Gaya ng napagusapan at napagkasunduan namin ni Mira, kinabukasan ay nag tungo kami sa lugar kung nasaan si Avila, mahaba habang paglalakabay ang aming tatahakin kaya naman bago pa sumikat ang araw ay umalis na kami ni Mira.
Ang lugar kung nasaan si Avila ay nasa labas ng bayan ng winsoul, kaya naman pagkasikat palang ng araw ay nakalabas na kami sa bayan ng winsoul. Tahimik at walang nag sasalita sa amin habang kami ay naglalakbay patungo sa lugar ni Avila kung saan kasama niya roon ang kanyang asawa na dating anghel.
Sumapit ang dilim at sakto sa pag lubog ng araw ang siyang pagtapak namin sa harapan ng bahay nila Avila. Tumitig ako kay Mira na nararamdaman kong ginagapangan ng kaba.
"Handa ka na?" Tanong ko, tumango si Mira bilang pagsagot, kumatok ako sa kahoy nitong pinto. Gaya ng unang punta ko rito ay kakaiba parin ang atmospera na meron sa lugar na ito, kapansin pansin parin ang patay na paligid sa bahay na ito.
Sabay kaming napaangat ng tingin ni Mira ng mag bukas ang pinto, iniluwa noon ang asawa ni Avila na dati ay isang anghel.
"Ksara..."Banggit nito sa aking ngalan, tumingin ito sa katabi ko kaya naman ngumiti ako.
"Sya si Mira, ang tunay na kapatid ni Avila."Pakilala ko, hindi nagsalita si Castiel, sa pagkakatanda ko ay iyon ang kanyang pangalan.
"Nasaan ang kapatid ko?" Tanong ni Mira kay Castiel, tumingin sa akin si Castiel, isang tingin na sobraang lungkot.
"Naparito kami para makita si Avila, nasaan si Avila?" Tanong ko, nagulat na lamang ako ng biglang tumulo ang luha ni Castiel at napaupo sa harap namin ni Mira habang naka hawak sa pinto.
"W-wala na siya.." Umiiyak na sabi ni Castiel kaya natigilan ako at nanigas. Hindi maproseso ng aking utak ang sinabi ni Castiel.
"A-ano?" Nanghihinang tanong ko.
"Sinungaling!"Sigaw ni Mira at umupo sa harap ni Castiel saka hinawakan ang kwelyo ng damit nito. "Ilabas mo ang kapatid ko hangal na anghel!" Sigaw ni Mira. Nanatili akong nakatitig kay Castiel.
Umiling iling si Castiel habang umiiyak, dama ko ang kanyang lungkot at wala akong naaamoy na bahid ng pagsisinungaling sa kanyang mga sinabi.
"W-wala na si Avila." Malungkot na sabi ni Castiel, tumayo si Mira habang hawak hawak ang kwelyo ni Castiel saka binalibag si Castiel sa gilid ng pinto saka pumasok sa bahay nito. Hindi ko maikilos ang aking mga paa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at kung saan ako hahanap ng saslita para lamang may masabi.
"Avila nasaan ka?!" rinig kong sigaw ni Mira sa loob ng bahay ni Castiel, nanatili ang paningin ko kay Castiel na umiiyak habang naka upo parin sa gilid.
"B-Bakit?" Sa wakas ay may lumabas na nasalita sa aking mga labi, tumingin saa akin si Castiel habang patuloy parin sa pag agos ang mga luha niya.
"Anghel ilabas mo ang kapatid ko!" Galit na sigaw ni Mira at sa isang iglap ay nasa harap na siya ni Castiel at sinakal niya ito paangat sa ere. Agad akong pumagitna sa dalawa at inilayo si Mira kay Castiel.
"Hindi ito ang oras para pairalin ang galit mo Mira!" Sigaw ko saka tumingin kay Castiel na nag hahabol ng hininga.
