Nang matapos pagluluto ng ulam para sa tanghalian ay inakyat ni ni Alona ang silid ng kanyang ng mga amo upang tingnan ko gising na ang kanyang among lalaki upang alukin kong nais na nitong magkape. Isang katok lang ang ginawa ni Alona at saka na pinihit ang seradura ng pinto at sinilip ang among lalaki. Nakahiga pa rin si Dondon ngunit mulat na mulat na ang mga mata na sumalubong sa dalagang kasambahay na hindi niya sinagot ng kumatok ito at tinawag siya nito. “Sir, gising ka na pala. Pinasasabi ni Ma'am Glenda na hindi ka na niya hinintay na gumising at kay kuya Nonoy na siya nagpasama sa ospital,” saad ni Alona sa lalaking amo na mukha naman walang pakialam sa kanyang sinasabi tungkol kay sa asawa nito. “Sir, anong gusto mo? Kape, tsaa, tubig o fresh juice?” tanong ni Alona. Mula

