Meet the Bratenilla

1341 Words
Nasa school na rin ako at naglalakad papasok sa room. Naalala ko ang sinabi ni Candice. Friday ngayon, kaya walang teacher. Siguro nasa Gangster Place na ang ilan sa studyante dito at nanonood nang laban. Hindi ko pa naman alam kung saan ang gangster place dito. "Hey! Scarmey!" Napahinto ako nang may tumawag sa akin. Nakita kong tumakbo patungo sa akin si Lendon. Kasama niya ang gang mate niya. Pwera sa girls, na hindi nila kasama. "Pupunta ka ba sa gangster place?" tanong ni Lendon sa akin. "Oo sana, kaso hindi ko naman alam kung saan ang gangster place," nakangiti kong sabi sa kanya. Mukhang nanibago siya sa akin dahil bigla siyang natahimik saglit bago magsalita. "Ah-ah sama ka na lang sa amin, doon kami pupunta," anyaya niya sa akin. "Sigurado ka?" sabi ko saka tumingin sa likod niya. "Oo naman, di ba mga pre? Okay lang na sumabay siya sa atin?" sabi niya sa mga ito. Napansin kong tumango lang si Francess saka naunang naglakad. Maging ang mga kasama nila. "Okay lang tara na,"sabi naman ni Cristofer at sumunod kay Francess "Oh tara na!" anyaya ni Lendon sa akin, kaya sumabay na ako sa kanila. Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa likod ni Francess. Isa kang Heir ng mga Amonte at Montemayor. Ano ka kayang klaseng laruan para sa isang laro. I need to be close to you. For my little plan, you will be my pawn to your family. Bahagya akong napahinto, nang maramdaman ang kakaiba sa paligid. Tila ba nakapunta na ako sa lugar na ito. Malapit na kami sa gangster place. May dinaanan kaming tunnel. Mukhang nasa underground ang Gangster place. Kaya lang di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Tila ba pamilyar sa akin, na parang nakarating na ako dito. "What's wrong?" pansin sa akin ni Lendon. Nakita kong nakatingin na pala sila sa akin. Napaiwas ako sa mga tingin nila. "Ah-Ah wala, naninibago lang kasi ako," sabi ko at ngumiti lang sa kanila. "Okay, tara malapit na tayo," aniya. Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi pa rin mawala sa pakiramdaman ko ang lugar na ito, tila ba nakarating na ako. Napabuntong-hininga ako. Siguro nakarating na nga ako dito noon. Nang makalabas kami sa tunnel na dinaanan namin. Isang malaking arena ang bumungad sa amin. Napakadilim nang paligid. Bahagya akong napatingin sa itaas. May mga harang akong nakikita sa itaas, na siyang dahilan kung bakit madilim pero mapapasin din ang sinag nang araw. May nakikita rin ako sa paligid na mga building. Mukhang may mga club din dito dahil na rin sa nakikita kong naglalabas-masok dito. 'Yong iba galing sa arena na papasok. Nakasunod lang ako kina Lendon, habang pinagmamasdan ang paligid. May napapatingin sa gawin namin at bahagyang naniningkit ang mata ng mga babae sa akin dahil kasama ko sina Lendon. "Nga pala nasaan si Candice?" tanong ko sa kanila. "Nasa arena sila," sagot ni Lendon. Napatango ako. Pagpasok namin sa arena. Naririnig ko ang ingay ng mga ito. Mukhang may naglalaban na sa arena. Sumunod lang ako kina Lendon, hanggang sa marating kami sa itaas nang arena. Huminto ako at napatingin sa ibaba. May dalawang grupo na naglalaban. May hawak pa na mga sandata. Hindi na nakakapagtaka sa akin kung bakit mayroon silang sandata. Dahil sa mismong stage nang arena, pwedi kang gumamit nang sandata para pumatay. Sa nakikita ko, mukhang p*****n nga ang magaganap ngayon. "Nako, mukhang subra na ang galit ng grupo nila Macky sa kabila. Mukhang papatay na nga sila ngayon." "Oonga, agawin ba naman ni Drake ang gf niya sinong hindi magagalit" "Eh malandi naman iyang si Selena, kasalanan niya!" "Hindi na nakakapagtaka iyon. Sinong hindi maiinlove kay Selena eh ang sexy no'n." "Sus, Eh may ibang gusto naman si Selena. Alam niyo iyan.." "Nah, asar na asar na nga sa kanya si Lendon. Papatol ba iyon sa kanya?" Naririnig kong usapan sa paligid. Hindi ko na sana sila pakikinggan, nang maagaw ang atensyon ko sa pangalan na binanggit nila. Alam ko kung