Celestine POV
Another day, another set of tasks. May meeting kami ngayon sa office para i-finalize ang preparations for our upcoming makeup brand launch. I’m helping the marketing team so they’ll know how to manage things next time. After this? Road trip, beach, shopping, and food trip. Nakakamiss ang Pilipinas—kahit andito pa lang ako saglit, ang dami nang nangyari. I really need some "me time."
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso ako sa parking lot. Plan ko sanang mag-drive papuntang mall, pero naisip ko, kailangan ko muna mag-disguise. Ayoko nang madumog ng mga tao at mawalan ng chance mag-relax. Pero dahil nagmamadali akong lumabas, nakalimutan kong magdala ng cap o kahit scarf man lang. Bahala na!
Pagdating ko sa mall, medyo kampante naman ako na hindi agad ako makikilala. Naglibot ako at napadpad sa isang luxury store. May nakita akong perfect outfit—it’s simple yet chic, parang bagay sa next photoshoot ko.
Habang inaabot ko yung damit, may humawak din sa kabilang side.
"Excuse me, miss, this is mine," sabi nung babae.
Napataas ang kilay ko. "No, I grabbed it first."
She crossed her arms and smirked. "Don’t you know who I am? I could have you thrown out of this store. Besides, mukha ka namang walang pambayad."
Wow. Entitled much? Tumawa ako nang bahagya, saka kinuha ang wallet ko sa bag. Binuksan ko ito, kinuha ang ilang libong cash, at isinampal iyon sa harap niya.
"Pasensya na, pero kaya ko bayaran kahit buong store na ’to," sabi ko, sabay walkout.
"You b***h! Bumalik ka dito!" narinig kong sigaw niya habang naglalakad ako palayo.
Napailing ako. Deserve mo, ate. Ang arte kasi!
Habang nagmamadali akong lumabas ng store, bigla akong nabangga sa isang tao.
"I’m sorry, mister," sabi ko agad, pero nang tingnan ko siya, nanlaki ang mga mata ko.
It’s him.
Si Azrael.
Hindi ko na hinintay na mag-react siya. Tumakbo ako agad palabas. No way! Bakit nandito na naman siya? Ang weird! Lagi na lang. Ano ba ’to? Destined kami magkita or something? Tigil-tigilan mo nga, Celestine.
Azrael POV
Pagkapasok ko ng mall, sinamahan ko si Thalia mag-shopping. Alam mo na, para wala nang drama. Pero habang naglalakad ako, may biglang bumangga sa akin.
"Sorry," sabi ng babae, pero agad din siyang tumakbo palayo.
Nakita ko ang mukha niya kahit saglit lang. It’s her.
"Celestine," bulong ko sa sarili ko.
Tumakbo siya na parang may hinahabol. What’s her problem? And why does she keep running away every time we meet?
Pumasok ako sa store para sundan si Thalia, pero ang unang eksena na bumungad sa akin ay siya, umiiyak.
"Babe, may babae dito sa store na pinahiya ako! Sinampal ako ng pera!" reklamo niya habang pinupunasan ang mga luha.
Sa utak ko, natawa ako. Deserve mo naman kasi. Masyado kang entitled.
"Who’s this girl?" tanong ko, kunwari curious.
"Naka-hoodie siya at naka-sunglasses. Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya, pero—"
Tumigil ako saglit para mag-isip. Hoodie and sunglasses? Oh, it’s her. Celestine.
Habang nagkukuwento pa si Thalia, naglibot ang mata ko sa paligid. Hinahanap ko kung nasa paligid pa siya.
"Babe, nakikinig ka ba sa’kin?" tanong ni Thalia, halatang naiinis.
"Oo, pero anong ginawa mo? Bakit niya sinampal ka ng pera?" tanong ko, trying to suppress a laugh.
"Ano pa nga ba? Sabi ko lang na hindi siya bagay dito sa store at mukhang wala siyang pambayad! Eh ’di siya pa ang galit!"
Classic Thalia, I thought. Pero hindi ko na siya pinansin masyado. I was more focused on Celestine. Bakit siya nandito? At bakit siya palaging nasa mga lugar na pinupuntahan ko?
Lumabas ako ng store, nagbabakasakaling makita siya, pero wala na siya.
Third Person POV
Celestine hurriedly drove home, her heart pounding. Ano ba ’tong nangyayari? Bakit lagi na lang nandiyan si Azrael? Parang gusto akong habulin ng universe!
Meanwhile, Azrael leaned against his car in the parking lot, lost in thought. This girl... she’s intriguing. Bakit parang lahat ng saglit na pagkikita namin, may kakaibang spark?
As Celestine tried to distract herself from the day’s events, Azrael couldn’t shake the image of her from his mind. The fates seemed to be weaving their threads tighter, pulling the two closer together.
Celestine POV
Pagkauwi ko, agad akong bumagsak sa sofa. "Ano ba itong buhay na ’to? Hindi ko maintindihan," sabi ko sa sarili ko.
Manang approached me with a concerned look. "Ija, okay ka lang? Mukhang pagod ka."
Tumango ako. "Okay lang po, Manang. Medyo maraming nangyari ngayong araw."
I decided to distract myself by browsing through my phone. Pero kahit anong scroll ko sa social media, lahat ng makikita ko, either news about Azrael or mga articles tungkol sa aming dalawa noong nasa charity house kami.
"Great. Parang buhay ko na ngayon ang teleserye," bulong ko.
Tumayo ako at dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig. Habang umiinom, naisip ko, Bakit ko ba siya iniwasan kanina? Hindi naman niya ako gagawin ng masama. Pero... ang weird lang talaga ng lahat.
Azrael POV
Pagkarating ko sa condo, I couldn’t shake off the encounter with Celestine. I opened my laptop and searched for her name.
"Celestine Isabelle Devereux," I muttered as I read the articles. She’s everywhere—fashion, charity, even gossip columns.
Scrolling through her social media, I found her recent posts. Damn, she’s stunning. Pero hindi lang looks ang nag-iintriga sa akin. It’s like... there’s more to her.
As I closed my laptop, I leaned back in my chair, staring at the ceiling. What is it about her? Bakit hindi siya mawala sa utak ko?
The night deepened, but neither of them could find peace. Their lives were now intertwined, and whether they liked it or not, the universe had its plans for them