“Sa susunod kasi ay huwag na huwag ka ng makikisali sa away ng may away,” bilin ni Glenda sa asawang si Dondon na nahihirapan na magsuot ng damit dahil sa sobrang daming bugbog sa katawan na tinamo. Ang kwento kasi ng lalaki sa nagtatakang asawa kung bakit siya nabugbog ay may mga nag-away daw at umawat lang siya ngunit sa huli ay siya ang binugbog ng dalawang nagsasabungan na grupo. Ngunit lingid sa kaalaman ni Dondon ay alam na lahat ng asawa niyang si Glenda ang totoo at narinig mismo sa kanyang bibig. “Aray!” daing pa ni Dondon ng hindi maibaliko ang kanyang braso ng isuot na ang kaliwang manggas ng kanyang damit. “Magpunta ka rito para matulungan kita,” tawag ni Glenda sa asawa na hirap na hirap sa simpleng ginagawa. Lumapit naman si Dondon sa asawa at saka na nga inayos ni Glend