sino ang tinutukoy nilang Lendon. "Sus, maarti kasi kaya ayaw ni Cristofer." "Sino naman ang hindi magiging maarti, eh kasali siya sa grupo nila Zarrah." "Hai naku! Huwag na nga natin pag usapan iyan, baka may makarinig isumbong pa tayo." Natigil na ang usapan nila. Hindi ko nakikilala ang mga tinutukoy nila. Maybe, tulad nang palabas may Bida at may kontrabida. Mukhang aasahan ko na, na malapit ko nang makakilala ang magiging kontrabida sa pagpasok ko sa school na ito. Hindi na sila pinansin at nanood na lang ako sa laban na nagaganap. "Mabuti at nasabi sa akin ni Lendon na nandito ka," sabi sa akin ni Candice habang may hawak na Alak. Habang nanonood kasi ako kanina sa arena. Pinuntahan ako ni Candice, nang sabihin ni Lendon na kasama nila ako. Akala ko nga si Candice lang pero kasama niya ang kanyang pinsan at isa pang membro nila na babae. Kaya napunta kami dito sa club. Isinama na nila ako dito. "Gusto ko kasing makita ang Gangster place," sabi ko. "Mabuti naman at hindi ka natakot sa istura ng gangster place," sabi ni Marga, na may bahid paring inis sa akin. "Hindi naman," sagot ko. Tumaas lang ang kilay niya at uminom nang hawak niyang alak. "Payo ko lang sayo girl, huwag kang pumasok sa isang gulo. Kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito," sabi naman ni Beatriz sa akin. Napatingin ako sa kanya saka ko tiningnan si Candice na kanina pa pala ako tinitingnan. Ngumiti siya sa akin. Bago muling nagsalin ng alak sa glass niya. "Can I ask something? Who is Selena?" tanong ko. Sabay silang napataas ng kilay sa sinabi ko at bahagyang natawa si Marga habang napailing si Candice. "Ahhh, gusto mo ba silang makilala?" sabi ni Beatriz at tumingin sa may gitna ng bar. Nakita ko ang limang babaeng masayang nag iinuman, habang sumasayaw naman ang dalawa sa table nila na sumasabay sa tugtog ng club. Napataas naman ang kilay ko. Wait I know them. Sila iyong nasalubong ko kahapon o sa madaling salita, humarang sa akin at sinabihan ako na layuan sina Lendon. "Gusto mo silang makilala?" tanong ni Marga. "Well, I'm just curious," sabi ko. "Sila ang Bratenilla gang mahuhusay silang makipaglaban at number 1 bullier sa campus na ito. Wala silang pakialam sa kung sino ang pinapahirapan nila. Basta't mag e-enjoy sila," sabi ni Candice. Bratenilla? Hmm, interesting. "Well, sila lang naman ang mga babaeng may gusto sa boys namin. Sa madaling salita, walang kahit sino ang dapat na mapalapit sa boys namin maliban sa aming tatlo. Kundi pahihirapan nila. So, I'm warning you. Don't be to close, lalo na kay Lendon. Dahil baka matripan ka ni Selena at ng grupo niya," babala sa akin ni Beatriz. "Si Allyana Ramirez, ang leader ng grupo nila. Siya iyong naka-violet na dress, may gusto iyan kay Francess. Si Selena Ariliano naman iyang naka blue, gusto naman niya si Lendon. Si Cheska Luis iyang naka-red, trip naman niyan si Kirk. Si Belle Roa naman iyang naka-black, trip niyan si Tyron. Habang iyang naka-gray, si Sofiah Ramos, trip naman niyan si Cristoffer," pagpapakilala ni Candice sa mga ito. Nakatingin lang ako sa mga ito, habang sinasabi yon ni candice. Iniisa-isa ko ang bawat tingin sa mga ito. Hmm, bagay nga sa kanila ang bratenilla. Uminom ako ng alak saka napangisi. "Mukhang ihahanda ko na ang sarili ko sa kanila. Baka isang araw ako na ang trip nila," nakangising sabi ko. "Mukhang ganoon na nga," sang ayon ni Marga. Patuloy kami sa inuman namin, habang nagmamasid ako sa paligid. Kailangan kung kabisaduhin ang bawat kilos ng mga tao dito lalo na sa lugar na ito. Dahil alam ko sa sarili ko na kalaban ko ang ilan sa kanila. Ngunit kailangan ko ring maging malapit sa dark monarch, para sa panibagong plano ko laban sa kanila. Palihim akong napasulyap kay Candice. 'I'm sorry, Candice.." sambit ko na lang. Ayokong madamay siya dahil sa tingin ko itinuring niya akong kaibigan. Ngunit wala na akong magagawa pa, kundi ang idamay siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD