Kabanata 3

2214 Words
Kabanata 3 “How’s the presentation?” tanong ni Jayce sa kanya sa tawag. BUMUNTONG-HININGA siya pagkatapos makarating sa condo. Humiga siya sa kama na tila pagod na pagod bago nakuhang sumagot sa kanya. “The presentation went well. May mga gusto siyang ipaayos at baguhin pero madali lang naman iyon. Kapag na-finalize na at nakita ko na ang lupa, pwede na simulan ang construction.” Kung tutuusin ay gisto niyang magwala ngayon. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili at kalmadong kinausap si Jayce. “Very good, Kenna. Tama lang ang desisyon kong ikaw ang ipadala ko riyan,” natutuwang saad ni Jayce. “Sige na. Magpapahinga na ako,” she said before cutting the call. Pagkapatay ng tawag ay muli siyang napabuntong-hininga at napapikit ng mariin. She usually doesn’t cut the conversation with Jayce. In fact, she’s happy when she’s talking to him. But what happened to her today is unexpected. Para siyang nawalan ng gana na makipag-usap habang sari-saring mga alaala ang bumaha sa kanyang utak. Hindi niya inaasahan na makikita niya roon ang dating asawa. At hindi niya inaasahan na magkukrus ang landas nila sa pamamagitan ng pagtatrabaho niya rito. Hindi niya alam na siya ang mayaman na kliyenteng sinasabi ni Jayce sa kanya. Kung alam niya lang iyon ay hindi siya magdadalawang-isip na tanggihan si Jayce. Pupwede na sabihin sa kanya na hindi pa ito nakaka-move on sa nangyari sa kanila ni Greyson o di kaya’y napaka-unprofessional niya para hindi ito tanggapin dahil lang doon pero wala na siyang pakialam. Dahil hindi na niya gugustuhin na makita pa ang dating asawa sa kahit ano pang dahilan na ibigay sa kanya ngayon. There’s no way that she would want to cross her path again with him. Bakit? Hindi pa ba sapat ang ilang taong pagkrus nila ng landas na nauwi lang naman sa hiwalayan at sakitan? Dahil kung hindi pa, ano pang kailangan niya maranasan para lang tigilan na siya ng tadhana? Kaya lang, nangyari na ang nangyari. The meeting was successful. Dapat siyang matuwa dahil isa na namang project ang na-close niya pero pinipigilan siya ng utak niya na magsaya dahil alam niya na hindi tama iyon. Sino ba naman ang magiging masaya kung makikita mo ang dati mong asawa hindi ba? Pinaglalaruan na naman ata siya ng tadhana at mukhang naeenganyo na naman itong makipaglaro sa kanya dahil sa mga nangyayari ngayon. She can’t help but to be nervous kahit hindi naman dapat. Alam niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Greyson at wala na siyang dapat ikalungkot pa dahil alam niyang may kanya-kanya na silang buhay at sigurado siyang masaya ito ngayon. It must be a relief to him that she’s now gone on his life. Wala na siyang dapat problemahin o taguan ng sikreto na may relasyon sila ni Isabelle. Isabelle is her best friend. They were like sisters until she found out that Isabelle has a relationship with Greyson. Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano sila nagkayakap at naghalikan noong gabing ‘yon sa likod ng bahay nila mismo. It was her birthday when it happened. Hinahanap niya ang kaibigan para yayain ito na uminom hanggang sa bumulaga sa kanya ang eksenang nagpadurog sa kanya, ang sarili niyang asawa at kaibigan na naghahalikan sa madilim na parte sa likod ng bahay. It broke her heart pero kailangan niya magpakatatag. Kinompronta niya si Greyson pero itinanggi niya iyon kaya lalong masakit para sa kanya. Dahil lalo lang nito pinamukha sa kanya na pinoprotektahan niya si Isabelle dahil may relasyon nga sila. Pero ang mas nakapagdurog sa kanya ay ang tuluyan nitong pakikipaghiwalay sa kanya. She thought she could still fix her marriage. She tried to change herself for him. Nagpaganda siya, inayos niya ang sarili niya at ginawa niya ang lahat para mas lalong maging mabuting asawa sa kanya. But then, he still left her. Itinuloy pa rin nito ang pakikipaghiwalay sa kanya. Akala niya kapag ibinigay niya lahat, hindi na siya iiwan nito kasi naging masaya naman sila eh pero hindi. At iyon ang dahilan kung bakit naubos siya. Hindi niya alam kung anong mali sa kanya pero kailangan niya magpakatatag at magkaroon ng panibagong buhay dahil hindi naman pupwedeng ganito na lang siya. Umiling siya at huminga ng malalim para matigil ang utak niya sa kaaalala sa nakaraan. She