KANINA ko pa kinakalabit si Maine sa kaniyang balikat. Hindi ko alam, kung bakit ang hilig nitong makiusyuso. Nandito lamang naman kami sa harapan ng pintuan ng bahay nina Angel, mabuti wala ng taong dumadaan dahil pasado alas-dose ng gabi. "Halika na Maine, ihahatid pa kita sa hospital para naman makauwi at makapagpahinga si Papa," pangyayakag ko rito. "Ahy! oo nga pala ano, nakalimutan ko." pabulong pa niyang sabi habang nagmadaling tumayo. Kanina pa kasi ito nakikinig sa nakasaradong pinto, kahit hindi ko idikit sa pintuan ang aking tainga ay dinig na dinig ko ang nangyayari sa loob. Lalaki ako, kaya alam ko. Mabilis ko ng hinawakan ang kamay niya at agad siyang iginiya papasok sa aking kotse. Ilang buwan na rin kaming graduate sa kaniya-kaniya naming kurso. Naghahanap pa lamang

