“MAGHANDA ka, Marie. One of these days, aalis na tayo,” seryosong-seryoso ang mukha at boses ni Kairos. Humugot ng malalim na hininga ang babae at saka tumango. “So tuloy pa rin po ang plano kahit wala na ang—“ Agad din naman nitong pinutol ang sasabihin. Bahagyang umigting ang mga panga ni Kairos. “Naumpisahan na natin. Let’s just end this once and for all.” Malungkot ang mukha ng babae na tumango ulit. Alam nitong labis na nasaktan ang amo nito pero pinipilit nitong magpakatatag. Minsan ay nagi-guilty tuloy ito kung bakit pa pinauwi si Maldita dito sa Pilipinas. “Copy po, Sir. Lagi po akong handa anytime.” Tinapik ng binata ang balikat ng babae saka lumabas na ng kusina. Nag-usap sila ni Atty. Nuevas na magkita sa penthouse niya para pag-usapan ang mga ebidensiyang nakalap ni