thought she already deleted those dark memories of her with him because she doesn’t want to remember it anymore. She used to smile when she remembers him but Greyson is not part of her life now. Magkaiba na sila ng mundong tinatahak at wala siyang balak na pumasok pa ulit sa mundong ginagalawan niya. PUMUNTA si Kenna sa Venus noong gabing ‘yon para uminom. She didn’t bother to call her friends dahil alam niyang mag mga trabaho ito. At saka magkikita rin naman sila sa biyernes kaya makakapaghintay pa siya ng ilang araw. Kailangan niya lang ng alak ngayon sa katawan niya para makalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Kaya nang sumapit ang ala-sais ng hapon ay hindi siya nagdalawang-isip na maligo at magbihis. She’s wearing a black sleeveless dress that hugged her curves. She matched her outfit with a ponytail style and a high-wedge sandals that makes her more beautiful and sexier. Kahit na sabihing nakalimutan niya na si Greyson, he still used to be part of her life. Kalahati ng buhay niya ay kilala niya na si Greyson. Lahat ng bagay na ginawa niya mula noong college hanggang sa magpakasal siya at kung nasaan siya ngayon ay naging parte si Greyson. She reached her dream to become a well-known architect because of her failed marriage with him. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi niya mare-realize ang talent niya at hindi niya mararating ang lugar kung nasaan siya ngayon. Aaminin niya na noong nagkahiwalay si Greyson at pumunta siya sa ibang bansa ay hindi niya alam kung paano makakapagsimula. Kumbaga, literal na walang direksyon ang buhay niya noong mga oras na ‘yon. It took a few months before she could hold herself. Sa mga naunang buwan niya roon ay umiiyak siya gabi-gabi. Asking herself kung saan siya nagkulang, kung bakit hindi siya sapat, kung anong nagawa niya bakit sila nauwi sa paghihiwalay, kung bakit nahulog ang loob ng asawa niya sa iba. Hindi rin siya nakakain ng maayos at nagpapasalamat siya sa mga taong nagtyaga sa kanya at binigyan siya ng direksyon para makapagsimula ulit. Hindi lang mga kaibigan niya ang nagpursige pati na rin ang mga taong nakilala niya roon. Marami siyang pinagdaanan. There are times that she wants to give up pero mabuti na lang at nandoon si Jayce para i-comfort siya. That she could do it. No one could do it but her. Kaya naman dahan-dahan niyang inabot ang pangarap niya na kasama si Jayce at ng mga taong sumusuporta sa kanya. From there, she gains back her strength again. Iyong lakas na hindi niya akalaing maibabalik pa sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap at masasakit na alaala na dinanas niya. Luminga-linga si Kenna sa loob ng bar habang sumisimsim ng alak. Tahimik at mag-isa lang siya sa sulok. Men tried to approach her but she didn’t respond. Wala siyang oras na makipaglandian sa mga lalaki ngayon. Ang gusto niya lang ay mawala sa utak niya si Greyson. Hindi niya lubos maisip kung bakit niya pa naiisip ang dating asawa. May kanya-kanya naman na silang buhay na pinapatakbo pero eto at naiisip pa rin niya ang lalaking ‘yon na para bang walang masasakit na bagay na ginawa sa kanya. Siguro nga ay ang pagsasama nila noon ang dahilan kung bakit naiisip pa rin niya ang lalaki kahit wala na silang pakialaman dapat. Kahit naman balik-baliktarin ang mundo ay naging magkaibigan pa rin sila at may puntong minahal nila ang isa’t isa. Nang magkita sila kanina at tanungin siya nito kung kamusta na bai to ay inaamin niyang nagulat siya. Sa ilang taon kasing pananatili niya roon sa ibang bansa ay walang kamustahan na naganap sa kanila. He didn’t even ask their circle of friends about her. Hindi niya rin alam kung sasagot ba siya pero para matapos na ay sinagot niya ito na may kasamang professionalism. “Are you alone?” tanong noong isang lalaki. Kagaya ng kinagawian, hindi niya ito pinansin. Akala niya ay titigil na ito kalaunan pero masyadong pursigido ang lalaki para pansinin niya. It makes her uncomfortable. Kaya pagkatapos niya uminom ng alak ay mabilis siyang naglakad at nagpunta sa gitna ng dance floor para hindi na siya masundan noong lalaki. Mukhang hindi na rin siya nasundan pa dahil sa dami ng tao na nagsasayaw. Nagsayaw siya at nagsaya hanggang sa mapagod. At nang mapagod ay bumalik siya sa dati