NAGKALAT ang mga notebook, photo albums, libro at kung anu-ano pa sa private storage room ni Octavia na nasa third floor ng bahay. Iyon ang nag-iisang silid sa mansion na walang bintana o kahit na ano pa man na puwedeng mapasok ng kahit na sino man na walang pahintulot ang babae. Lagi iyong nakakandado. Ang usap-usapan ng house staff ng mansion ay doon nakatago ang kayamanan ni Octavia. May iba pang nagsasabi na punong-puno iyon ng gold bars. Ang iba naman ay sinasabing may isang malaking sekretong tinatago doon si Octavia. Two months ago, nahanap ni Daxton ang lugar kung saan tinatago ni Octavia ang susi ng private storage nito. Tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon ay pumapasok siya doon para maghanap ng kahit na anong ebidensiyang mag-uugnay kay Octavia sa krimeng ginawa nito il