"N-Nasaan ang.. labi ng aming kapatid?" Tanong ko kay Castiel na nasa gilid ko.
Sa tabi ng rumaragasang sapa na may itim na tubig nakatayo ang isang matayog na patay na puno. Sa paligid nito ang mga patay na halaman at walang kabuhay buhay na kulay. Ang hangin dito sa baba ng likod ng bundok ay makapal.
Ngayon ay nakatayo kami ni Mira sa harap ng isang malaking bato na may nakaukit na pangalang 'Avila' agad akong napayuko upang pigilan ang pag labas ng aking luha. Huminga ako ng malalim saka pumikit para pakalmahin ang aking sarili.
Hindi ko alam kung paano at bakit namatay si Avila, hindi pa sinasabi sa amin ni Castiel ang nangyare kung bakit nawala ang aming kapatid.
Napatingin ako sa aking katabi na si Mira, nakatitig lamang siya sa pangalan ni Avila habang walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata at mukha.
Ramdam ko ang lungkot, galit at pagsisisi na nananalaytay sa katawan ni Mira ngayon habang siya ay nakatingin sa pangalan ng kanyang kapatid. Lumingon ako sa aming likoran kung saan naruruon si Castiel na wala ring emosyon habang nakayuko.
Nag lakad ako palapit sa gawi ni Castiel, nag angat siya ng tingin ng maramdman niya ang aking presensya sa kanyang harapan.
"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya, tumitig muna siya sa aking mga mata saka muling yumuko.
"Wala ako sa posisyon upang sabihin ang dahilan." Sabi niya dahilan para maasar ako.
"Tinatanong kita kung bakit Castiel... bakit hindi mo niligtas ang kapatid ko?" Nagpipigil na tanong ko habang nakatingin sa kanya, napaangat siya ng tingin sa akin saka tumitig sa aking mga mata. "Ang sabi ng mga tao kayong mga anghel ang tagapag ligtas..."Agad na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya. "Ngunit bakit hindi mo niligtas ang kapatid ko Castiel?"dagdag ko saka napahikbi.
Oo, hindi ako tunay na parte ng pamilyang kinabibilangan nila Mira at Avila, pero napalapit na ako kay Avila, tinuring niya akong tunay na kapatid at inalagaan. Hindi nag bago ang turing niya sa akin simula ng huli ko siyang makita.
"Kahit manlang sana.... kahit manlang sana niligtas mo siya." Naramdaman kong niyakap ako ni Castiel dahilan para mas lalong tumulo ang luha ko.
"Sa mga huling hininga ni Avila, ikaw at si Mira ang binanggit niya." Sabi ni Castiel. "Ang bilin niya sa akin ay.... huwag kong sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit siya nawala sapagkat ayaw niya na masasaktan kayo."Sabi ni Castiel at humiwalay sa pagkakayakap.
"Ang sabi niya..... ipinag mamalaki niya si Mira sapagkat alam niya na si Mira ang susunod na mamumuno, at humihingi siya ng tawad sayo sapagkat noong huling punta mo rito ay hindi ka niya makita." Walang halong pagsisinungaling ang mga salitang sinasabi sa akin ni Castiel ngayon. Naiyukom ko ang aking palad at mas lalong naiyak dahil sa mga katagang sinabi ni Castiel.
"Ngunit... bago siya mawala ay... may isang itim na anghel ang nagpakita sa amin." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Castiel, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya na seryosong nakatingin sa akin.
"Hindi ko kilala kung sino siya ngunit... narinig ko na tinawag siya ni Avila na Alada." Sa pagkakataon na ito napalingon sa gawi namin si Mira, naiyukom ko ang aking palad habang nakatitig kay Castiel.
"Alada." Bigkas ni Mira, bigla kong naamoy ang napakatinding galit at puot na nag mumula kay Mira, nakita ko kung paano magdilim ang kanyang paningin habang nakatingin sa aming gawi.
Alada, may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Avila?