niyang pwesto at sumimsim ulit siya ng alak. Mabuti na lang at wala na roon ang lalaking sumusunod sa kanya. Pagkatapos makainom ng maraming bote, nakaramdam si Kenna ng matinding pagkahilo kaya lumabas na siya ng bar para umuwi. Kailangan ay umuwi siya ng may isip pa at hindi pa nagpapakuha sa kapangyarihan ng alak dahil wala namang susundo sa kanya. Pumara siya ng taxi pero dinaanan lang siya nito. Hindi siya tumigil sa kakapara ng taxi nang marinig niya ang tawa ng lalaki mula sa likuran niya na may kasama pa. Kahit nahihilo siya ay naalala niya kung sino iyon. Iyon ang lalaking pilit siyang sinusundan kaya nagpakalayo at pumunta siya ng dance floor kanina. It would be a big trouble for her kung makikita siya ng lalaki. Pumara siya sa papalapit na taxi sa direksyon niya. Magiging maayos na sana ang lahat kung hindi lang siya nakita noong lalaki at ng kasama nito. She immediately pulled away from the taxi who is about to stop because of two men surrounding her. Sa takot niya ay napaatras siya. Kumakabog ang puso niya ng malaks at halos mabingi siya. “Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin,” dinig niyang sabi noong lalaki. “Snob pala. Gusto mong mawala ‘yan? Sama ka sa amin.” Parang nawala ang kalasingan niya dahil sa kanilang dalawa. Binato niya ang lalaki ng bag niya at binangga para makatakas. Tumakbo siya ng mabilis dahil alam niyang mahahabol agad siya ng mga ito kaya lang may pagkalampa siya kaya nadapa siya at nahabol ng mga lalaki. Kaagad siyang hinila sa braso ng mga ito at sinampal sa mukha. Halos mapatigil siya sa ginawa ng mga ito dahil wala pang gumagawa no’n sa kanya. Not even him! Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak. She’s totally helpless. Gusto niya sumigaw pero siguradong walang makakarinig sa kanya. At kung sisigaw siya ay baka lalo lang siya mapahamak. Wala siyang nagawa kundi ang magpahila sa mga ito kahit gustong-gusto na niyang tumakas. Iligtas niyo ko! Someone helps me please! Sigaw niya sa isip niya. Nagmistulang narinig ang hiling niya dahil biglang may tumigil na itim na sasakyan sa tapat nila. Bumaba ang lalaki sa loob pero hindi niya inaasahan na siya iyon. Ang nagmistulang hiling ay naging masamang panaginip para sa kanya. Akala niya knight in shining armor ang magliligtas sa kanya pero parang mas lalo pa ata siyang mapapahamak. “What do you think you are doing with her?” malamig na sabi nito. Nakita niya itong tumingin sa kanya kaya dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. Siya ang may dahilan kung bakit ako nandito pero siya rin pala ang liligtas sa akin. Hay nako. Ano ba ‘to? “Sino ka ba? Bak— “Hindi na natapos ang sasabihin noong lalaking kanina pa humihila sa kanya dahil isang suntok ang natanggap nito mula rito. She can’t help but to be awed on what he did. Sinubukan itong suntukin noong isang lalaki pero isang malakas na sipa naman ang natanggap nito mula sa kanya. Pareho na silang nasa sahig. When did he learned basic martial arts? Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. May narinig siyang ‘nasa likod kami ng bar’ at pagkatapos ay binaba na nito ang tawag. Nahuli ni Kenna na nakatingin ito sa kanya kaya umiwas na naman siya ng tingin. Nagulat si Kenna nang higitin siya ni Greyson at papuntahin sa likuran nito. Maya-maya pa ay may mga lalaking dumating at kinuha ang mga lalaking muntik ng magpahamak sa kanya. “Dadalhin na namin sila sir sa police station.” “Okay.” Humarap si Greyson kay Kenna na ikinagulat ng dalaga. Umatras siya dahil pakiramdam niya ay mawawalan siya ng kakayahan para huminga. Umayos ka nga Kenna! “Are you okay?” tanong niya rito. Napatitig na naman si Kenna sa kanya pero kaagad niya itong pinutol ang tingin at saka malamig na sumagot sa binata. “I am fine.” “I am taking you home.” “I can go home alone,” malamig na saad niya rito. Muli siyang pumara ng taxi. May titigil na sanang taxi nang higitin siya ni Greyson at ipasok sa loob ng sasakyan. “What are you doing? I said I can go home alone! Anong tingin mo sa akin bata?” asik niya rito. “Pababain mo ako! Kundi tatawag ako ng police!” banta niya rito ngunit parang wala itong narinig bagkus ay nilock pa nito ang pinto ng sasakyan. “I am taking you home, Kenna. No buts.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD