Chapter Twenty Two
That night hindi ako sumabay ng pag-uwi kay Daxon. Sa buong oras na nakasakay kami sa ferris wheel ay tahimik lang ako. Pagbaba namin ay kaagad kong nilapitan sina Yuri at tinawagan ang driver namin. Umuwi ako na hindi nagpapaalam kay Daxon. He keep on texting and calling me that night, ngunit ni isa sa mga tawag niya ay wala akong sinagot.
Dalawang araw na akong nandito lang sa bahay namin nagbabasa lang ng libro. Kahit saan ako yayain ni Yuri gumala ay tumaganggi ako. Ayaw kong makita kasi si Daxon. His sudden confession to made me feel so scared of everything. I'm scared ma malaman ito ni Mama at ilayo ako dito sa Eretria. Natatakot ako sa maari kong kahihinatnan ko kapag nahulog ako ng sobra kay Daxon.
I want him to stay as my happy crush, nothing more and nothing less.
"Alam mo Alisa kung magpupunta ka ng Eretria sa susunod at hindi mo kami isasama. Bubutasin ko ang gulong ng kotse niyo," pagbabanta ni Ellie sa akin mula sa kabilang linya.
"Basta ako hindi kita pagbabantaan pero dapat nga ay isama mo kami," dagdag naman ni Dame ngayon.
"Maganda ba diyan Alisa?" tanong naman ni Reese.
Nandito ako ngayon pavilion nakaupo reading books but until nag-message si Ellie sa akin.We are having group video call dahil gusto daw ako kasausapin ni Ellie. Pero ang ginagawa niya lang ay pagbantaan ako. She's really upset na dalawang besis na akong nagpunta dito at hindi ko siya sinama.
"Paano kita isasama? Family vacation to atsak pupunta kayong Japan diba? Isasama ko kayo kapag regular vacation lang Dame. And Reese oo maganda dito sobra, forget about your fast food cravings here dahil masasarap ang homemade food dito."
"Pwede ko naman i-ditch sina Mommy at sumama diyan sa'yo. You I like Eretria so much," ani naman ni Ellie. Nakatayo na ito ngayon at maglalakad pababa ng hagadanan nila.
"Kahit special vacation pa yan sasama ako. What diyan ko yayain mag-christmas sina mama?" ani naman ni Dame habang nasa baba nito ang kanyang kamay. Nasa may sala nila ngayon si Dame nakahiga sa sofa.
"Maybe I can ask Papa if may relatives kami diyan," sambit naman ni Reese na nagpasimangot kay Ellie.
"Pupunta kayo diyan tas ako nasa Japan? Subukan niyo lang!" Natawa naman kaming tatalo sa pagbabanta muli ni Ellie.
Ellie really wants to go back here in Eretria hindi ko alam kung ano gusto niya balikan dito. Maybe the foods? There is a reason din naman kung bakit hindi ko sila sinasama kapag nagpupunta ako dito. I want to keel them away from the reason kung bakit ako balik ng balik dito. I don't want them to know na nagpupunta lang ako dito just to see Daxon. Sapat na siguro na si Kuya ang may alam nun.
"Try and to come here Ellie. Sige na magbabasa na ako ng libro," sambit ko bago ko patayin ang tawag nila. Pagkapatay ko sa tawag ay nakatanggap naman akong text message mula kay Daxon.
From Dax;
Are you mad? Niyaya ka daw ni Yuri but tumanggi ka. May nasabi ba akong hindi mo gusto?
Hindi ko nireplayan ang text nito at ibinalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa ko ng libro. Maghapon akong nagbabasa dito sa pavilion. At noong hapon na ay umakyat ako sa aking silid para makaligo muna ako bago magbasa muli.
Wearing a white strapless A-line above the knee dress and letting my hair down ay bumalik ako sa pavilion. Pag-upo ko dito at binuksan muli ang libro ay sakto naman ang pagbukas ng gate namin. Noong una ang akala ko ay si Kuya Lev ang dumating. Ngunit para naman ako binuhusan ng malamig na tubig noong makita ko si Yuri.
"Hello Alisa," bati sa akin ni Alex noong makalapit sila sa pavilion. Yuri just came and she brought her friends, and Daxon is with them.
"Hi Alex, nag-enjoy ba kayo sa pamamasyal?" tanong ko naman sa kanya at iniwasan ang mga tingin ni Daxon.
"Oo naman. Sayang at wala ka ang ganda doon sa pinuntahan namin," sagot naman ni Kristen sa akin.
