LEO
NAPAKUNOT ang aking mga kilay nang makita ko ang babaeng nakatayo mula sa aking likuran. Kitang-kita ko ang repleksyon nito sa salaming dingding na sa aking harapan. Mariin itong nakatitig sa akin habang nakatayo sa pintuan. Mula pa lamang kanina nang pagpasok nito sa silid ay nakatingin na ito sa akin na para bang may nais itong kumpermahin base na rin sa nababasa ko sa mga mata nito.
Hindi man ganoon kalinaw ang repleksyon nito, ngunit alam kong sa akin ito nakatingin. At sa puntong iyon ay hindi ko maiwasang mapatanong sa aking isipan at maguluhan dahil sa ikinikilos nito. Kaya't sa huli ay hindi na rin ako nakatiis pa at nagdesisyon na akong tumayo upang lingunin ito at lapitan.
Subalit tila hindi umayon sa akin ang pagkakataon na makita ito ng malinaw at makausap ng malapitan dahil bago pa man ako tuluyang makaharap dito ay agad na rin itong lumabas ng silid. Tinangka ko pang lumabas upang sundan sana ito, ngunit hindi ko na nagawa pa dahil hindi na rin ako tinigilan ng aking mga kaibigan, lalo na ni Rachelle na halos ayaw ng umalis sa tabi ko at tila isang sawa na palaging nakapulot sa aking katawan ang mga kamay. Si Rachelle na isa lamang sa mga babaeng gagawin ang lahat maikama ko lamang.
"Oh, ang lalim no'n, ah!" puna sa akin ni Kent ng marahil ay napansin nito ang malalim kong pag buntong hininga. "Ano'ng problema?" tanong nito, saka ako inalok ng toast.
Marahan akong bumuntong hininga at iniangat ko ang aking baso para makipag-toast dito, pagkatapos ay saka ko iyon ininum. "Nothing important. May bigla lang gumulo sa isip ko."
Ngumisi ito na agad naman ikinakunot ng aking mga kilay. "Is it about to my newbie?" tanong nito na lihim kong ikinagulat. Hindi ko alam kung bakit nito naitanong ang bagay na iyon. Gayunpaman, hindi ako nagpahalata na bahagya akong nagulat sa itinanong nito.
"What are you talking about, and why should I think about your employee?" Pagtanggi ko at muling uminom ng alak upang makaiwas sa tanong nito.
Lihim na lamang akong napailing sa inaasal ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit tila nagiging depensibo ako sa mga oras na ito dahil lamang sa babaeng iyon.
"Cut the crap, Dude." Saka ito muling ngumisi. Kanina pa kita napapansin doon, oh!" Sabay nguso nito sa sa malaking salaming dingding na nasa aming harapan. "Kitang-kita ko ang bawat malagkit mong titig sa kanya. Isa pa, itanggi man ng bibig mo, pero hindi pa rin maitatanggi ng mga mata mo. Basang-basa ko d'yan na parang may iba kang pakay sa kanya."
Malalim akong bumuntong hininga at agad tumayo habang bitbit pa rin sa aking mga kamay ang alak, saka ako lumakad sa salaming dingding at tinanaw ang mga kalsadang nagliliwanag sa mga iba't-ibang klase ng ilaw na nagmumula sa mga poste, sasakyan at mga gusali.
Marahil nga ay ganoon na lamang ako ka-transaparent kanina habang pinagmamasdan ang babeng iyon, kung kaya't hindi nakaligtas sa pansin at pandama ng aking kaibigan ang aking naging kilos. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Kent, ngunit hindi ito nagsalita at tila naghihintay lamang sa aking mga sasabihin.
"Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit parang may nais o may bagay akong gustong malaman sa babaeng 'yon. Na para bang bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba kanina ng makita kong nakatitig s'ya sa akin. At nang mga oras na 'yon para bang may kung anong pinukaw ang babaeng 'yon sa aking sistema. At 'yon ang bagay na gumugulo sa akin. Kahit pa pilit kong balewalain ang babaeng 'yon, hindi ko magawa. Masyado n'ya ng sinasakop ang sistema ko," mahina kong turan, saka akoi marahang umiling.
"Teka, bago 'yan, ah." Sabay ngisi nito. "She seems to have a different effect on you."
Marahan akong umiling. "I don't know kung ano'ng ibig sabihin ng pakiramdam na 'to, pero masasabi kong hindi ko s'ya gus–––"
"Na-love at first sight ka ba? Well, maganda rin naman s'ya at sexy. Pero 'yon nga lang, alam kong hindi s'ya papasa sa standard mo pagdating sa mga babae, dahil alam kong ang mga tulad ni Rachelle na magaling sa kama ang gusto mo." Putol nito sa aking pagsasalita at mabilis akong napalingon dito, hindi dahil sa huli nitong sinabi kundi sa una nitong sinabi na alam kong imposibleng nagkagusto na ako agad sa babaeng iyon sa unang pagkakataon.
Mariin ko itong tinitigan. Agad naman itong napaatras kasabay ng pagtaas ng mga kamay nito habang nasa kanan pa nito ang baso ng wine. "Oppss... easy lang, Dude. I'm just Kidding."
Hindi ko na ito pinansin pa at muli na lamang akong bumalik sa aking pwesto, saka ako sunod-sunod na uminom. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito at hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako kaapektado sa babaeng iyon o kung bakit ganoon na lamang ang dulot nito sa aking presensya, kaya't ngayon ay tila apektado ang aking buong sistema.
