pamilya ko," seryoso niyang sabi.
Bahagya akong tumingin sa bintana at nag isip. Nais ko pa sanang magtanong pero hindi ko na ginaw. Hinayaan ko na lang na maligaw niya ant mga ito.
Ibig sabihin ba nito, nasa gitna nila ako? Napapikit ako. Kailangan ko ring mag ingat. Baka malaman nila na may koneksyon ako sa kalaban nila. Hindi ko rin kilala ang Mafia-Assassin na kasamahan ni tita Audrey, kaya kailangan ko ring mag ingat. Lalo na sa mga taong makakasalamuha ko ngayon.
"Wala ka bang balak bumaba?" tanong sa akin ni Francess.
Lumingon ako sa kanya.
"Ahm," tugo ko at lumingon ako sa paligid.
Naligaw na namin iyong sumusunod sa amin at mag g-gabi na. Nasa syudad na rin kami at pamilyar na sa akin ang lugar.
"Oh, right! Ihinto mo na lang diyan oh," sabi ko at itinuro ang isang fastfood chain.
"Tsss!" singhal niya.
Inihinto naman niya ang kotse at bago ako bumaba lumingon ako sa kanya.
"Thanks sa ride, next time ulit huh?" nakangiting sabi ko pa sa kanya.
"Tsss, hindi naman kita pinasakay eh. Sige na, bumaba ka na at nang makaalis na ako," masungit niyang sabi sa akin.
"Okay, bye!" sabi ko at bumaba.
Pagkababa ko, umalis na agad siya. Napangisi na lang ako habang nakatingin sa kanya palayo.
'I want to be close too you, Francess.
Para malaman ko ang mga bagay-bagay tungkol sa pamilya mo,' sambit ko sa aking sarili at naglakad na.
Malapit lang dito ang condo na tinutuluyan ko. Sinadya ko lang talagang dito bumaba, para hindi niya malaman kung saan ako nakatira. Pumasok muna ako sa isang fastfood chain at nag take out ng food para sa dinner ko. Habang hinihintay ko ang pagkain ay bahagya akong napasulyap sa labas. May napansin akong isang lalaki na nakatayo at bahagyang napasulyap sa akin. Hindi ko na sana ito papansinin, ngunit bigla siyang ngumiti sa akin. Nagtataka akong tumingin dito. May lumapit na lalaki sa kanya at may ibinulong.
"Miss, nandito na iyong order mo," narinig kong sabi no'ng crew. Kaya bumaling ako sa kanya, kinuha ko ang order ko at ngumiti dito. Muli akong tumingin sa labas, ngunit wala na roon ang lalaking nakita ko. Hanggang sa makalabas ako ay hindi ko na iyon nakita.
Sino kaya iyon?
Inalis ko na lamang iyon sa isip ko at naglakad na papunta sa Condo. Nang nasa harap na ako ng unit ko ay may napansin ako sa ibaba ng pinto. May nakaipit dito na isang tila papel. Kaya naman kinuha ko ito.
"Sulat?" sambit ko.
Napatingin ako sa paligid at wala naman akong naramdamang kakaiba. Muli ko itong tiningnan at tiningnan ang laman ng sulat.
I've been looking for you this past years. I'm happy to know that you're alive. See you soon, my dearest.
Napahigpit ang hawak ko sa sulat matapos ko iyong mabasa. What's this? Who's the person behind this letters? Wala sa sariling napatakbo ako patungo sa balkonahe ng condo. Tumingin agad ako sa ibaba at doon nakita ko ang isang itim na kotse. May pumasok doon na isang lalaki, saka ito umandar paalis. Napapikit ako. Bukod na kay tita Audrey ay may iba pang nakakakilala sa akin? Sino siya? Kakampit ko ba siya o kalaban? Ngunit iyong laman ng sulat ay matagal na niya akong hinahanap. Ibig sabihin lang nito ay may naghahanap pa sa akin, na may isang taong matagal na akong nais na makasama. Ngunit sino siya? Bakit ayaw niyang humarap sa akin?
Hindi ko alam, ngunit tila mas nabuhayan ako. Tama, hihintayin ko na lang kung kailan niya nais magpakilala sa akin. Tulad nang sabi niya sa sulat na iniwan niya. Umaasa ako sa araw na iyon, na makikilala ko siya.