"Sayang nga may ginagawa kasi ako kaya hindi ako nakasama. Sige akyat muna ako sa taas ha?" pagpapaalam ko sa kanila. Hindi ko naman sila hinintay pa na sumagot at kinuha ko ang mga gamit ko at umakyat na sa taas.
Pagakyat ko sa third floor kung saan may isa pa kaming sala ay umupo ako sa isa sa mga sofa dito. Inilapag ko naman ang mga libro ko sa coffee table at hinabol ko ang aking paghinga. Tumakbo kasi ako paakyat dito, baka kasi sundan ako ni Daxon. Magmula kasi noong dumating sila ay nakatitig lang siya sa akin.
"Nasaan ang phone ko?" tanong ko sa aking sarili noong hindi ko mahanap ang phone ko.
Hindi ko alam kung sa silid ko ba ito nakalimutan o sa pavilion. Sana ay sa silid ko na lang, dahil baka kapag sa pavilion ay ihatid pa dito sa taas. Dahil sa tinamad na akong magbasa ay binuksan ko na lang ang tv dito at nanood ng movie.
Habang nakahiga ako dito sa sofa ay nanonood ako ng movie. Sa kalagintaan ng movie ay bigla akong nakaramdam ng antok. Gusto ko talagang tapusin yumg movie kaya lang sobrang bigat ng talukap ng ng mga mata ko. Kaya naman hinayaan ko na lang na sumara ang mga ito habang naka on parin ang tv.
"...sa.... wake up....hey.....llo....are you really asleep?" I can hear a faint voice talking to me.
My eyes are still close but I can hear my surroundings, gising na ba ako? Dahan dahan ko naman iminulat ang mga mata ko at sumalubong ang mukha ni Daxon sa paningin ko.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya at mabilis kong pinunasan ang mga mata ko.
"Pinahatid ni Yuri ang phone mo and I saw you sleeping," sagot nito sa akin at tinuro niya ang phone ko na nakapatong sa mga books ko ngayon. Lumayo naman siya sa akin at umupo sa isa sa mga sofa dito.
Umupo naman ako at doon ko lang narealize na may kumot na nakalagay sa akin. Tinatakpan nito ang kalahati ng katawan ko, magmula sa bewang hanggang paa. Wala naman akong kumot kanina ah? Saan to galing? Iniligay niya ba?
"Your dress is so short tumataas kanina kaya kumuha ako ng kumot," sambit namab nito sa akin. Tingnan ko siya at napansin ko ang pamumula ng mga tenga nito.
"Thank you," maliit na boses na sagot ko sa kanya.
Para naman akong naguilty sa pag-iwas iwas ko sa kanya. Mahigpit kong hinawakan ang kumot bago ako nagsalita muli.
"Sorry."
"Are you mad?"
Sabay naming sambit. Napalingon naman ako kaagad sa kanya at mukhang gulat ito ngayon. Naramdaman mo naman ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa titig nito sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at iniharap ko ang aking mga tingin sa tv.
"Why are you saying sorry?" tanong naman nito sa akin. Nararamdaman ko parin ang titig nito sa akin.
"Ka-kasi I ignored you," nauutal ko na sagot sa kanya habang nasa tv parin ang tingin ko. Nahihiya talaga akong tumingin sa kanya, at ayaw ko ko din siya tignan dahil nalulunod ako sa kanyang mga titig.
"Ang akala ko ay nagalit ka sa akin dahil sa sinabi ko sa peryahan," sabi naman nito. Hindi naman ako nagalit sa kanyang sinabi doon, natakot lang ako.
"No, hindi ako nagalit sayo."
"Then bakit mo ako iniwasan. You didn't reply on my texts and you declined all of my calls."
Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ang totoo sa kanya o kaya naman ay mag-iisip ako ng bagong rason. I can't tell him about my mother's beliefs, because malalaman nito ang tungkol sa edad ko. Yuri would get upset to me kapag may nakaalam na mas matanda ako sa kanya. She's really into being a big sister to me kasi.
"Natakot lang ako," mahina kong sagot muli sa kanya. Maybe I should tell him some white lies.
"Natakot saan? Did my confession scared you?" tanong naman niya. Dama ko pag-alala sa boses niya ngayon.