Lumipas ang oras na halos hindi ko na rin maintindihan ang aking paligid dahil sa labis na kalasingan. Maging ang aking mga kaibigan ay hindi na rin makatayo at ang iba ay tuluyan na ngang nakatulog sa kanilang kinauupuan.
Mariin kong hinagod ang aking sintido dahil sa pagkahilong nararamdman, pagkatapos ay saka ako tumayo at pinilit kong pumunta sa restroom upang maghilamos. Subalit pagbukas ko ng pinto ng silid ay bigla akong bumangga sa isang babaeng hanggang dibdib ko lamang ang taas.
"Ayyy!" malakas nitong turan na bahagya pang mababakas sa boses nito na tila nasaktan ito habang nakasubsob sa aking dibdib.
Hinawakan ko ito sa tigkabilang balikat upang ilayo sa akin. Ngunit sa halip na itulak ito o ilayo mula sa aking katawan ay sandali akong natigilan nang makita at matitigan ko na ang mukha nito.
Hanggang sa hindi ko maintindihang pakiramdam ay mas lalo pang hinigpitan ang pagkakapit ko sa mga balikat nito at agad ko itong kinabig papalapit sa akin, saka ko isinubsob ang aking mukha sa leeg nito kasabay ng mga kamay kong pumaikot sa manipis nitong baywang nang maamoy ko ang pamilyar na amoy sa katawan nito. Amoy hindi dahil sa gamit nitong shampoo o pabango kundi ang natural nitong amoy na nagmumula sa katawan nito.
"Miss D?" boses ng isa pang babae na hindi ko na pinag-ukulan pa ng pansin, dahil tila hinahatak na ng babaeng nakapaloob sa aking mga bisig ang natitira pang lakas ng aking katawan.
Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng ulo nito na marahil ay lumingon sa pinanggalingan ng boses ng isang babae.
"O-Okay lang ako, Miss A. M-Medyo lasing na siguro s-siya. M-Mauna ka na, i-ihahatid ko lang m-muna s'ya sa loob," mahina at bahagya namang nauutal na turan nito sa babae. At sa puntong iyon ay hindi ko napigilang mapangiti sa kabila ng labis na kalasingan.
Wala naman na akong narinig na tugon mula sa isang babae, hanggang sa mga yabag na lamang ng paa nitong papalayo ang aking narinig, na tila ikinatuwa naman ng aking puso ang pag-alis nito, dahil wari bang inaayunan ako ng pagkakataon na masolo at mabigyan pa ako ng oras para makasama ang babaeng ito na nananatiling nasa mga bisig ko.
"S-Sir, o-okay lang po ba k-kayo?" tanong nito. At sa puntong iyon ay tila mas lalo lamang akong nahumaling dahil sa init ng katawan na idinudulot nito sa aking sistema. Init na ayaw ko ng maalis sa aking katawan. Hindi ako tumugon at nanatili lamang na nakasubsob sa leeg nito. "T-Teka po, sir. M-Mabigat po kayo. B-Baka po m-mabitawan ko kayo. Ihahatid ko na po muna kayo sa loob." Dagdag pa nito, ngunit hindi pa rin ako tumugon, sa halip ay dahan-dahan akong lumayo rito, saka ko ito tiningnan sa mukha at pinilit kong maaninaw ang itsura nito. Ngunit dahil sa pagkahilo at madilim na paligid ay hindi ko lubusang maaninaw ang mukha nito.
"Who are you?" tanong ko sa kabila ng kakaibang damdamin na nararamdaman para dito at sa labis na pagkahilo.
"S-Sir, ihahatid ko na po ka–––"
Agad itong napahinto sa pagsasalita nang bigla kong sinakop ang labi nito at tila sabik na sabik ko itong hinalikan. Labi na para bang isang cotton candy na aking kinaadikang halikan mula pa noon.
Hindi ko maintindihan sa aking sarili kung bakit ko ito ginagawa, ngunit hindi ko rin maitatangging tila ayaw ko nang pakawalan pa ang labi nito at ayaw kong sayangin ang sandaling tila pag-aari ko ito.
Naramdaman kong nagulat ito at agad natigilan, ngunit hindi ko na pinansin pa ang reaksyon nito at nagpatuloy na lamang ako sa pag angkin sa labi nito, hanggang sa hindi nagtagal ay naramdaman kong dahan-dahan na rin itong tumutugon na para namang ikinatuwa ng aking puso.
"Hhhmm," mahina itong ungol sa pagitan ng aming mga labing magkahugpong kasabay ng mariin nitong paghawak sa aking coat.
Sandali akong huminto sa pag angkin sa labi nito at bahagya akong lumayo. "Fvck! I can't stop it. Gusto kitang angkinin. Bakit ba ganito na lang ang epekto mo sa akin," halos pabulong kong turan habang nakapikit ang aking mga mata at magkadikit ang aming mga noo at ilong.
Dama ko ang malakas na pagkabog ng didbib nito at bahagyang panginginig ng katawan, ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at ninais na lamang na muling angkinin ang labi nito na para bang bigla kong kinaaadikan at ayaw ng matapos pa ang sandaling ito.
Subalit bago ko pa man muling maangkin ang labi nito ay bigla na lamang itong bumitaw at agad ng tumakbo papalayo.
"Fvck!" tanging salitang nabigkas ko habang nakasunod ng tingin sa madilin na bahaging tinakbuhan nito.
Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at napasandal sa pader, saka ako dahan-dahang napaupo sa sahig habang nakapikit ang mga mata.
Who are you?
Tanging mga salitang naglaro sa aking isipan kasabay ng kakaibang damdaming sumisibol sa aking dibdib. Damdaming tila minsan ko na ring naramdaman sa aking buhay.