Sa balita na nakarating kay Alona ay ligtas at nakauwi na ng bahay si Oca na nakuhang atakihin sa puso sa gitna ng kanilang pagse-s*x. May sakit naman pala sa puso kaya bawal ma excite masyado. Ang takot nga ni Alona ng makita niyang nahihirapan ang ekpresyon ng mukha ni Oca habang namimilipit na sa sakit nadarama habang nakahawak sa kanyang dibdib. Kung namatay si Oca ay malamang na magkakaroon ng imbestigasyon ang pamilya nito kung bakit nakuha nitong atakihin gayong nasa sugalan lamang ito. At ayaw ni Alona na lumabas ang pangalan niya na may kinalaman kaya inatake na lang ang lalaki. Mahirap na at baka paghinalaan siya na may ginawang iba kaya nakuhang atakihin sa puso si Oca. Madalas ay naghahanap ng masisisi ang mga taong may kaya sa buhay para lang magkaroon sila ng hustisya k