"Yes, no one said they like me. Kay natakot ako dahil hindi ko alam kung ano isasagot," sagot ko sa kanyang tanong. What I said to him is half true, isa rin kasinh dahilan kung bakit ko siya iniwasan ay hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"You don't need to answer me Alisa. Hindi naman ako naghihingi ng sagot sa'yo. Just let me show how I feel to you."
Kung makikita ko siguro ang mukha ko ay kasing mula na siguro ito ng kamatis, strawberry at cherry sa sobrang pula. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon dahil sa sinabi niya. Gusto kong kalimutan ang mga takot sa aking isipan dahil sa sinabi nito sa akin.
Should I just go with the flow and let myself loose without the thoughts about my mother.
"Daxon hindi ba ang unfair nun sa'yo?" tanong ko sa kanya. I will do everything para lang makalimutan ko ang mga salita ni Mama sa akin. Daxon please give the answer that I want to hear.
"It's not unfair to me Alisa. I want to show you how I feel, hindi naman kita pipilitin na bigyan ako ng sagot. All I want is for you to feel how much I like you."
Yun ba ang mga salitang gusto kong marinig? Sapat na ba ang mga iyon upang suwayin ko si Mama?
"Daxon, let me think first?" tanong ko sa kanya. Gusto ko talagang pag-isipan muna ang isasagot ko sa kanya.
"While you are thinking let me do things for you," sabi naman nito sa akin. Liningon ko naman siya at sinalubong kaagad ako ng mga mata niya na nakalunod. Ang mga mata na kapag tinitignan ko ay nawawala ako.
I unconsciously nod at him while starting at his eyes. I don't know why but after looking at hi eyes it feels like I would do everything what he will say.
Ilang minuto pa ay tinawagan na kami ni Yuri ang sabi ay kakain daw kami ng meryenda. Pinauna ko ng bumababa sa sala si Daxon, dumaan muna kasi ako sa kwarto ko para itabi mga books ko. Inayos ko din ang sarili ko bago ako bumababa sa sala. Hanggang ngayon kasi ay namumula parin ang mukha ko. Noong kumalma ang pagkapula ng aking mukha ay saka ako bumababa.
Gusto kong mag take risk at pumayag sa gusto ni Daxon. Kaya naman pagbaba ko sa sala ay hindi ko na siya iniwasan pa. I let him do what he want, maybe I can enjoy this for a while. Habang wala pa sina Mama.
"Mama bakit ang aga niyo po dumating?" salubong na tanong ko sa kanya. Dahil kinabukasan lang ay dumating siya kasama sina Papa.
"Etong Papa mo gustong gusto na pumunta sa sementeryo," sagot ni Mama sa akin at itinuro si Papa.
Bakit naman ang bilis nilang dumating? Wala pa ngang isang araw mula noong makausap ko muli si Daxon. Sign ba ito na hindi ako dapat tumuloy?Dapat ko na bang tigilan si Daxon.
From Dax;
Good morning Alisa. Gusto mo ba mamasyal sa mga mini hills dito? I can take you there using my motorbike. Kasama natin sina Yuri.
Paano ako makakatanggi sa'yo kung kahit hanggang sa text ay naririnig ko ang boses mo. Siguro naman ay walang masama kung nandito na sina Mama diba? She know naman na kaibigan ni Yuri si Daxon she won't suspect anything.
To Dax;
Goodmorning too Dax. Sure! I would love to go there. Susunduin niyo ba kami ni Yuri dito sa bahay?
"Ma, akyat po muna ako sa aking kwarto."
Mabilis naman akong tumakbo papunta sa taas at para makapagbihis na ako. Habang nagbibihis ako ay pumasoks si Yuri sa aking silid.
"Ate Alisa sasama ka daw sa amin?" tanong nito at umupo siya sa bed ko habang pinapanood niya ako mamili ng damit.
"Oo gusto ko makita ang mga mini hills dito. Okay lang ba na sumama ako?" tanong ko sa kanya at ipinikita ko ang damit na napili ko.
Tumango naman siya bago sumagot, "Sobrang okay! Gustong gusto nga kitang sumama sa pamamasyal namin eh."
Napangiti naman ako sa sinagot nito sa akin. At first I thought maiinis si Yuri dahil sa sumama ako sa pamamasyal niya ng mga kaibigan niya. And here she is saying na gusto niya ako sumama.
"Ate Alisa, please be careful? I don't want to see you losing your happiness."
"What are you talking about Yuri?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang nagsusuklay ako ng buhok.
"Mama wouldn't like Daxon for you. But I know he makes you so happy, kaya please don't let Mama know about him."
~~