“ANG BANGO-BANGO naman ng dalaga namin. Napakaganda pa.”
Naiilang na umupo si Maldita sa tabi ni Octavia sa 22-seater na dining table ng mansion. Tiningnan niya ang nagsalita na matandang lalaki na nakaupo sa tapat niya. Kilala niya ito bilang si Congressman Amorcillo pero ngayon niya lang ito nakita sa personal at sa bahay nila.
Pagdating na pagdating niya galing school, agad siyang pinapanhik ng mommy niya para maligo at magbihis ng magandang damit dahil may bisita raw silang makakasabay sa hapunan.
“Ilang taon ka na nga, iha?” tanong ng congressman.
“Sixteen po. Magse-seventeen in two months.”
“Hmm… Fresh na fresh. Sabi nga nila, sixteen daw ang pinaka-sweet na edad ng isang babae.”
Napalunok siya saka pinilit na ngumiti. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya komportable sa lalaki.
“May boyfriend ka na ba, iha?” patuloy nito sa pag-uusisa na nakangisi.
Sinulyapan ni Maldita ang kanyang ina pero blanko lamang ang ekspresyon ng mukha nito.
“W-wala pa po.”
“Sa ganda mong ‘yan?” Tumatawa nitong tukso. “Ayaw mo lang yatang marinig ng mommy mo, eh.”
Mabilis siyang umiling. “Wala pa po talaga.”
Kahit naman siguro gustuhin niya ay hindi niya magagawa dahil bahay-school lang umiikot ang buhay niya. Hatid-sundo rin siya ng family driver kahit saan magpunta.
“Eh ‘di hindi ka pa nakaranas mahalikan?”
Pinamulahan siya ng mukha.
Tumawa naman ng malakas si Congressman Amorcillo. “Ito naman, binibiro lang kita, iha.”
Binilisan ni Maldita ang pagkain. She felt so awkward. Hindi siya mapakali sa pagsulyap-sulyap ng congressman sa kanya. Dalawang beses din siya nitong kinindatan.
“Napakamahiyain pala nitong dalaga mo, Octavia,” tuwang-tuwang komento nito nang yumuko si Maldita dahil sa pagkindat nito sa kanya.
“Ngayon lang ‘yan.” Tila balewalang kinumpas ni Octavia ang isang kamay at binalik na ulit ang usapan nila sa negosyong gusto nitong itayo sa district na nirerepresenta ni Congressman Amorcillo.
……..
MABILIS ang mga kamay ni Matilda na tumitipa sa keyboard ng kanyang laptop nang makabalik siya sa kuwarto.
Nag-a-update siya ng entry sa kanyang private blog. Nakagawian na niya na tuwing may mga nangyayari sa buhay niya o may mga gusto siyang sabihin ay sa blog niya iyon inilalabas. Para na rin niya itong online diary na walang ibang puwedeng makabasa.
Mayamaya ay nakaramdam siya ng pagkauhaw. Kinuha niya ang malaking tumbler sa gilid ng desk pero wala na pala iyong laman.
Napabuga siya ng hangin saka iritadong tumayo at lumabas para mag-refill ng tubig sa kusina.
Ngunit bigla siyang napatigil sa paglalakad sa malapad na hallway nang matapat siya sa pintuan ng library. Bahagya iyong nakabukas at naririnig niyang nag-uusap ang kanyang ina at si Congressman sa loob.
“Just make sure that she will be mine tonight at ako na ang bahala sa new project mo sa San Sebastian.”
“Gusto mo bang bigyan ko siya ng pangpakalma para hindi ka mahirapan sa kanya?”
Ngumisi ang matandang lalaki. “No, mas gusto ko iyong pumapalag siya. The more she resists, the more I get turned on. Siguraduhin mo lang na hindi makakalabas ang tungkol dito. Hindi puwedeng mabahiran ang reputasyon ko. Your daughter is a minor.”
Nanlaki ang mga mata ni Maldita sa mga narinig. Dahan-dahan siyang napaatras pabalik sa kanyang kuwarto.
Pero nang makarating na siya sa loob at ni-lock ang pintuan, bigla siyang nagsisi. Dapat pala ay dumiretso na siya sa baba at humingi ng tulong!
Palakad-lakad siya sa loob. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Takot na takot siya. Hindi naman siya puwede tumalon sa bintana dahil nasa third floor ang silid na iyon. Siguradong mababalian lamang siya ng buto o baka ikamatay pa niya.
