“Alona, anong nalalaman mo tungkol sa bagong pasok na driver?” tanong ni Glenda sa dalagang kasambahay na nagdala ng pagkain at gamot sa silid niya. Ang alam niya lang kasi sa kanyang driver ay ang pangalan nito at ang ama niyang si Greg ang nag-hired dito. Ayaw din naman kasing mag-usisa ni Glenda dahil ayaw niyang may kinakausap na ibang tao lalo at lalaki ito gaya ni Nonoy. Si Alona ay isang buwan na rin mahigit sa kanya at babae pa ang katulong. “Wala naman po masyado, Ma'am. Hindi rin naman po kasi nag-uusap ng bagong driver dahil doon lang naman siya sa guard house at ako naman ay dito lang sa loob ng bahay.” Ang sagot ni Alona na nagtataka kung bakit interesado yata sa buhay ni Nonoy na bagong driver ang amo nilang babae na bihira kung magsalita at madalas pa ay pasigaw o kaya a

