Chapter 1

2104 Words
“Ma'am Glenda, heto na po si Alona. Siya po ang sinasabi kong ipapasok kong kasambahay na kapalit ko po,” pakilala ng isang may edad ng babae sa batang babae na kasama niya sa tinawag nitong Ma'am Glenda na nakahiga sa malapad at malambot nitong kama. Bahagya namang gumalaw si Ma'am Glenda sa kanyang pagkakahiga at binistahan ang ipinapakilalang bago at batang katulong ng kanyang matagal ng kasambahay na si Manang Son. May edad na kasi talaga si Manang Son at kailangan ng magretired sapagkat hindi niya na gagampanan ang mga dapat niyang gawin sa loob at sa labas ng malaking bahay ni Ma'am Glenda. “Marunong ba naman magluto at gumamit ng gas stove yan, Manang Son? Baka naman sunugin niya ang malaki at mamahalin kong bahay? Mukhang sa itsura niyang kasama mo ay para bang ngayon lang siya nakababa kung saang bundok yan nanggaling?” tanong ni Ma'am Glenda na may halong pang-iinsulto sa bagong kasambahay na nais ipasok ni Manang Son. “Ma'am, marunong po ako. Hindi po ito ang una kong beses na namasukan po bilang kasambahay,” Magalan na sagot ni Alona sa tanong ng kanyang bagong magiging amo. “Nakakasiguro ka ba, neneng? Ano ba naman kasi ang kasuotan mong yan? Mas malala ka pa sa mga badjao na nanghihingi ng limos sa kung saan-saang parte ng bansa? Hindi ba uso sa inyo ang makabagong kasuotan at sa ninuno mo pa yata galing ang mga damit mo? Baka may dala ka pang kung anong mikrobyo at magkalat ka pa sa pamamahay ko?” tanong pa ng matapobreng amo. Ang damit na suot ni Alona ay bagamat malinis naman ay sobrang wala na sa uso. Ang kanyang blusa ay may maluwag at mahabang manggas habang ang kanyang suot na palda ay halos sumayad na sa sahig. Kupas na rin ang mga kulay kaya naman lumang-luma na talaga na mas maganda pang tingnan ang malinis na basahan. “Sorry po, Ma'am. Ang totoo po ay nauuwi lang po sa pagtulong sa pamilya ko ang lahat po ng sinasahod ko kaya hindi po ako nakakabili ng bagong damit at nagtitiyaga na lang po sa mga lumq kong damit. Huwag po kayong mag-alala at malinis naman po lahat ng mga damit ko.” Ang katwiran ng dalaga na yukong-yuko na sa sobrang hiya na nararamdaman sa harapan na pamamahiya sa kanya ng bagong amo dahil lamang sa kanyang lumang pananamit. Sinuri pa ni Ma'am Glenda ang kanyang kabuuan na para bang kakaiba talaga siya kumpara sa iba. “Hmp! Wala na rin naman akong pagpilian pa lalo at si Aling Son naman ang nagrekomenda sayo. Tiwala ako kay Aling Son at mas maganda na nga sigurong ganyan ang itsura mo. May uniform ka naman na isusuot. Ibigay mo na lang sa kanya ang mga lumang uniform na mga naiwan ng mga tumakas na katulong, Manang Son.” Padaskol pa na sambit ng masungit na among babae. “Manang Son, siguraduhin mo munang maituturo mo ng mabuti kay Alona ang mga dapat niyang gawin sa bahay na ito bago ka umalis dahil kapag nagsunod-sunod ang kapalpakan niya ay ipapatawag kitang muli. Hindi ka aalis hanggat wala akong nagugustuhan na katulong na papalit sayo. Maliwanag sana yan.” Masungit pa na bilin ni Ma’am Glenda na akala mo ba ay kumausap lang sa kaedad niya. Tumango si Manang Son. “Opo, Ma'am Glenda.” Sagot ng matanda. “Lumabas na nga kayo at naalibadbaran talaga ko sa damit mo, Alona. Sana lang ay kayanin ng utak mo ang pag-aaral kung paano gamitin ang lahat ng mga appliances sa pamamahay ko dahil kapag may nasira ay ikakaltas ko sa sahod mo.” Ngumiti si Alona at nagtaas na tingin sa bago niyang amo. “Ibig po bang sabihin ay tanggap na po ako, Ma'am?” ang hindi niya makapaniwalang tanong. “Hindi lang pala damit mo ang wala na sa sibilisasyon, ano? Pati rin pala ang utak mo. Palibhasa at kamote at saging lang ang kinakain niyo sa bundok kaya naiintindihan ko ang pagiging slow mong mag-isip. Lumabas na nga kayo bago pa magbago ang isip ko!” bulyaw pa ni Ma'am Glenda. “Salamat po, ulit, Ma'am,” pasasalamat pa ni Alona sa kabila ng magaspang na pag-uugali na ipinakita kanyang