“Hi! Alona,” pagbati ng hardinero na namamasukan sa kung saan naroon si Alona. Dalawang beses lang magpunta si Gardo sa loob ng dalawang linggo para tingnan ang mga halaman sa bakuran ng bahay ni Glenda. Si Glenda ang siyang mahilig sa mga halaman kaya kumuha talaga siya ng hardinero para alagaan sa dilig ang kanyang mga mahal na mahal na halaman. “Hello, Gardo,” sagot naman ng dalagang kasambahay na kasalukuyang nagsasampay ng mga damit sa sampayan sa likod bahay. “Hindi ka ba naiinip sa diyan sa loob? Hindi ba madalas kayo lang ni Ma'am Glenda ang nariyan?” usisa ng hardinero. “Hindi naman ako maiinip dahil nakikita mo naman siguro na hindi ako nawawalan ng mga ginagawa.” Sagot ni Alona kay Gardo na bigla na lang siyang kinausap na dati naman ay hindi. “Oonga. Napakasipag mo nga na

