(LORIE'S POV) "Hi Lor!" "Kumpleto na naman ang araw ko!" "Hello beautiful! Natanggap mo ba ang text ko?" Ilan lang ang mga iyan sa sumalubong sa akin pagkapasok ko sa classroom namin. Heto na naman ang mga classmates kong lalaki na papansin. Akala naman siguro nila ay ikinaguwapo nila ang pagpapa-cute sa akin. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit bago walang pakialam na umupo sa tabi ni Sela. Sa tabi naman niya ay si Mira. Silang dalawa ang mga classmates ko na madalas kong sinasamahan dahil dati ko na silang kakilala. "Wala pa si Prof?" tanong ko sa kanila kahit wala pa naman talaga akong nakikitang Professor na nakatayo sa harap namin. Posible rin kasing dumating na ang Professor namin pero lumabas muna saglit dahil hindi pa naman talaga oras ng klase namin. Buti nga at naka

