Kysler Makalipas ang isang buwan ay puro paghahanda lang ang ginawa namin ni Zhea sa aming kasal. Hindi namin ginawang engrande dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung nasaan ang aking kuya. Sinabi naman sa akin ni Zhea na hinahanap na nila ngayon ang karoroonan ng aking kuya at agad itong aaksyonan oras na mahanap nila siya. Pilit ko na muna itong iwinaksi sa aking isipan dahil sa susunod na linggo ay kasal na namin ni Zhea. Noong una ko ngang sinabi ito sa aking mga kaibigan ay nagulat pa silang lahat dahil wala naman daw silang naaalala na pinakilala kong nobya ko sa kanila. Kaya naman itong mga bugok na ito ay nandito sa aking bahay at bigla na lang silang nagdesisyonan na mag-party. “Grabe, hindi ko akalain na pagkatapos ng mahigit isang buwan ay may ikakasal nanam