Naiiyak na siya.
Naiisip niya pa lang ang mangyayari ay gusto na niyang masuka. Hindi siya makapaniwala na ibebenta siya ng mommy niya sa politikong iyon para lamang sa proyekto nito.
Noon pa man ay hindi na maganda ang relasyon nila ni Octavia. Noon pa man ay alam na niyang hindi ito mabuting ina.
Pero hindi niya lubos-maisip na kaya nitong gawin ang ganito sa kanya ngayon.
Makalipas ang limang minuto, nakaupo na si Maldita sa kama.
May kumatok sa pintuan.
Alam niyang kahit hindi niya bubuksan iyon ay pupuwersahin lamang nilang buksan ang pinto ng kuwarto niya. Kaya naman tumayo siya at binuksan iyon na parang wala siyang narinig sa pag-uusap ng mga ito.
“Hello, Maldita,” nakangising bati ni Congressman Amorcillo. May kislap sa mga mata nito at puno ang pagnanasang dinilaan ang ibabang labi.
“C-congressman… kayo ho pala.”
“Puwede ba akong pumasok, iha?”
“B-bakit po?”
Nagkibit ito ng balikat. “Wala lang. Gusto ko lang naman makipag-kuwentuhan.”
Napalunok si Maldita at hinayaan itong pumasok.
Pinagala ng matanda ang paningin sa kanyang kuwarto. Kapagkuwan ay umupo ito sa higaan.
“Maupo ka, iha.” Tinapik nito ang espasyo sa kama sa tabi nito.
“A-ayos lang po. Dito na lang po ako sa desk ko.” Sinimulan niyang pumunta roon pero biglang tumalim ang paningin ng lalaki.
“Maupo ka rito, Maldita,” mariin nitong ulit.
Mas lalo siyang kinabahan. Halos tumiklop na ang mga tuhod niya sa takot.
Nang makita niya ang itsura nitong tila sinapian ng demonyong hayok na hayok, napatakbo siya papunta sa pintuan.
Ngunit kahit matanda na, mabilis siya nitong nahabol at nahila sa baywang.
“Saan ka pupunta, ha?” sikmat nito.
Napatili si Maldita.
Niyakap siya nito ng mahigpit mula sa likuran at sinimulang halikan sa gilid ng leeg na parang nauulol na hayop.
“H-huwag po! Parang awa n’yo na!” Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nag-unahan ang mga luha niya sa pisngi. Pinilit niyang makawala sa pagkakayakap nito.
“Ganyan nga, Maldita!” baliw nitong bulong at kinagat-kagat ang kanyang tainga. “Magmakaawa ka.”
Nagpumiglas siya at nang makawala sa pagkakayakap nito, sinipa niya ito sa pagitan ng mga hita. Pero maagap nitong nasalo ang tuhod niya.
Bigla siya nitong kinarga at inupo sa ibabaw ng desk. Muli siya nitong pinaliguan ng halik sa leeg pero sa pagkakataong ito, naabot ni Maldita ang tumbler at buong lakas na pinukpok iyon sa batok ng matanda.
Agad itong nawalan ng malay.
Nanginginig na itinulak ito ni Maldita at mabilis na lumabas ng kuwarto papunta sa maid’s quarter.
“Ma’am Mally?” kunot-noong tiningnan siya ni Marie nang makasalubong niya ito sa may kusina. Kitang-kita nito ang pagkabalisa niya.
“I-itago mo ako!”
“Ha?”
“P-please, itago mo ako, Marie! Parang awa mo na. Tulungan mo ako.”
Nang makita nito ang labis na takot sa kanyang mga mata, hinawakan siya nito sa kamay. “Halika!” Hinila siya nito papunta sa laundry area.
Ilang minuto lamang ang nakalipas, nagkagulo na sa buong mansion. Pinahalughog ni Octavia ang buong bahay ngunit hindi mahanap si Maldita.
Ginising nito ang lahat ng staff at pinatayo sa back area ng mansion kung nasaan ang pool area at ang maliit na golf course at tennis court.
“Ilabas n’yo ang malditang anak ko!” nanlilisik ang mga matang tili ni Octavia sa mga tauhan.
Ngunit nakayuko lamang ang lahat. Walang nangahas na magsalita dahil wala rin namang alam ang mga ito.
Maging si Marie na siyang nagtago kay Maldita ay tahimik lamang na nakayuko.
