Halos hindi ka makalakad si Dondon ng dahil sa ginawa sa kanya. Hindi siya pinatamaan sa mukha kaya kahit isang gasgas o sugat ay wala pero ang buong katawan niya ay patang-pata sa sobrang sakit. Ang tiyan, dibdib at bandang likuran niya ay sobrang sakit talaga pero kahit ganoon ang nangyari ay kailangan niyang magtrabaho dahil lalo siyang pag-iinitan ng kanyang biyenan. Nakumpirma niya ng ito ang nagpadukot at nagpabugbog sa kanya ng tawagan siya nito at pagbantaan na sa oras n ulitin niya pa ay hindi lang bugbog ang aabutin niya. “Walang hiya kang matanda ka! May araw ka rin sa akin!” gigil na gigil na sabi ni Dondon na kumikirot ang katawan sa bugbog na inabot sa mga tauhan ni Greg. “Kung inaakala mong matatakot mo ako ay hindi mo ko kayang takutin lalo pa at hawak ko sa leeg ang an

