Kysler Ngayon ay araw ng Sabado at wala akong masyadong gagawin. Yinaya kong mag-lunch si Zhea pero sinabi niya na pinapapasok daw siya ngayon ng kanyang boss kaya hindi siya makapupunta. Naiinip ako sa bahay kaya nang tumawag si Keith at nag-aayang mag-golf daw kami kasama ang iba pa ay sumama na lang ako. Simpleng shorts lang, rubber at t-shirt na black ang sinuot ko sabay nagdala na rin ako ng sombrero. May tubig na rin akong dala at saka iyong sarili kong golf kit ay linagay ko lahat sa aking sasakyan. Nang handa na ako ay mabilis akong nagmaneho papunta sa lugar na sinabi ni Keith. Pagdating ko roon ay naabutan kong naglalaro sina Vaughn at Earl. “Hey dude,” sabi ni Keith sa akin sabay nakipag-hand shake ako sa kanya. “Dude, what’s up.” Tinanguan naman ako ni Clyde. “