among babae sa una nilang pagkikita. “Syu! Syu!” animo'y nagtaboy ng nakakadiring insekto ang matapobreng amo sabay pilantik pa ng kanyang mga daliri habang bumalik na siya sa kanyang pagkakahiga. Nagmamadali na rin namang lumabas ng silid si Manang Son hila-hila pa si Alona na sobrang namamangha sa kanyang bagong bahay na papasukan bilang kasambahay. “Ikaw na ang bahalang umintindi kay Ma'am Glenda, Alona. Mayroon kasi siyang sakit kaya ganyan ang kanyang ugali,” wika ni Manang Son sa dalagang kanyang ng tinuturuan na gamitin ang mga appliances na madalas gamitin sa loob ng bahay. “Huwag po kayong mag-alala, Manang Son. Mahaba po ang aking pisi. At naririto po ako para magtrabaho. Malaki nga po ang sahod dito kaya kahit sungitan pa po ako ng sungitan ni Ma'am Glenda ay ayos lang po,” positibong sagot pa ni Alona na tinatandaan ang lahat ng itinuturo sa kanya. “Mas maganda kong ganun, Alona. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon na malaki ang sahod kaya tama ang pasya mo na magtiyaga sa halip na dibdibin ang kasungitan ni Ma'am Glenda.” “Si Ma'am Glenda lang po ba ang amo ko, Manang?” Umiling ang matandang babae at saka na pinatay ang kalan dahil luto na ang ulam na niluto nito. “May dalawa ka pang amo, Alona. Ang asawa ni Ma'am Glenda na sir Dondon at ang tatay ni Ma'am Glenda na si Sir Greg.” “Bale tatlo po pala tatlo silang mga amo ko,” ani ni Alona habang pinupunsan ng malinis na basahan ang lamesa sa kusina. “Ang maganda rin sa bahay na ito ay wala kang bata na aalagaan dahil wala namang anak sina Ma'am Glenda at Sir Dondon.” Tatango-tango pa si Alona habang naglilinis ng mga kasangkapan. “Basta at tandaan mo na lang ang lahat ng mga bilin at itinuturo ko, Alona. Mukhang masipag ka naman at alisto kumilos kaya kayang-kaya mo ang mga trabaho sa bahay na ito. Heto rin ang listahan ng mga ulam na madalas niluluto sa bahay na ito. Nakalista na ang mga sankap at kung paano lutuin kaya hindi ka na mahihirapan pa kung paano mo lulutuin.” Malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alona ng kunin ang malaking notebook na inabot ni Manang Son. “Salamat po, Manang. Aminado po ako na hindi po talaga ako masyadong magaling at masarap magluto. Ngunit pag-aaralan ko po talaga ito at pagbubutihan ko po ang pagluluto!” Wari bang nabigyan na isang magandang libro si Alona na naglalaman ng mga kwentong pag-ibig samantalang isang ordinaryog kwaderno lamang ang ibinigay ni Manang Son sa kanya. “Pagbutihan mo na lang trabaho, Alona. Madalang lang nakakalabas ng kwarto niya si Ma'am Glenda dahil nga sa kanyang kalagayan ngunit para mas maganda na lagi kang alisto para hindi ka matanggap ng kung anu-anong masasakit na salita buhat sa amo natin.” Sunod-sunod na tumango ang dalaga at hindi talaga nag-aalala na mapagalitan siya ng masungit niyang amo. “Pagbubutihan ko po talaga, Manang. Balak ko po talagang mag-ipon para makapagpatayo man lang po ng disenteng bahay ang pamilya ko.” “Disenteng bahay? Bakit anong klaseng bahay ba ang meron kayo?” May lalaking nagtanong at dumiretso sa malaking refrigerator at kumuha ng pitsel na may lamang malamug na tubig at nagsalin sa baso. “Good morning, Sir Dondon,” pagbati ni Manang Son. “Good morning po, Sir,” paggaya na ni Alona sa ginawang pagbati ni Manang Son sa bagong dating na lalaki. “Siya ba ang kasambahay na papalit sayo, Manang?” tanong ni Sir Dondon kay Manang Son. Tumango ang matandang babae. “Yes, sir. Siya si Alona. Naipakilala ko na rin siya kay Ma'am Glenda kanina,” saad pa ng matandang babae. Habang umiinom ng malamig na tubig sa baso ay nakatingin si Sir Dondon kay Alona. Marahil ay gaya ng kanyang asawa ay nagtataka siya sa pananamit ng kanilang bagong kasambahay. “Welcome, Alona. Pagbutihan mo ang trabaho mo at wala tayong magiging problema. At para na rin makaipon ko ng sapat na pera pampagawa ng disenteng bahay na sinasabi mo,” ani ng bagong among lalaki ni