(LORIE'S POV) Napatakbo ako sa banyo ko nang magising ako dahil sa pag-asim ng sikmura ko kasabay ng pagkahilong naramdaman ko. Tila hinahalukay na naman ang tiyan ko kaya nagduduwal ako sa banyo. Ilang araw ko na iyong nararanasan pero binabalewala ko na lang. Wala rin naman akong naisusuka kundi puro laway na tila mapait sa panlasa ko. Mula kasi nang mamatay si Daddy ay lagi nang wala sa oras ang pagkain ko. Kung minsan nga ay wala akong ganang kumain. I don't know pero kapag nakita ko na ang nakahain na pagkain at hindi iyon magustuhan ng paningin o pang-amoy ko ay agad na akong umaalis sa dining room at kung minsan ay nag-oorder na lang ako ng gusto ko. Hindi rin naman ako pinipilit o kinukulit ni Ninong Max na kainin kung ano ang nakahandang pagkain. Iniintindi niya ako at nireresp