“Alam kong nandito lang sa loob ng property si Maldita at alam kong may tumulong sa inyong itago siya. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para ilabas ang demonyitang ‘yon!”
Katahimikan.
“Ayaw n’yong umamin?” Naningkit ang mga mata ni Octavia. “Oras na malaman ko kung sino sa inyo ang nagtago sa kanya, ako mismo ang magtatanggal ng lahat ng kuko sa mga daliri n’yo sa kamay at paa! Kaya’t ilabas n’yo na siya hangga’t may pasensya pa ako sa inyo. Dahil kung hindi, pasensyahan na lang talaga tayo!”
Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni Maldita habang naririnig ang mga sigaw ng mommy niya sa labas. Buong akala niya ay ipagkakanulo na siya ni Marie pero hanggang sa nag-umaga na lang ay hindi ito umamin. Hindi ito nagsumbong kung saan siya nakatago.
Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat niya rito at buong buhay niya iyong tatanawing utang na loob.
Kinaumagahan, pinakuha niya kay Marie ang cellphone niyang nakatago sa sulok ng kanyang kuwarto. Andoon ang buong recording kung paano siya sinubukang puwersahin ni Congressman Amorcillo.
Iyon lamang ang tanging paraan na naisip niya bago ito kumatok sa kanyang kuwarto nang gabing iyon. Kailangan niya ng ebidensiya laban dito. At ginamit niya iyon upang masiguro ang kanyang siguridad.
“I gave a copy of this recording to a friend. Kaya kung ano man ang mangyari sa akin, sisiguraduhin ng kaibigan kong mailalabas ito sa publiko at malalaman ang baho ninyo ng amoy-lupang congressman na ‘yon.” Malamig ang mga mata ni Maldita nang sabihin iyon sa mommy niya.
Tumawa si Octavia pero walang tuwa sa mga mata nito. “You’re a b***h, Maldita.”
“Kanino pa ba ako magmamana?” Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Tuluyan nang naglaho ang katiting na natitirang pagmamahal niya rito. “Just make sure na hindi mo na ulit ako susubukang ibenta, Octavia. Kung hindi, sisiguraduhin kong maghihimas kayo ng rehas.”
Iyon ang unang pagkakataon na tinawag niya ito sa first name nito. Para sa kanya, hindi nito deserve ang tawaging ina o mommy.
Pagkatapos ay pinuntahan niya rin si Congressman Amorcillo sa hospital at buong tapang na pinakita rito ang recording.
And she blackmailed him.
Humingi siya ng limang milyon, kapalit ng pananahimik niya.
But even with that money, hindi siya umalis sa poder ni Octavia. She was bidding her time. It was not until her eighteenth birthday nang tuluyan niyang iwan ang kanyang ina at lumabas ng bansa. Finally, she was at a legal age where she could take full control of her life.
……….
DAHAN-DAHANG idinilat ni Maldita ang mga mata kinaumagahan matapos ang party ng Luxe Legacy Modeling. Masakit ang ulo niya dala ng hangover.
Nasa suite room pa rin siya ni Dax, pero hindi na bumalik pa ang lalaki kagabi hanggang sa nakatulog na lamang siya.
Napabuntong-hininga siya nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi.
Sinubukan ulit siya ibenta ng mommy niya. This time, kay Mr. Go naman. Malakas na ulit ang loob nito dahil namatay na five months ago si Congressman Amorcillo. Marahil hindi na natatakot si Octavia na idawit ng congressman ang kanyang pangalan oras na ilabas ni Maldita ang video.
Pero ang nakakatawa, for the first time in three years, hindi na nagising si Maldita dahil sa mga bangungot ng nakaraan. Hindi na siya nanaginip tungkol kay congressman. Hindi na siya nanaginip na pinupuwersang angkinin nito.
For the first time simula nang mangyari iyon, she had a real deep sleep.
Natabunan ba ang lahat ng takot niya ng mga halik at haplos ni Dax? Dahil sa unang pagkakataon, hindi siya natakot hawakan at halikan ng isang lalaki sa ganoong paraan.
This time, siya ang may kagustuhan ng lahat. Hindi siya pinilit. Hindi tinakot.
Bumangon si Maldita at malakas na sumigaw sa kawalan.
“f**k you, Octavia! This time I will have full control kung kanino ko isusuko ang virginity ko. And guess what? Isusuko ko ito sa mismong taong pakakasalanan mo!”