HINDI ko aakalain na sa gabing iyon, tatawagan ako ni Maine. Maging ang mga sumunod niyang sinabi ay hindi ko inaasahan. "...Magkita tayo Greg, sa dating tagpuan," bigkas ni Maine sa kabilang linya. Hindi ako agad nakaimik sa totoo lang 'di ko ineexpect ang lahat. Muling bumalik sa kasalukuyan ang isip ko ng muli kong marinig ang mabining boses niya. Ang boses niyang hinding-hindi ko paghihinayangang marinig araw-araw noong kami pa. "Hindi ka na sumagot, Greg?" Naiirita nitong sabi. Itinapik-tapik ko sa ibabaw ng lamesa ang ballpen na hawak ko. Kasalukuyan akong nasa libriary room, kung saan may tinatapos pa kong mga mahahalagang papeles para sa nalalapit na emerged ng business namin sa pamilya nina Bridgette. "Ahmmm. . . I'm just confuse Maine, nakakapagtaka or I should say nakakapani