Alona. “Salamat po, sir,” buong pusong pasasalamat ni Alona na nilangkapan niya pa ng matamis na ngiti. “Mukhang ang bata mo pa? Ilang taon ka na ba? Baka makasuhan pa kami dahil may kasambahay kaming menor de edad.” Nangiti na lang si Alona. “Nineteen na po ako, sir. Hindi na po ko medor de edad.” “Good,” sabay ngiti rin naman ni Sir Dondon at saka pa tinapik-tapik ang kanangb balikat ng bagong dalagang kasambahay. “Mukhang mabait naman po pala si Sir Dondon, Manang,” aniya ng makaalis ang kanyang among lalaki. “Mabait naman talaga si sir Dondon. Ang may pagkasungit lang talaga ay si Ma'am Glenda at ang tatay niyang si Sir Grey. Kaya kapag nariyan sila s sa paligid ay maging maingat ka naang sayong kilos. Maging masipag ka dahil ang nais nila ay nasusulit ang kahuli-hulihang sentimo na binabayad nila.” Tumango-tango ang inosenteng dalaga at saka mas pinag-igihan pa ang pagpupunas ng lahat ng mga kasangkapan na dapat linisan sa kusina. “Manang, matanong ko lang po pala. Ano ho ba ang sakit ni Ma'am Glenda?” ang pabulong na tanong ni Alona. “Bawal ang tsismosa sa bahay na ito, Alona. Ang anuman na nangyayari at usapan na naririnig mo sa pamamahay na ito ay hindi dapat lumalabas sa labas. Naiintindigan mo ba?” “Manang, wala po akong panahon sa mga ganyan. Nagtanong lang po ako dahil si Ma'am Glenda po ay amo ko na. Iyon lang po talaga, Manang. At saka, wala naman po akong kilala sa lugar na ito kayo paano po akong makikipagmarites?” Bumuntong-hininga ang matandang babae. “Ang totoo ay hindi matukoy ang sakit na dumapo kay Ma'am. Basta na lang sumakit ang tiyan. Kung saan-saan na siyang mamahaling ospital nagpatingin ngunit walang makatukoy ng kanyang karamdaman. Hanggang sa naapektuhan na pati ang kanyang mga hita at binti kaya hindi na siya makalakad pa.” “Nakakalungkot naman po pala ang naging kalagayan ni Ma'am,” ang malungkot na komento ni Alona sa narinig na kwento tungkol sa sakit ng kanyang among babae. “Kaya nga kung magsusungit ay intindihin mo na lang. Lahat ng may taong karamdaman ay mainit ang ulo. Siya pa kaya na hindi matukoy ang sakit pagkatapos ay naapektuhan pa ang kanyang paglalakad.” “Lalo ko po siyang mas iintindihan, Manang. Ako po ay normal at walang sakit kaya makakaasa po kayong lalo po akong magiging mabait. Kailangan ko po ng trabaho kaya magtitiis po ako rito.” Ang determinado pang wika ni Alona. “Son, bigyan mo nga akong tubig. Dalian mo at nauuhaw na ako,” utos ng isang matandang lalaki na kakapasok lang sa kusina. Kulay puti na ang kulay ng mga buhok nito ngunit matikas pa rin ang pangangatawa. Base sa suot nitong rubber shoes at suot na damit ay mukhang galing ito sa pagpapawis ng katawan. Si Alona ang siyang mabilis na kumilos para kumuha ng malamig na tubig para sa matandang lalaki na nag-utos kay Manang Son. “Heto po, Sir,” sabay abot ni Alona ng baso na may lamang tubig. Inabot naman ng matandang lalaki at saka madaling ininom at inubos. “Who are you?” tanong ng matandang lalaki sa inosenteng batang kasambahay. “Sir, My name is Alona. New maid.” Ang mali-mali pang pagbaybay salitang english ni Alona. “Sir Greg, siya po ang kasambahay na papalit na po sa akin,” pagsingit na ni Manang Son. Mula ulo hanggang paa ay pinagmasdan ng matandang lalaki si Alona. Balik-balik niya itong binibistahan na parang may kakaiba sa dalaga. “Ganyan lamang siya manamit, sir. Maaasahan po ang dalagang ito sa mga gawaing bahay,” singit ulit ni Manang Son. “Maaasahan, ha? Tingnan natin kung maasahan nga,” tatango-tango pang sabi ng matandang lalaki at saka na lumabas ng kusina. “May pagka-arogante at istrikto talaga si Sir Greg. Kaya mag-iingat ka kapag nasa paligid siya. Lahat ng mali mo ay siyang kanyang pupunahin. Mang-iingat ka sa kanya, Alona.” Waring kinabahan ang inosenteng dalaga sa pagkakasabi ni Manang Chona na mag-iingat siya sa tatay ng kanyang among babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD