“Sir, umuwi po pala kayo? Nagkita na ba kayo ni Ma'am Glenda?” untag ni Alona ng makita na ang kanyang among lalaki na umuwi pala galing sa Mindanao. “Alam mo naman na kapag umuuwi ako ay dito ang tuloy ko sayo, hindi ba?” ang sagot ni Dondon. “Sir, ang mabuti pa ay si Ma'am Glenda na muna ang puntahan at asikasuhin mo dahil pinaligpit niya sa akin ang lahat ng mga damit at gamit mo at pinalagay niya kay kuya Nonoy sa bodega. Kaya kung ako sayo ay ang asawa mo muna ang panggigilan mo para huwag ka ng palayasin.” Payo ni Alona sa kanyag amo. “Ginawa sa akin ni Glenda ang bagay na yon?” waring hindi makapaniwalang tanong ni Dondon. Sa ilang taon nilang mag-asawa ay hindi pa siya napalayas ng asawa takot itong iwanan niya. Kaya nakapagtataka na bakit bigla itong nagbago. Simpleng bagay l

