SCARMEY'S POV
Wossh!
Napahinto ako at napapikit, nang biglang may sumaboy na pintura sa mukha ko. Pinunasan ko ang aking mukha, gamit ang panyo na kinuha ko sa bulsa ng aking palda. Nang mapunasan ko na iyon ay napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang mga mukha nila na natatawa sa itsura ko. Napabuntong-hininga ako at muling pinunasan ang mukha ko.
Tsk! I know who did this. But I need to control my self. Naramdaman ko ang isang kakaibang tingin, kaya naman napatingin ako sa kinaroroonan nito. Nagtama ang mga mata namin ni Francess, nasa tabi niya ang mga kasama. Maging sina Candice ay naroon at seryosong nakatingin sa akin. Napansin ko pa si Lendon na akmang lalapit, ngunit pinigilan ito ni Cristofer.
Muli akong tumingin sa paligid at nakita ko ang may gawa nito. Nakita ko ang Bratenilla na nakangisi sa akin. Naririnig ko ang mga tawa nila, ngunit hinayaan ko na lang iyon at umalis. Dumeritso ako sa locker, upang kumuha ng pamalit. Ngunit bago ko pa mabuksan ang locker ko ay may biglang nahulog sa itaas. Isang malamig na tubig ang bumuhos sa akin, kaya napapikit ako sa subrang lamig nito. Tsk! Ganito ba ang tinatawag na 'bully'? Tsss, how childish. Binuksan ko na nang tuluyan ang locker ko at kumuha ng pamalit. Nabasa ang dala kong bag, kaya nilagay ko na lang ito sa loob. Dadalhin ko lang ito mamaya pag uwian na. Nang makuha ko na ang pamalit ko ay pumunta na ako sa C.R. Ngunit napatago ako bigla nang makita ko ang Bratenilla na agad pumasok sa loob. Nasisiguro kong inaabangan nila ako doon. Tsk!
"Come with me.."
Nagulat naman ako, nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nakita ko si Candice na napapailing habang nakatingin sa itsura ko.
"Mabuti na lang at may dala kang pamalit. Unang araw pa lang iyan, kaya asahan mong marami pa silang gagawin saiyo," sabi niya sa akin at bahagyang sumulyap sa tinitingnan ko.
"Halika na," sabi niya sa akin at tumalikod.
Sumunod na lang ako sa kanya. May ilang napapatingin sa gawi ko at naramdaman ko ang mga tawa nila sa akin. Tsss!
"Is this what they called 'bully'? Tss! Childish," sabi ko habang naglalakad kami ni Candice sa kung saan man na hindi ko alam.
"Yeah, it is and you need to be ready for they're next step," sagot niya sa akin.
Napailing na lang ako at bahagyang natawa. Napansin ko namang natawa siya.
Huminto kami ni Candice sa isang pinto at nagtataka akong tumingin sa kanya. Itinuro niya pa ang doorknob, habang nakataas-kilay sa akin.
"Buksan mo at magpalit ka. May shower diyan, pwedi kang maligo. Hihintayin kita dito, basta bilisan mo lang," sabi niya sa akin.
Muli naman akong napatingin sa pinto at muling tumingin sa kanya.
"Kaninong silid iyan? Baka pagalitan pa tayo," sabi ko sa kanya.
Napaikot niya ang mata niya.
"It's the dean's restroom, don't worry you will be safe. Cristofer is the one who offer you this, so go on," sabi niya sa akin.
Napaatras naman ang kilay ko sa sinabi niya. Si Cristofer? Napaka-imposible naman ata iyon. Napatango na lang ako at pumasok sa loob. Napahinto pa ako nang makita ang aking itsura sa malaking salamin na nasa harapan ko. Tsk! Tumuloy ako sa isa pang pinto at pagbukas ko, nakita kong may shower dito. Kaya naman pumasok na ako at hinubad lahat ng damit ko. Mabuti na lang at hindi nabasa ang undergarments ko. Binuksan ko ang shower at sinimulang sabunin ang katawan ko. Mabuti na lang at may shampoo din kaya ginamit ko na rin iyon.
Matapos kong makaligo at makapagbihis ay lumabas na ako sa banyo. Nilabhan ko na rin ang nabasa kong damit at ilalagya ko muna ito sa locker.
Nang makalabas na ako sa silid na iyon ay nakita ko si Candice, na nakasandal sa pader. Umalis siya doon nang makita akong lumabas.
"Hmm, much better?" aniya.
Napatango ako.
"Thank you," tanging sabi ko. Tumango lang siya.
"Let's go, magsisimula na ang klase natin," sabi niya sa akin.
Sumunod na ako sa kanya nang nauna siyang maglakad. Sinamahan niya rin ako patungo sa locker ko, para makaiwas na rin sa nais na mangbully sa akin. Ang sabi niya walang gagalaw sa akin kapag kasama ko siya. Kaya nagtiwala naman ako sa kanya. Mabuti na rin iyon. Habang naglalakad nga kaming dalawa ay nakikita ko kung paano nila ako ismiran. Hindi ko na lang sila binigyang pansin. Hanggang sa makarating na kami sa silid namin. Napatingin naman sa akin ang mga ka-klase namin at napailing.
"Ayos ka na ba, Scarmey?" biglang tanong ni Lendon at talagang lumapit pa siya sa akin.
"Sa tingin mo ba ayos lang siya? Matapos siyang i-bully ng mga babae niyo," mataray na sabi ni Candice.
"Babae?" nagtataka niya pang sabi.
"Oo babae, alam mo naman kung sinong reyna dito na may gusto sainyo eh. Kulang na nga lang pati kami i-bully nila, aw subukan lang nila akong galawin. Pasasabugin ko ang mga ulo nila. Tsk!" sagot naman ni Candice at inirapan si Lendon.
Hindi naman sumagot si Lendon at iniisip kung sino ang tinutukoy ni Candice. Mayamaya ay biglang bumaling si Lendon kay Candice.
"Ibig sabihin sina Selena ang may gawa nito kay Scarmey?" nagugulat na sabi niya.
"Yeah, sino pa ba ang gagawa nang ganitong pambatang galawan. Sila lang naman at ang mga alipores nilang baliw sainyo," sagot ni Candice.
Nag aalalang bumaling sa akin si Lendon. Kaya ngumiti lang ako sa kanya.
"Ano ka ba, ayos lang ako. Sanay na akong may ganito," sabi ko naman sa kanya. Kahit ang totoo ay ngayon ko lang naransang ma-bully. Ikaw ba naman ang gawing isang experimento. Natural hindi ko iyon naranasan. Mabuti na lamang at mabilis akong matoto. Pinag aralan ko ang bagay-bagay na dapat kong pag aralan, bago ako pumunta sa skwelahang ito. Ngayon nga, imbes na wala akong plano sa kanila. Ngunit nagbago na iyon dahil sa nalaman ko mula kay tita Audrey. Kaya naman kailangan kong makuha ang loob nila, lalo na si Francess.
Bahagya pa akong tumingin sa gawi ni Francess at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman siyang napaiwas nang tingin, kaya napangiti na lang.
One of this days, you will trap on me.