“Alona, paki sabi sa sir mo kung aalis siya ay umalis na siya. Huwag niya na akong intindihin. Huwag na rin siyang magpaalam,” wika ni Glenda kahit nasa iisang silid lang naman sila ni Dondon. Nasa loob din ng kwarto si Alona dahil inakyat niya ang mga damit na tapos niya na rin na pinlantsa at ilalagay na sa mga cabinet na lalagyan ng damit ng mga amo na hanggang na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nagkakasundo. “Opo, Ma’am,” sagot ni Alona at saka humarap kay Dondon na abala sa pag scroll sa cellphone nito. “Sir, pinasasabi po ni Ma'am Glenda na kung aalis ka ay huwag ka na raw pong magpaaalam,” saad ni Alona sa among lalaki na narinig din naman ang sinabi ng kanyang asawa dahil halos magkatabi naman sila. “Pakisabi rin na aalis na talaga ako at mas dadalang na lang din ang uwi

