CHAPTER 11

2102 Words

“AYOKO na, Krey. Muntik na ako atakehin sa puso noong isang araw nang muntik na tayo mahuli nila Ma’am Elfa. Tigilan mo na ang pagtatangkang makita ang mga estudyante mula sa katabi nating school,” sermon ni Janine sa kaniyang kaibigan. Tapos na ang klase nila sa araw na iyon at inaaya na naman siya nito na magpunta sa Mcdonalds. Naglalakad na sila patungo sa school gate. “Pero hindi tayo nahuli. Kasi iniligtas tayo ni Draco,” kinikilig na bulalas ni Krey. Naningkit ang mga mata ni Janine dahil tama ang kaibigan niya. Kung hindi sumulpot ang dalawang lalaking estudyante nang araw na iyon at himbis na tulungan sila ay isinumbong sila sa mga guro nila ay malamang nakatanggap na sila ng disciplinary punishment. Pero hindi ibig sabihin niyon ay gusto niyang makita uli ang mga lalaking iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD